Celestial Kingdom
Darius's Point of View
"Narito na siya kamahalan" malugod kong pagbabalita sa Hari pagpasok pa lamang sa pinto ng silid-aklatan kung saan abala siyang nagbabasa ng mga ulat mula sa iba't-ibang mga lupain dito sa aming mundo.
"Ipaabot mo na lamang sa kan'ya ang aking pagbati ar pakisabing magpahinga na muna siya at bukas ko na lamang siya kakausapin," hiling nito matapos huminto sandali sa kan'yang pagbabasa at panandaliang inangat ang kan'yang ulo upang ako'y tignan.
"Masusunod kamahalan," magalang kong sagot at yumuko. Nagpaalam na ako upang umalis at pumihit palikod. Akmang ihahakbang ko na ang aking paa paalis nang marinig ko ang ibinulong niya.
"Nawa'y may dala siyang magandang balita ngayon. Matagl na panahon na rin,"
Iyan ang kaniyang sabi.
"Sana nga po kamahalan," pabulong ko ring sinabi. Lumabas na ako ng silid at tinahak ang daan papunta sa lugar kung saan nagkukubli si Eros. Kasalukuyan itong nag-aantay sa hardin ng palasyo. Nang maramdaman niyang ako'y palapit at masigurong walang ibang Celestial ang nasa paligid bukod sa amin ay lumabas na ito.
Isang pulang usok ang lumitaw sa harapan ko.
"Maligayang pagbabalik Eros," bati ko sa kan'ya.
"Salamat Darius," kan'ya namang ganti matapos ang pulang usok ay mabuo.
"Ipinapaparating ng Hari na bukas ka na lamang niya kakausapin. Malalim na rin naman ang gabi at mas maigi iyon upang makapagpahinga ka na rin,"
"Salamat, babalik na lamang ako bukas nang maaga," Tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon at mabilis na iyong naglaho sa aking paningin.
Halata na ang mga puting hibla ng buhok Eros. Marami-rami na dala ng pagtanda. Masaya akong makitang muli ang isang dating kaibigan matapos ang mahabang mga taon.
Ako ang kanang-kamay ng hari. Ang tungkulin ko ay salain ang mga balitang pumapapasok sa palasyo. Alamin kung may katuturan lalo na kung sa mga Celestial na hindi naman kilala sa kaharian. Sa akin ibinibigay ng hari ang mga utos at ako naman ang nagpapasa sa mga kawal. Ako ang nakakaalam ng lahat maging ang mga sekreto niya'y sa'kin niya pinagkakatiwala.
Higit pa sa magkapatid ang turingan namin simula pa noon. Magkababata, magkakampi at kasabwat sa kalokohan noong mga bata pa kami. Kaya naman nang ako ang kanyang piliin upang maging kanang-kamay ay agad kong tinanggap. Isa iyong malaking pribelehiyo na minsan lamang darating sa isang Celestial na gaya ko at bilang isang kanang-kamay ay tungkulin ko ring protektahan ang Hari sa abot nang aking makakaya.
Ang mga kawal ay kadalasang nasa digmaan at ako naman ay laging nasa tabi at kasa-kasama ng hari. Kahit pa sabihin na nating siya ang tinaguriang pinakamalakas sa aming henerasyon, may kahinaan din ito na hindi dapat malaman ng iba.
Kagaya na lamang ng isang malaking sekreto iniingatan naming mabunyag, ang tungkol sa kan'yang anak at ang pagkawala ni Amethyst, ina ng bata. May inatasan ang hari para sa isang misyon na iyon at iyon ay si Eros.
Si Eros ay isa sa mga matalik naming kaibigan.Iisang babae lang ang nagpatibok ng puso ng dalawang iyon. Isang babaeng mala-anghel ang kagandahan, maaalaga at napakabusilak ng puso. Siya'y naging kasintahan ng hari sa mahabang panahon, ngunit nang mag-umpisa ang paligsahan na para lamang sa mga kalalakihan noon ay naging madalang na silang mag-usap at magkita dalawa.
Hanggang isang araw, nalaman na lamang namin na nagpakasal si Amethyst kay Eros. Labis na nasaktan ang aking kaibigan na ilang araw pa lamang simula ng makoronahan at maupo sa trono. Palihim pa itong lumalabas ng palasyo upang masulyapan si Amethyst sa malayo.
Naglalasing at kung saan siya inabutan ng antok ay doon na lamang siya natutulog.
Ako ang nagtitiyagang sundan siya kahit saan, iuwi sa palasyo kapag hindi na niya kaya. Ilang kabilugan ng buwan ang nagdaan at nawalan na kami ng balita sa dalawa naming kaibigan. Ang huli ay ang balitang lumipat sila ng lugar na tinitirhan na malayo sa palasyo at sa mga mata ng sinuman.
