Narrator
Malakas na pagkatok at gumising kay Lala, sinabayan pa ng pagsigaw ng kan'yang naiiritang Kuya.
"Lala, bumangon ka na raw sabi ni Mommy! Ma-la-late ka na!" sigaw nito mula sa labas sabay ng nakabibingi at sunod-sunod niyang pagkatok
"Opo, bababa na!" Pasigaw na sagot din nito mula sa loob ngunit imbes na bumangon ay nagtalukbong pa ito ng kumot. Muling ipinikit ang kaniyang mga mata.
Dahin hindi pa siya pinagbuksan ng pinto ng kapatid ay hindi niya rin ito tinigilan.Nagpatuloy lang siya sa pagkatok sa pinto at pagtawag sa ngalan nito.
*****
Lala's Point of View
Ang ingay ni Kuya sa labas. Kumakatok pa rin ito sa pinto at tinatawag ako pero masyadong mabigat ang ulo ko para bumangon. Paano ba naman iilang oras pa lang ang tulog ko sa pag-iisip kung sino ang lalaki kahapon.
Naging palaisipan kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sa akin para sundan niya ako hanggang dito sa aming bahay.
Inaantok pa ako. Pakiramdam ko may kakaiba sa'kin ngayong araw. Ang lakas ng pandinig ko at pakiramdam. Parang nasa high pitch ang lahat ng nasa paligid ngunit dahil inaantok pa'y hindi ko alintana ang ingay mula sa labas ng pinto.
Pinikit ko ulit ang aking mga mata at unti-unti akong hinihila muli sa pagtulog, nasa kalagitnaan na ako ng pag-idlip nang may biglang kumalampag mula sa pinto ng aking silid.
"Lala! Ano ba? Pati ako malilate. Maaga klase ko ngayon. Nakaalis na si Mommy, ikaw na lang magsara ng bahay. Mauuna na ko," sigaw ni kuya na ngayo'y nasa loob na ng kuwarto ko't ang aga ng sermon.
Bahagya ko lang siyang tinignan at pumikit din uli dahil sa nakasisilaw na sinag ng araw. Sumenyas lang ako sa kan'ya para umalis na ngunit wala akong nadinig na yabag ng mga paa palayo bagkus ay naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa aking noo. Sinisipat kong nilalagnat ba ako.
Hinawi ko agad ang kamay niya.
"Wala akong sakit Kuya. Okay lang ako. Ako na magsasara ng bahay," saad ko.
"Mukhang hindi ka okay. Ang putla ng balat mo," puna niya matapos hilahin palayo ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"Kulang lang sa bilad' yan sa araw. Okay lang ako." Pagkontra ko sa kan'yang sinabi nang hindi na siya mag-alala.
"Ewan ko sa'yo. Bumangon ka nga r'yan, anong oras na rin naman," utos niya sa'kin at tuluyan nang hinila ang kumot ko.
"Oo na babangon na po." Umupo ako at pupungas-pungas na bumangon mula sa pagkakahiga. Doon lamang siya umalis at binilinan akong tawagan siya o si Mommy kung hindi maganda ang pakiramdam ko.
Ang sweet talaga ng Kuya ko.
Dinig ko ang yabag ng mga paa niya palayo. Bumangon at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Nagbihis pagkatapos at nagtungo sa kusina.
May nakahanda ng almusal para sa'kin. Kaya nilantakan ko agad ang fried rice, bacon at scrambled egg na luto ni Mommy.
Bago ako umalis sa bahay ay hinugasan ko muna ang mga pinggan na nasa lababo. Nagtoothbrush and tiniyak na walang magnanakaw ang makakapasok sa bahay.
"Dad, Alis na po ako, kayo na po bahala sa bahay," paalam ko sa litrato ni Daddy na nakasabit sa dingding.
Maglalakad lang ako papuntang school dahil malapit lang naman. Nang malagpasan ko ang poste ng ilaw ay hindi ko maiwasang hindi tignan.
Mabuti na lamang hindi na bumalik ang lalaki kahapon.
Second bell palang nang makarating ako, ibig sabihin hindi pa ako late.Nang makarating sa classroom ay sinalubong agad ako ng bati ng dalawang kaibigan ko.
"Good morning Camilla!" Bati ni Alice.
"Hey Cammie! Muntik ka na malate ahh! Haha!" Wika naman ni Gladys. Siya pinaka mapangasar sa lahat.
"Hindi pa naman ako late ah." Sagot ko sa kanya. Habang inaayos ko yung bag ko sa upuan.
"Hindi pa nga, muntik lang!" Sabay tawa.
