Kabanata 3

1379 Words
Lala's Point of View Lunch break na namin. Kapag tanghali ay pinapayagan kaming umuwi sa aming mga bahay o kaya'y  manatili sa eskwelahan upang sa kantina na lamang mananghalian. Kasama ko sina Gladys at Alice nang mga oras na iyon dahil madalas siya ang mga kasama ko at sabay-sabay kami kumakain simula nang magkakilala kaming tatlo. Sila na ang naging mga malalapit kong kaibigan simula pa noong nasa elementarya ako at magpahanggang ngayo'y kami pa ring tatlo ang magkakasama sa high school. Napagdesisyunan naming tatlo na sa labas na lamang kumain, sa isang karinderya malapit lang sa eskwelahan. Masasarap ang pagkain kahit mura lang at tiyak pang malinis ang pagkakaluto dahil kita mismo kung paano nila niluluto ang mga ulam na iniluluto nila. Palabas na kami ng gate nang pare-pareho kaming nakatanggap ng mga mensahe sa aming mga cellphone. Galing sa admin office ng aming eskwelahan iyon at pinapaalam sa lahat na kanselado na ang klase sa hapon. Nagkatinginan pa kami at halatang wala sa aming tatlong magkakaibigan ang may ideya kung bakit biglaan ang pagkansela nila ng klase sa hapong iyon. "Bakit kaya?" tanong ko. "Guys wala daw klase. Yes!" Pagdiriwang ni Gladys. "Oo, sa ating tatlo ikaw lang ang masaya," pabirong sabi ni Alice sa kan'ya. "Ano kayang meron? Ngayon school year lang nangyari 'to ah," nagtataka kong tanong sa dalawa. Napatingin naman silang pareho sa gawi ko nang magsalita ako at pareho silang sumang-ayon.  Nang nagdaang araw ay wala kaming klase nang hapon din dahil iaayos daw nila ang schedule, at inaasahan naming natapos na nila iyon kahapon at magiging buo na ang araw namin ngayon. Kung sa parehong dahilan ang pagkansela nila ng klase ulit ay katanggap-tanggap pa. Ani Gladys alam niya ang dahilan. Hindi ko alam kung ano pumasok sa utak niya para takutin kami ni Alica nang sobra. "Nagbukas ba kayo ng mga social media n'yo kahapon?" tanong niya sa'min ni Alice. "Ako hindi," mabilis kong sagot dahil hindi naman talaga. "Hindi rin ako nag-open," sagot ni Alice at ang mukha ni Gladys na kanina lang ay tuwang-tuwa, ngayon naman ay naging sobrang seryoso. "Magbukas kayo mamaya pag-uwi n'yo, may ipapasa akong link. Nakita ko sa isang web site kagabi. Panigurado na di kayo maniniwala," utos niya sa amin. "Ano ba 'yon? Sabihin mo na lang kaya!" walang pasensiyang hiling ni Alice. Halata sa mga mata niya ang labis na kuryosidad. "Mahirap ipaliwanag kung hindi n'yo mismo makikita. Basahin at panoorin n'yo na lang 'yong video at kung ano makikita ninyo roon. Nakakakilabot talaga promise," ani Gladys. "Kapag walang kuwenta 'yan Gladys, kakalbuhin kita. Pa-suspense ka pang bruha ka. Gusto mo lang yatang manakot," banta niya sa kaibigan ngunit siya naman itong hindi na makapaghintay malaman kung ano iyon dahil mukhang napakahalagang bagay. Siya sa aming tatlo ang mahilig sa mga kakila-kilabot na mga palabas. Mga pelikula at mga paranormal activities na mababasa't mapapanood online at sa mga libro. Hindi na nga siya makapaghintay malaman. Sinusubukan niyang pilitin si Gladys na sabihin na sa kanya kung ano ang bagay na iyon ngunit hindi niya ito mapilit dahil maraming mga estudyante sa paligid at baka kanilang marinig. Pinakikinggan ko lang sila nang bigla nanaman akong makaramdam ng biglaang kaba. Kagaya nang naramdaman ko noong nakita ko ang lalaki kahapon sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam kung napansin ba nila ang biglaang pagbabago ng mood ko at nagpasalamat na lang ako na hindi. Tutal naman walang klase sa hapon, nagpasya akong pumunta na lamang sa flower shop para tulungan si Mommy. Bago iyon ay uuwi muna ako para makapagbihis dahil ayaw ko namang pumunta roon nang nakauniporme. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at nauna nang umalis at habang naglalakad palayo sa mga kaibigan ko, bigla kong maramdaman na parang may mga pares ng mga matang sa akin ay nagmamasid. Pasimple kong ginala ang mata ko sa paligid upang hagilapin kung sino iyon, ngunit wala naman akong napansing kahinahinala sa mga taong naroon. Sumabay ako sa agos ng mga estudyanteng pauwi na rin para isipin ng kung sinumang nasa paligid na hindi ako nag-iisa at kung may gawin man siya ay maraming makakakita. Kinuha ko sa bulsa ng aking bag ang cellphone at mabilis na nagtipa. Pinadalhan ko ng mensahe si Mommy para sabihin na wala kami ulit klase sa hapon at pupuntahan ko na lang siya. Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso agad ako sa kuwarto at nagpalit ng damit.Palabas na sana ako ngunit napalinga ako sa desktop sa aking silid. Naalala ang sinabi ni Gladys kanina sa amin ni Alice sa eskwelahan kaya lumapit ako sa desktop at binuksan. Habang nag-lo^loading pa ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at agad ring bumalik. Pagpasok kong muli ay nadinig ko ang pag-vibrate ng cellphone ko na kasalukuyang nasa ibabaw ng kama.  Naka-silent mode kaya hindi tumutunog. Tanging vibration lang kapag may text o tawag. Nakita ko sa screen nang damputin ko na si Mommy pala ang tumatawag.  "Hello po, Mommy,"  Wala raw kustomer kaya siya tumawag. Tinanong ako kung bakit wala nanaman kaming klase. Sinabi kong hindi ko alam kung bakit. Nagtataka man ay masaya itong wala dahil magkakasama nanaman kami. Pinatay na niya ang tawag matapos sabihin na hihintayin niya na lamang ako roon. Binalikan ko ang computer na tuluyan nang bumukas matapos ko siyang makausap. Tinignan ko agad sa inbox ang sinasabi ni Gladys. May ipinasa siyang link sa isang pribadong site. May mga video na kaka-upload lang at ang ilan ay nitong mga nagdaang araw lamang base sa petsang nakalagay. Pinindot ko ang "play" at nagbukas ang video agad. May pinapakitang isang lalaki na nakasuot ng itim na hoodie jacket at pantalong maong na blue May nakalagay na label ng mga lugar at kung anong oras siyang nakita. Ang napansin ko ay every five minutes lang ang pagitan ng mga oras at mag-iiba na ng lugar kung saan siya nakita sa mga CCTV camera. Ang nagpakaba sa akin nangg husto ay nang makita ko sa video ang gate ng school namin mismo. Hindi ako maaaring magkamali dahil naroon ang parehong tarpaulin na nasa harap mismo ng paaralan namin. Sa lahat ng lugar na iyon at sa mga lugar kung saan ito nakita ay may isang estudyanteng ni-report sa mga pulis na nawawala matapos. Mas lalo tuloy lumakas ang kabang nararamdaman ko. Napatanongvkung iisa lamang ang lalaking nasa video at sa lalaking nasa labas ng bahay namin kagabi. Pinatay ko na ang PC at tumakbo papuntang banyo. Hinilamusan ko ang aking mukha upang mahimasmasan kaunti. Wala namang naibalitang nawawalang estudyante sa'min at wala pa sa tingin ko. Bumalik ako sa kuwarto. Kinuha ang cellphone ko upang i-text si Mommy, sinabi kong papunta na ako sa shop. Kinuha ko na ang wallet ko para may maibayad sa taxi at nagsuot ng sapatos bago lumabas. Siniguro kong naka-lock ang mga pinto bago lumabas at di ko inaasahan na paghakbang ko palabas ng gate namin ay may makikita akong mapulang usok sa himpapawid. Di kataasan iyon at gumagalaw. Di lang basta lumulutang dahil lumilipad mismo nang mabilis. Kung saan galing ay hindi ko alam. Palapit ito nang palapit sa akin mismong direksyon. Sa taranta at pagmamadali ay nahulog ko na sa lupa ang aking wallet. Umakto akong pupulutin at saka tatakbo palayo ngunit nang madampoy ko na'y laling gulat ko nang makita ang isang pares ng mga paa na nasa mismong harapan ko. Tuluyan ko nang dinampot ang wallet at tumayo. Napaatras ako at agad tinignan kung sino, halos mapasigaw ako sa gulat nang makitang unti-unting nabubuong tao ang mapulang usok at mula sa isang pares ng mga paa ay nagkakaroon ng binti, tiyan, mga braso't mga kamay hanggang sa tuluyan itong magkaroon ng mukha. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan. Mistulang nanigas ang aking mga paa at nadikit sa kongkretong semento. Nakita kong inangat niya bahagya isa niya kamay at ipinatong sa aking ulo.   Nakaramdam ako ng pamimigat ng talukap ng mga mata at bilaang nanghina. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong ngunit hindi ko magawa. Naramdaman ko ang malakas na hampas ng hangin sa aking balat, kasunod no'n ay ang pakiramdam na malamig at para akong biglaang gumaan. Nagdilim na ang paligid pagkatapos niyon at hindi ko na alam ang nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD