bc

Celestial Warrior (Completed)

book_age12+
1.3K
FOLLOW
3.2K
READ
adventure
powerful
warrior
female lead
swordsman/swordswoman
sword-and-sorcery
superpower
supernatural
special ability
war
like
intro-logo
Blurb

Dalawampu't limang mga sanggol na Celestial ang dinala sa mundo ng mga tao labinlimang taon na ang nakararaan upang iligtas sa mga rebeldeng nais paliitin ang kanilang bilang.

Mga musmos na bata na mayroong pagkakataong makalahok sa isang patimpalak kung saan isa sa kanila ay siyang mapipili upang maging reyna o hari at mamumuno sa Celestial Kingdom.

Sinara ang portal upang ang panganib ay hindi na sila masundan at muli lamang itong bubuksan sa takdang panahon kung kailan magsisimula ang paligsahan.

Isa sa mga kabataang ito ay si Camilla, ang bukod-tangi sa kanila na nagtataglay ng dalawang kapangyarihan. Isa na taglay na niya nang siya'y isinilang at ang isa naman ay ipinagkaloob sa kan'ya ng kaniyang ina upang siya'y pangalagaan.

Ang dalagitang ito ay may malaking misyong gagampanan. Pinili ng kaniyang Bathala upang iligtas ang sangkatauhan. Kasama ng iba pang kabataang kasama niyang bumalik at magiging kaibigan.