"Tumigil ka na nga Gladys." Saway ni Alice sakanya.
"Okay po boss." Sagot naman niya. Tinigna siya ng masama nito.
"Bakit ganyan itsura mo? Mukha kang walang tulog?" Biglang tanong ni Gladys saakin.
Halata yata masyado eyebags ko.
"Medyo."
"Oi bago yun ah! Walang tulog si Camilla."- Gladys.
Ako kasi ang klase ng tao na de-oras ang pagtulog at pagaaral. Ayaw ko lang madamage ang mga cells ng katawan ko. May nabasa kasi ako sa libro na kapag kulang ka sa tulog, maaring madamage ang cells mo sa katawan at mas higit na madadamage ang utak. Kaya bago nila ako kulitin, kinuwento ko na lamang sakanila ang nangyari kahapon na pareho nilang ikinagulat.
"Camilla, alam na ba ni Tita?" Tanong ni Alice sa'kin.
"Di ko pa sinabi. Baka magalala lang siya."
"Malamang magalala yun nu, Sino ba namang magulang ang hindi." Sabi naman ni Gladys.
Sabay naman kaming napatingin ni Alice sa kanya. Nakakunot naman ang noo niyang nagpalipat lipat ng tingin saming dalawa.
"Bat ganyan kayo makatingin?"
"Nakakapanibago lang. Sinisiguro lang naming di ka nasapian." Sabi ni Alice sa kanya.
"Che!"
Parang nawala ang antok ko dito sa dalawa. Buti na lang may kaibigan akong kagaya nila.
"Nasan pala si Ana?" Tanong ko sa kanilang dalawa nang mapansin.
"Hindi daw siya papasok, susunduin nila daddy niya sa airport ngayon." Sagot ni Gladys.
"Buti ka pa updated." Singit ni Alice.
"Binilin niya kahapon na sabihan ko kayo kaso nakalimutan kong magtext." Nagkakamot ulong sabi ni Gladys.
"Ulyanin." Nakanguso at naiinis na si Alice. Nagtatampo yan kasi hindi siya personal na sinabihan ni Ana na hindi siya papasok ngayon.
Nahinto lang pagkukulitan nila ng may nagmamadaling classmate namin ang pumasok sa loob ng classroom.
"Nandyan na si Ma'am." Sigaw niya sa loob ng classroom. Nagsibalikan naman ang mga classmate ko sa kanya-kanya nilang upuan. Pati na 'tong dalawang makulit.
"Good morning class." Pagbati ni Ms.Dela Cruz.
"Good morning Ma'am!". Ganti naman namin.
"I have a letter here. Galing sa Principal." Sabi niya habang ipinapakita sa klase ang hawak niyang papel.
"May emergency meeting ngayon sa faculty room lahat ng teachers. Kaya ipinagutos niyang magstay muna lahat ng student sa loob ng classroom. Maiiwan ako ng seatwork niyo."
Nareact naman ang ibang mga classmate namin. Pero kahit naman magreklamo sila wala naman na silang magagawa.
"On a one whole sheet of paper. On your book. Page 35. Lahat ng even numbers yun ang sasagutin niyo. And yung mga odd numbers naman yun na ang homework nyo for tomorrow. Is that clear?"
"Yes Ma'am." Inchorus naming sagot.
"Ok, Iniwan ko na kayo. Nga pala. Gladys?"
Nagulat naman siya ng tawagin ni Mam pangalan niya. "Yes, Ma'am?"
"Pakidala yung mga papers sa faculty pagkatapos ng lecture period ko. Okay?" Ngumiti pa si Ma'am sa kanya dahil sa mukha niyang gulat at clueless. Ang creepy.
"Okay po." Sagot naman ni Gladys na parang natatakot pa.
Haha. Araw mo ngayon.
Natapos ang first subject namin ng ganun. Dinala ni Gladys ang papel sa faculty. Hinila niya pa si Alice para samahan siya. Ayaw niya daw ako dahil baka matumba ako sa daan. Ang O.A nu.
Nakabalik silang dalawa na may dalang panibagong seatwork galing sa second subject teacher namin. Natapos lang ang umaga namin kakagawa ng seatwork hanggang last subject.
Bakit kaya may meeting? Kanina pa yun. Malapit na nga magbell e.
Pagnagbell na kasi ibig sabihin bukas na ang gate ng school. Pwede na umuwi. Ganyan kahigpit dito. Para rin daw sa safety ng students. Tama din naman para di sila pakalat kalat sa kung saan.
Uwian na. Sana hindi ko makita ang lalaki kahapon sa labas.