Naging mas abala ang Hari sa kan'yang mga tungkulin nang panahong iyon na aking ikinatuwa. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa paglilingkod. Kabi-kabila ang mga dumarating na balita na may isang grupong nabinuo ang mga rebelde. Nagnanakaw sila ng mga kinabubuhay ng mga mamamayan at ang pinakamalaking krimen na ginawa nila ay ang pagpaslang sa mga paslit na walang kalaban-laban.
Dahil dito ay bumuo ang hari ng plano upang iligtas ang mga musmos na bata mula sa kanila matapos sabay-sabay na nawala ang limang musmos na mga bata. Kaawa-awa nilang pinaslang ang mga iyo at iniwan na kalunos-lunos ang kalagayan.
Bumuo ang hari ng plano upang iligtas ang mga musmos na bata mula sa kanila. Nang mangyari ang pagpaslang sa limang batang lalaki na galing sa iba't-ibang mga angkan ay iutos ng hari na dalhin ang lahat ng mga paslit na puntirya ng grupo sa palasyo. Sila ang mga batang magkakalapit ang mga edad. sinuyod ang lahat ng parte ng kanilang mundo upang dalhin silang lahat sa palasyo.
Isang sa mga bata naroon ang nakaagaw ng pansin ng Hari. Ang batang iyon ay karga-karga ng babaeng minahal ng matagal ng hari na si Amethyst. Iyon ang muli nilang pagkikita at huli rin ng gabi ring iyon.
Nag-umpisa ang pagiging balisa ng Hari. May mga katanungan siyang hindi ko kayang bigyan ng sagot.
Nahuli ang karamihan sa mga rebelde at ligtas na rin ang mga paslit sa kabilang mundo. Nabigla na lamang kami isang araw ay nahuli si Eros na nagbabalak tumawid sa portal papunta sa kabilang mundo na istriktong i***********l ng palasyo. Nakarating sa amin iyon. Hinayaan lang siyang makaalis ng mga kawal at akala nila'y na ito babalik, ngunit nagtangka pa rin itong makatawid.Nahuli siya ng mga kawal at hinarap siya sa hari. Alam niyang siya'y parurusahan dahil sa kan'yang kapangahasan. Nagmakaawa siyang huwag ikulong dahil may misyon siyang kailangang gawin. Nang tanungin namin kung ano iyon ay sinabi niya sa amin na nawawala si Amethyst at kailangan niya itong hanapin. Isa pang labis naming ikinagulat ay ang kaniyang isiniwalat.
Nalaman namin na napakatagal na palang nawawala nito, mula nang tumawid sa kabilang mundo at akala namin noon ay kasama sa mga nakabalik dito. Iyon din daw ang akala ni Eros ngunit hindi ito umuwi at sa puntong iyon ay unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa na mahanap pa ito.
Halos nalibot na raw niya ang kanilang mundo at nasuyog ang lahat ng mga kabundukan ngunit wala siyang nakuhang balita sa posibleng kaniyang kinaroroonan. Naisip niyang baka nasa mundo pa rin ito ng mga Mortal kaya wala rito kaya naisip niyang tumawid kahit na bawal.
Hindi pa roon natapos ang kaniyang siniwalat. Ang pinaka nakapagpagulat sa amin ng hari ay ang malaman na ang batang itinawid ni Amethyst ay hindi anak ni Eros. Siya pala'y dugo't laman ng hari.
Ang pagpapakasal niya kay Amethyst ay paraan lamang upang ilayo ito sa mapanghusgang mga Celestial, dahil sa pagdadalang-tao nito. Ang gabi kung kailan nalaman ni Amethyst na may sanggol sa kaniyang sinapupunan ay siya ring gabi kung kailan naupo bilang Hari ang ama ng kaniyang magiging anak.
Akala nami'y nakabalik ito nang maayos kasama ng iba pang Celestial noon ngunit ni anino nito'y hindi na na pala muli pang nakita ni Eros. Walang balita, wala kahit na anumang senyales kung nasaan ito.
Upang mahanap si Amethyst ay hinayaan ng Hari na makatawid sa kabilang mundo si Eros. Pinabaunan niya pa itong sapat ng ginto na maari niyang magamit sa kabilang mundo. Bukod sa paghahanap kay Amethyst ay inatasan din niya itong subaybayan ang paglaki ng kan'yang anak. Nanirahan siya sa mundo ng mortal at nagpanggap na isang negosyante. Nagawa rin niyang matunton ang ilan pang batang Celestial at masigurong ligtas ang lahat. Siya rin ang naatasan na sunduin silang lahat at ibalik sa mundo kung saan sila talaga nararapat.
Ang selyo na pumipigil sa enerhiya nila ay unti-unti nang natutunaw. Kapag hindi nila nakontrol iyon ay tiyak na marami ang malalagay sa kapahamakan kaya minadali ni Eros ang pagkuha sa kanila at ngayon ay naroon na sila sa kani-kanila nilang mga tunay na pamilya. Maliban sa isa.