Sino kaya ang kalaban? Ang mga rebelde noon ay nahuli na't naparusahan. Mula kanino nila ililigtas ang mundo nila at mundo ng mga tao? At sino sa mga kabataang ito ang papalit sa nakaupo sa trono?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Panimula Isang mundong nakakubli ang bigla na lamang nagkaroon ng ngalan matapos mangailangan ng tulong mula mundo ng mga mortal. Ang naturang mundo ay hindi basta-basta nararating ng kahit sino at mismong mga mamamayan lamang na mula sa mundong ito ang maaring maglabas-masok at dumadaan sa nag-iisang portal na nagdudugtong sa mundo nila at sa mundo ng mga tao. Sila'y kasing-wangis din ng mga tao, kaya't hindi kapansin-pansin na iba sila lahat. Maliban sa kanilang kakaibang mga mata na tanda ng kanilang pagkakakilanlan. Kulay nito ang nagsasabi kung saang ankan sila nabibilang at kung anong kapangyarihan ang kanilang taglay. Mga kulay na pula, asul, berde at puti na siyang mga pangunahing mga angkan. Sa kanilang mundo ay isang tradisyon ang pagpili ng papalit sa nakaupong pinuno. Sa pamamagitan ng isang paligsahan na maaari lamang lahukan ng edad labing-lima hanggang dalawampu. Labinlimang taon bago buksan muli ang patimpalak ay isang kakilakilabot na kaganapan ang naghatid sa lahat ng takot. Isang grupo ang palihim na binuo, na ang mga miyembro'y mga nilalang na matagal ng naghahanggad ng higit na kapangyarihan. Ang kanilang paniniwala'y taliwas sa batas at alituntuning nakasulat. Sa pagnanais nilang makuha ang trono at isagawa ang pagbabagong hinahangad, nag-umpisa sila sa pagkilos. Ang mga musmos na bata na maaaring magkaroon ng pagkakataong lumahok sa tradisyonal na paligsahan sa itinakdang panahon ang s'ya nilang pinuntirya. Dinudukot nila at natatagpuan na lamang ang mga ito na kalunus-lunos at wala ng mga buhay sa iba't-ibang mga lugar sa mundo nila na nagbigay ng labis na pangamba sa lahat ng mga mamamayan. Gumawa sila ng paraan upang malaman ang tunay na dahilan, nang matunton ang mga may kakagawan ay naging sanhi naman ito ng kanilang pag-aalsa't pag-uumpisa ng mas malaking kaguluhan. Sa takot ng hari para sa kaligtasan ng mga batang walang kakayahang lumaban, napagdesisyunan n'yang dalhin ang mga natitirang musmos na bata sa kabilang mundo upang mailayo sa kapahamak. Sinelyuhan ang kanilang mga kapangyarihan upang hindi makapanakit ng mga tao at pinahintulutan ng Hari ang isa sa magulang o kamag-anak ng paslit na sila mismo ang maghanap ng tahanan na mapag-iiwan sa bawat isa sa mga ito. Matagumpay naman silang naitawid, ngunit isa sa mga magulang ng mga batang ito ang bigla na lang naglaho't hindi na nakabalik. Natugis ang mga miyembro ng rebelyon, ngunit lingid sa kanilang mga kaalaman, may mas malaki pang planong naghihintay sa muling pagbabalik ng mga batang ito at iyon ay magaganap lamang sa araw ng pagsisimula ng paligsahan. Mundo ng Mortal Taong Kasalukuyan Camilla's Point of View "Magandang umaga!" bungad ng kapapasok pa lamang na guro sa loob ng silid. Inangat ko agad ang ulo ko mula sa pagkakayukyok sa lamesa nang marinig ang boses at agad inayos ang pagkakaupo. Nakita ko si Ms. Dela Cruz sa harap at nagulat gaya ng mga iba ko pang kaeskwela. Takang nakatingin ang lahat sa kaniya't naghihintay ng sasabihin nitong anunsiyo. At iyon na nga, siya ang hahawak muli ng aming klase. Marami akong narinig na di sumang-ayon at ang mga sipsip naman naming mga ay tuwang-tuwa sa narinig. Siya kasi ang adviser namin noong unang taon pa lamang namin sa sekundarya at sa kamalasan sa advisory class nanaman niya ako bumagsak. Isa pa naman din siya sa mga kinakatakutang guro sa aming paaralan. Major niya ang Math, kasama na ang Algebra at Trigonometry na pinaka inaayawan ko sa lahat. Pare-parehong pampadugo ng utak. Unang araw ng pasukan pero ito ako puyat sa kaiisip ng magiging araw ko ngayon. Kilala ko na siya't alam na alam kung paano siya magturo. Magaling ito sa magaling ngunit napaka-istrikto pagdating sa mga proyekto't aktibidad. Siya nga pala, ako'y magpapakilala muna po sa inyo. Ako nga pala si White Camilla Almarillo, labing-anim na taong gulang. Nasa ikatlong taon ng sekondarya sa mahal kong Paaralan ng Gordon Height High School. Nanguha lang ng attendance si Ma'am at nagbigay ng homework. Unang araw homework no? Mag-advance study daw kami para makasabay sa lesson bukas. Kung hindi ko lang alam, iyon ay para hindi na siya mahirapan magpaliwanag ng