Story By Wysteriashin
author-avatar

Wysteriashin

ABOUTquote
Maraming salamat po sa pagbisita sa aking profile! Ako po ay isang manunulat na talaga namang makulit ang imahinasyon, ngunit asahan po ninyo na walang mature content ang mga libro ko, kung mayroon man po, mga labanan at matinding sagupaan lang sa pagitan ng bida at mga kalaban. Laban pagitan sa masama at kabutihan. Pagdating naman sa ibang mga genre, ang mga librong may drama at komedya ay may mga bahagi na hango sa totoong buhay na tiyak akong hihipo ng inyong mga puso at magpapaalis ng inyong mga lumbay. Isa lamang naman po ang hangarin ko, ang magbahagi ng mga istoryang hindi lang kapupulutan ng aral kundi magbibigay liwanag din sa mga buhay. Sana'y suportahan po ninyo ako at kung may pagkakataon ay maibahagi rin sa iba ang mga librong likha ko na inyo pong nagustuhan. Marami pong salamat!
bc
Miss Misunderstood
Updated at Sep 10, 2024, 19:49
🌹🌹SPG🌹🌹 Contains/Triggers: Che@ting, PT$D, m€ntal illness, S€lf-harming, St@lking, Heavy drama Type of Lead Character: Antagonist/Protagonist Blurb: Pinaniwalaan si Elyana ng kaniyang asawa, na siya ang may kasalanan sa kanilang nasirang pagsasama matapos niya itong mahuli sa akto na may kas!p!ng sa kama. Nang muli silang magkaharap sa hiling ng kanilang mga pamilya, naglakas-loob na magtanong si Elyana sa dahilan kung bakit nagawa iyon ni Finn sa kaniya. Halos gumuho ang mundo ni Elyana nang marinig mula sa bibig nito ang sagot na naging dahilan upang agaran ituloy ang hiling niyang diborsyo. Nang maaprubahan, umalis agad si Elyana ng England at natungo sa Pilipinas. Nakahanap ng kanlungan sa tabi ng kan'yang matalik na kaibigan. Magkasama araw at gabi, pinasasaya't inaalagaan hanggang sa tuluyang maghilom ang kaniyang puso. Sa dalas nilang magkasama, isang bagay ang sa kaniya'y gumulo dahil sa kakaibang saya't kagaanan na hatid ng mga sandaling malapit ito. Ngunit paano kung malaman niya ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ng kan'yang dating asawa bago niya malaman kung ano ang tunay na nararamdaman para sa matalik na kaibigan? Ang sikretong iyon ba ang mag-uudyok na bumalik kay Finn, o ito ang magiging dahilan upang tuluyan na siyang tanggihan at hayaan ang puso na gawin ang ibinubulong nito?
like
bc
Celestial Warrior (Completed)
Updated at Nov 7, 2021, 19:08
Dalawampu't limang mga sanggol na Celestial ang dinala sa mundo ng mga tao labinlimang taon na ang nakararaan upang iligtas sa mga rebeldeng nais paliitin ang kanilang bilang. Mga musmos na bata na mayroong pagkakataong makalahok sa isang patimpalak kung saan isa sa kanila ay siyang mapipili upang maging reyna o hari at mamumuno sa Celestial Kingdom. Sinara ang portal upang ang panganib ay hindi na sila masundan at muli lamang itong bubuksan sa takdang panahon kung kailan magsisimula ang paligsahan. Isa sa mga kabataang ito ay si Camilla, ang bukod-tangi sa kanila na nagtataglay ng dalawang kapangyarihan. Isa na taglay na niya nang siya'y isinilang at ang isa naman ay ipinagkaloob sa kan'ya ng kaniyang ina upang siya'y pangalagaan. Ang dalagitang ito ay may malaking misyong gagampanan. Pinili ng kaniyang Bathala upang iligtas ang sangkatauhan. Kasama ng iba pang kabataang kasama niyang bumalik at magiging kaibigan. Sino kaya ang kalaban? Ang mga rebelde noon ay nahuli na't naparusahan. Mula kanino nila ililigtas ang mundo nila at mundo ng mga tao? At sino sa mga kabataang ito ang papalit sa nakaupo sa trono?
like
bc
You're Hired! Carry My Child
Updated at Apr 8, 2025, 08:29
Sa pagbabalik ni Keith sa Pilipinas, isang surpresa ang inihanda ng kaniyang lola kasabay ng kaniyang ika-dalawampu't walong kaarawan, ngunit ang masayang selebrasyon na ito ay susundan ng mga trahedya na maglalagay sa buhay ng binata sa matinding panganib. Upang matiyak na may magmamana ng lahat ng yaman na mayroon ang kanilang pamilya, isang pasya ang naisip ni Keith—ang maghanap ng babae na walang kaugnayan sa kanilang pamilya upang maging ina ng kaniyang anak sa siyentipikong pamamaraan. Si Merrill—minsang nagligtas sa kaniyang buhay ang naisip niyang alukin. Lihim silang nagkita. Tinanggap agad ng dalaga ang magandang offer at kalaunan ay nagdalang-tao. Iyon nga lang, may iba itong plano at sa pamamagitan nito ay maiipaghiganti na niya ang kaniyang yumaong lolo. Sino ba si Merrill? Mali ba si Keith ng pinagkatiwalaan? Sino ang mga nais manakit sa binata at bakit nais ipaghiganti ni Merill ang kaniyang lolo?
like
bc
Flavor of Love
Updated at Dec 9, 2024, 19:18
Si Florentin ang dahilan kung bakit ang isang Rackie April ay naging picky at man-hater sa mahabang panahon. Wala siyang naging boyfriend dahil mabilis ma-turn-off kahit pa nakapila ang kaniyang mga suitor. Ngunit sadya talagang mapaglaro ang tadhana upang muling magkrus ang kanilang mga landas makalipas ang halos sampung taon. Magmula ng araw na 'yon, sunod-sunod na ang mga pagkakataon. Naging regular customer pa nila ang binata sa kanilang restaurant kaya naman panay was ang ginawa ni Rackie sa kaniya. Ano kaya ang dahilan at napapadalas ang kain ni Florentin sa kanilang restaurant? Hindi nga kaya niya ito naalala gaya na lang ng ginagawa ni Rackie na pagpapanggap sa tuwing makikita ang binata? O sadyang there is something sa mga pagkain sa restaurant that Florentin couldn't forget dahil para sa kaniya that is the Flavor of Love?
like
bc
Miss Misunderstood (English)
Updated at Aug 31, 2024, 17:20
Warning: SPGāš ļø Trigger: Che@ting, PT$D, S€lf-harm, St@lking, Kidn@pping, Too much dr@ma Type of Lead Character: Antagonist/Protagonist Blurb: Elyana Begum's husband, Lucas Wilhelm, makes her believe she is to blame for their failing marriage. We she caught him and another woman making out inside the bedroom of their resthouse given to her as a gift for their wedding anniversary, Lucas used the reason his wife couldn't give him a child that's why he did it—pushing Elyana to file for divorce to completely cut ties with him. Betrayed and heartbroken, she left England for good without knowing the truth of her husband's infidelity. She found shelter on the side of her childhood best friend, Felipe, a.k.a. Felicity. Handsome, successful matchmaker who labeled himself gay and had no interest in women. As Elyana spends time with him day and night, she eventually feels her heart pounding harshly when Felipe is close. His gentleness towards her and how much he cares makes her want to be with him more often; however, Lucas' sudden appearance, bringing up the truth to take her back, puts Elyana's heart into turmoil.
like
bc
Golden-Winged Celestial (Celestial Warrior Book III)
Updated at Sep 14, 2023, 04:55
Bilang anak ng mag-asawang nagmula sa magkaibang angkan, inasahan na nina Lala at Raven ang kanilang mga magiging supling ay makikitaan ng higit sa isang kapangyarihan na mamamana nila sa kanilang dalawa, ngunit nang ipanganak ang kanilang panganay na anak, at siya ay umabot sa edad na dalawa, nagpakita siya ng kapangyarihan at kakayahan na hindi galing sa mga angkan ng kaniyang mga magulang. Maliban dito, ikinagulat ng lahat, ang dalawang taong gulang na bata ay biglang na lamang nagbinata, nakapagsalita nang diretso at kung mag-isip ay gaya ng isang nasa eda dise siyente, at tinabuan siya ng isang pares ng ginintuang pakpak na gaya ng sa mga paruparo. Bumalik sila sa pinanggalingan nilang mundo upang ilayo ang anak sa mga mata ng mga tao. Buong akala nila'y magiging ligtas ang kanilang anak doon ngunit mas naging lapitin pa ito ng panganib dahil sa taglay na kakaibang lakas at malakas na kapangyarihan na nakapang-akit kahit na ang mga nilalang na nasa kabila ng buhay. Ano na lamang ang naghihintay kay Rio? Ano kaya ang pakay ng mga kaluluwang ito? At may paraan pa kaya upang maibalik siya sa dati?