lesson. Mabilis tumakbo ang oras nang di ko namamalayan. Pakiramdam ko lumulutang ang isip ko sa loob ng klase, mabuti na lang walang gaanong ginawa, nag-attendance lang ang mga subject teachers at nag-iwan ng listahan ng mga lessons na tatalakayin namin sa loob ng isang linggo. Mabuti na lamang at ganoon dahil tiyak na mapapahiya ako sa harap ng klase kung nagkataong may biglaang recitation, doon pa naman sila mahilig lalo na sa unang araw ng klase. Aalamin kung ano pang natatandaang huling tinalakay noon bago magsara ang klase. Nakakaloka hindi ba? Pero ganoon kabilis natapos ang aming umaga. Uuwi na sana ako ng bahay pero dahil maaga pa naman ay sa flower shop ako dumiretso upang tulungan si Mommy. Nagyaya pang mamasyal ang mga kaibigan ko pero hindi ako sumama. Hindi rin naman nila ako kayang pilitin kapag ayaw ko kaya nauna na akong lumabas at pumunta sa paradahan ng jeep. Paglabas ko ng gate ng school ay naramdaman akong kakaiba. Parang nakuryente ang kaliwang tainga ko dahilan upang mapalingon ako sa paligid. May napansin akong anino ngunit bigla itong naglaho at mula naman sa kinatatayuan ko'y napansin ko ang isa pa ngunit alam kong sa pagkakataong iyon ay isa iyong tao. Nasa gilid ito ng bakod ng isang tindahan. Parang nagtatago at may kakaibang malausok na nabalibot sa kaniya. Kapansin-pansin siya sa lahat dahil siya lamang ang naiiba. Kinabahan ako nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Hindi ko naman magawang aalisin ang mga mata ko agad sa pagkakatingin sa kaniyang direksyon. Nakikipaglabanan ako ng titig na tumagal ng ilang segundo rin bago siya muling kumubli nang tuluyan. Nakuha ko ang pagkakataong iyon para tumakbo sa sakayan ng Jeep. Sa bulto ng katawan niya't hugis ng mukha ay masasabi kong isa siyang lalaki. Matangkad ito, nakasuot ng maong na pantalon at naka-jacket na may hood na nakataas sa kaniyang ulo. Isama pa ang sumbrerong suot nito na siyang nagtago ng kaniyang mukha ngunit kita ko ang kakaibang kulay ng kaniyang mga mata na kahiit anong layo niya pa ay nakapagtatakang aking malinaw na nakita. Huminga muna ako ng malalim ng ilang beses upang mabawasan ang kabang nararamdaman bago tuluyang sumakay sa humintong jeep. Muli kong binalingan ng tingin ang lugar kung saan ko siya nakita ngunit wala na ito roon. "Sino kaya 'yon?" tanong ko sa sarili. Nakarating na ako sa flowershop ngunit palaisipan pa rin sa akin kung sino ang lalaki. Hindi ko na naikuwento kay Mommy an nangyari dahil baka mag-alala lamang ito. Naging abala na rin kami pagkatapos mananghalian kaya panandalian na itong nawala sa isip ko. Nang makauwi ay wala pa si Kuya, hanggang gabi kasi ang last subject nila at alas nuwebe pa ang labasan. Nasaika- apat na taon na siya ng kolehiyo at may ilang units na kailangan niyang i-advance para mabilis na maka-graduate. BS Psychology ang kinukuha niya at balak niya ituloy ng doktor, kaya mahirap magsinungaling sa isang iyon. Isang mind-reader kumbaga. Dumiretso na ko sa kuwarto para magpalit ng damit. Si Mommy naman sa altar naglagay ng mga dala niyang bulaklak galing sa shop. Dinadalhan niya si Daddy dahil hilig niya talaga ang mga halaman at bulaklak. Araw-araw pinapalitan ni Mommy ang mga bulaklak sa altar para matuwa daw si Daddy kung sakaling dumalaw ang kaluluwa niya sa bahay. Kakatakot pero kung 'yon ang magpapasaya sa Mommy ko diba? Mahal na mahal niya kasi ito at ni minsan ay hindi nito naisipang palitan ang kanyang namayapang asawa. "Lala, magpadeliver na lang tayo ng food. Ano bang gusto mo?" Pasigaw na tanong ni Mommy habang pababa ng hagdan. Lumabas na ako ng silid pagkatapos magbihis at bumaba na rin upang siya'y sundan. " Ikaw na ang tumawag, luriat na lang para marami. Ikuha mo na rin si kuya mo, baka mamaya lang nandito na 'yon." Utos nito sa akin. Agad kong tinungo ang telepono upang i-dial ang numero ng sikat na kainan na nais niya bilhan namin ng hapunan. "Akyat muna ako sa kuwarto, maliligo muna ako at kanina pa ako naiinitan. Tawagin mo na lang ako kapag nand'yan na ang delivery." Paalam ni Mommy at pumanhik na sa itaas. Nakailang ring na ngunit wala pang sumasagot sa kabilang linya at habang naiinip na naghihintay ay napalingon ako sa may bintana namin. Isang anino ang agad kong natanaw. May taong nakasandal sa may poste ng kuryente. Gumalaw pa ito at umayos ng pagkakatayo. Sa pagkilos niyang iyon ay mas maayos ko na siyang nakita. Nakatulong na sa