like
bc
Last of its Kind
Updated at Jul 30, 2022, 20:32
Isang isla na protektado ng isang makapangyarihang diwata ang matatagpuan ng isang grupo ng mga pirata. Doon matatagpuan ang sangkatutak na mga ginto't iba't-ibang uri ng kayamanan. Sa kanilang pagdaong sa puting buhangin ng isla, gigisingin nila ang takot sa puso ng bawat isa. Pipintahan ang luntian at mayamang paraiso ng pula. Dadanak ang dugo, mababalot ng apoy at kanilang mapapaslang ang huling pares ng mga dragon na sina Kino at Kira. Iiwan ng mga pirata ang nagngangalit na apoy at dala ang mga kayamanang kanilang nakuha. Iisipin ng mga nakaligtas na iyon na rin ang huli nilang araw sapagka't ang kanilang tirahan ay malalantad na. Sa paglaho ng huling pares ng mga dragon ay parang naupos na rin ang kanilang pag-asa. Kasama nang nasunog sa malaking parte ng isla, ngunit isang regalo ang iiwanan ng dalawang dragon sa kanila. Sa paglipas ng mahabang mga taon, muling mayroong magtatangkang hanapin ang nasabing isla. Anak na ng piratang dahilan ng pagkawala ng pag-asa na ang mga dragon ay madadagdagan pa. Magkakaharap ang anak sa anak, ng pirata't huling pares ng mga dragon at sa kanilang pagkikitang ito ay magkakaroon ng dahilan ang ama ng binatang pirata na muling balikan ang lugar na dahilan ng kaniyang pagyaman, ngunit sumira rin sa kaniyang buhay at pamilya.
like
bc
Edelweiss and the Four Kingdoms of Harmonia
Updated at May 31, 2022, 05:23
Paanong ang isang modelo ay kinailangang mamatay para muling mabuhay sa isang mundo na wala siyang alam kung saan? Lugar na ang mga tao ay kawagis niya at nagtataglay ng kondisyon na mula pagkabata ay naging dahilan ng kaniyang pamamalagi lamang sa loob ng kanilang bahay. Kondisyon na isang kapansanan para sa mga espesyalista na sa mundong kaniyang sunod na narating ay isang normal na bagay lamang. Sa mundong ito raw siya nabibilang at Edelweiss ang kaniyang ngalan.
like
bc
Hidden Desire Series #6 The Billionaire's Gem
Updated at Mar 31, 2022, 23:05
Isang bilyonaryo na minahan ang negosyo at isang aktibista na pagpoprotekta sa kalikasan ang trabaho. Lalaking mailap sa tao, ayaw ng ingay at mapag-isa ang laging gusto habang ang babae naman ay maingay, palaban, may matinding prinsipyo at handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng maraming tao. Ano na lamang ang mangyayari kung magkakatagpo ang dalawang ito? Matinding bangayan at komprontasyon ito sigurado. Dalawang taong may magkaibang mundo at ipinaglalabang prinsipyo. Isang kondisyon na may nakatago palang matinding kadahilanan ang sa mundo nilang ginagalawan ay makapagbabago. Hindi ba't sa lupa nahahanap ang kayamanan? Bakit ang isa sa kanila ay hindi sa lupa makikita ang matagal na niyang hangad na kayamanan?
like
bc
Celestial Queen
Updated at Nov 29, 2021, 16:03
CELESTIAL WARRIOR BOOK II Sa pagpapatuloy ng yugto ng buhay ni Lala kung saan isa na siyang ganap na Reyna. Pinagpatuloy niya ang mga sinimulang pagbabago ng kan'yang ama at mas pinaunlad pa ang pamumuhay ng mga mamamayan sa kanilang mundo. Sa nalalapit na araw ng muling pagsisimula ng paligsahan ay roon nagkasunod-sunod ang mga problemang kan'yang kahaharapin. Hindi ang paligsahan ang puntirya nitong sabutahihin, ang pakay nito ay mundo nila mismo ang wasakin. Sa pamamagitan ng pagsira ng balanse ng kalikasan. Maraming hayop ang namatay, mga pananim na natuyo at nagdulot ng kagutuman. Ang pinakamalaking ilog ay nagkulay dugo na siyang naglason sa mga isda't hayop at magbibigay sakit sa mga mamamayan. Sa paglitaw ng Celestial na balak wasakin ang kanilang mundo, isang uri ng mga nilalang na mas piniling manirahan sa kailaliman ng tubig ang sa kanila rin ay magpapakita. Hindi upang magbigay ng tulong, kundi humingi ng tulong sa mga Celestial na nasa lupa. Sino kayang Celestial ang magbabalak wasakin ang mundo? Anong mga nilalang ay muling lilitaw at anong tulong ang kanilang kailangan?
like
bc
Warmest Hug
Updated at Nov 4, 2021, 18:04
Sa buhay, mayroon at mayroong mga pagkakataon na ipamumukha sa atin na mali ang kasabihang "blood is thicker than water" dahil minsan, kung sino pa ang hindi mo kilala at hindi mo kadugo, sila pa ang handang tumulong sa'yo nang walang kapalit na hinihintay. Ito'y isang kwento tungkol sa isang dalaga na magpapatunay na mali ang kasabihan.
like
bc
Monsters Among Us
Updated at Oct 14, 2021, 22:32
Si Victoria ay isang milagro ng langit sa mag-asawang Elias at Beatrice na mahabang panahon nilang hinangad. Isinilang siyang normal at malusog ngunit sa kaniyang paglaki ay may mga bagay na walang sinuman ang makapagpaliwanag. May nakikita siyang hindi nakikita, nararamdaman at naririnig ng iba. Kaya mas pinili ng mag-asawa na malayo sa mga taong mapanghusga. Nang tumuntong sa edad na labing-tatlo, roon na sinubukang pasukin ang katawan niya ng isang demonyo. Isang madre ang biglang sumupot sa kanilang tahanan dala ay tulong at upang ang dalagita ay bigyang kalayaan. Sa mga labi ng madre nila malalaman ang anak nila ay sugo ng kalangitan. Isasama niya ito sa kaniyang pag-alis upang sanayin sa pakikipaglaban. Sa tamang panahon, babalik upang harapin ang pitong magkakapatid na maghahasik ng kasamaan sa mundo, ngunit sino ba ang pitong ito? Ano ang kaya nilang gawin upang maghatid ng pangamba hanggang sa langit?
like
bc
Finding Mayumi
Updated at May 31, 2021, 17:22
A young man died to give half his life, all his wealth, including his name and power just for a slave to be reincarnated. She'll be sent in a different place and time, and him—in a different body. With the distance, unsure circumstances, and people chasing after the body he took over, will they ever get to see each other? Or he will let another tragedy for the second time take her?
like
bc
Operation Baby on Board
Updated at May 4, 2021, 18:46
Dahil sa matinding pagnanais ng mag-asawang Damian na magkaroon na ng apo, gagawa sila ng plano upang makapaghanap na ng mapapangasawa ang kanilang nag-iisang anak na si Pretzel. Sikreto rin silang hihingi ng tulong sa isang sikat na matchmaker upang ipakilala sa mga potential papabols ang kanilang nuknukan sa pagkapihikan na dalaga. Ngunit paano na lamang kung malaman ni Pretzel na planado lang pala ang lahat? Magkatotoo pa kaya ang kanilang pangarap na apo o maghihintay na lang sa isang milagro? Samahan po ninyo ang pamilya Damian sa kanilang natutuwang kwento at kung paano mahahanap ng kanilang unica hija ang lalaking magpapatibok ng kaniyang pihikang puso.
like