mismong tapat siya ng posteng may ilaw nakatapat at natatamaan siya ng liwanag. Napansin ko agad ang suot nitong damit. Ganoon din sa suot ng lalaking nakita ko sa school kanina. Hindi pa rin makita ang mukha niya dahil sa nakataas ang hood ng suot niyang jacket. "Paanong? Sinusundan niya ba ako?" Sa takot ko bigla kong hinawi ang kurtina at napaupo sa upuang nasa tabi ko. "Bakit Lala?" Nagulat ako nang biglang dumating si Mommy. Hindi pa ito nakaligo. Bumaba lamang pala upang kunin ang naiwang bag niya. "Po? Wala po, ang tagal pong sagutin eh." Pagsisinungaling ko. Natatakot ako't nagdadalawang-isip kung sasabihin ang tungkol sa lalaking nasa labas. Baka kapag sinabi ko sa kaniya'y baka bigla siyang magpanic. Umakyat na siya ulit sa at sakto naman nang may sumagot sa kabilang linya. Sinabi ko na ang order namin at binigay ang address ng bahay, agad kong binaba ang telepono matapos ngunit hindi ko maintindihan kong bakit labis pa rin akong kinakabahan. May nagtutulak sa akin para sumilip ulit sa bintana at tignan kung nariyan pa ang lalaki. Takot man ay tumayo ako mula sa kinauupuan at unti-unting hinawi ang kurtina para makasilip mula roon. Nandoon pa rin ito. Nakakubli siya sa may poste ng may biglang dumaan. "Mukhang si Kuya yata yun." Hula ko at mula nga sa labas ay narinig ko ang pagbukas at sara ng gate at mula sala ay tumakbo ako papuntang pinto para salubungin siya. "Oh Lala, ba't ka tumatakbo? Na-miss mo ba si Kuya?" Bungad niya sa'kin at handa na akong yakapin. "Eww! Kadiri ka kuya. Di na ko baby damulag no." MAbilis kong iwas sa kaniya. Ganyan kami kapag nagkikita. Puro asaran at kulitan. "Di na mabiro, pero Lala na-miss ka ni Kuya," aniya sabay lapit niya at yapos sa'kin. "Amoy pawis ka Kuya." Sabay tulak sa kaniya palayo. " Ang bango ko kaya. Kiss mo pa kilikili ko." Tinaas niya pa ang braso niya para ipaamoy. "Kadiri!." Tinakpan ko ang ilong ko at umarteng nababahuan. "Amuyin mo na, mabango 'yan." Alok niya sabay lakad palapit sa akin habang nakataas ang isang kamay. "Ano ba yang ginagawa mo Carl? Pumunta ka na sa kuwarto mo't magbihis." Saway ni Mommy kay Kuya habang bumababa ng hagdan at pigil ang tawa habang pinapanood kami. Binitiwan niya na ako at nilabas ko ang dila ko dahil sinuway siya ni Mommy sa kapilyuhan niya. "Mamaya ka sa'kin." Pabulong na banta nito sa'kin at lumapit na ito kay mommy upang humalik sa pisngi nito saka nagmadali sa pag-akyat sa hagdanan. Dahil sa kalokohan niya ay nawala sa isip ko ang gusto kong tanungin kanina kaya minabuti ko na lamang sundan siya upang personal na tanungin. Kumatok ako sa pinto at tumawag. "Kuya!?" "Kuya?" Tawag ko ulit. " Wait lang!" Sigaw nito mula sa loob at maya't-maya lang ay binuksan na nito ng pinto at pinapasok ako. "Bakit?" Tanong niya agad paghakbang ko pa lamang sa loob. "Kuya, napansin mo ba yung tao sa labas?" Diretso kong tanong. " Tao? Wala naman ah." Mabilis naman nitong sagot. Sa mga ganitong bagay siya lang maaasahan ko. Hindi kasi siya agad nagpapanic kumpara kay mommy. "Meron." "Wala akong napansin." "Meron." Pilit ko. "Wala nga. Sino ba 'yun? Manliligaw mo? Naku Lala bata ka pa para diyan." Singhal niya sa'kin. "Hindi ko nga kilala at hindi ko manliligaw. Ano ka ba Kuya." Sagot ko at sa inis ay hinila ko siya papunta sa bintana upang ipakita kung saan ko nakita ang lalaki kanina. Sinilip ko muna bago ko siya tuluyang hinatak palapit. "Ayan kuya, silipin mo. Sa tapat ng poste ng ilaw. Yung nakahood." Turo ko at kunot noo naman itong tinignan lung saan ang tinuturo ko. "Poste lang naman nandyan ah!" Nagulat ako sa sinabi niya Kaya nakisilip ulit ko ngunit laking gulat ko nang makita ko ulit ang lalaki na naroon. Mula dito sa bintana ay malinaw ko pang nakita ang pagangat nito ng ulo. Ang mga mata nito'y kulay pula at animoy apoy. May sinambit itong mga kataga na hindi ko maintindihan. Maya-maya pa'y bigla itong nabalot ng pulang usok at naglaho ng parang bula. Kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko ngunit ang lalaking naroon ay tuluyang na ngang nawala kasabay ng paglaho ng usok na bumalot sa katawan nito. Nanlambot ang tuhod ko sa nasaksihan. Gusto ko man sabihin kay Kuya ngunit walang salitang lumalabas sa labi ko. "Gutom lang 'yan. Tara na." Wika ni Kuya at tinulak na ako palabas na silid niya upang makaligo na rin siya at nakatulala naman akong sumunod.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook