Kabanata 5

1217 Words
Nagising na lamang ako sa kirot at bigat ng aking ulo. Pakiramdam ko'y sumakay ako ng roller coaster nang sampung beses nang paulit-ulit. Pilit kong iminulat ang aking mga mata kahit hilong-hilo pa at ang una kong nakita ay ang di pamilyar na lugar. Kakaiba rin ang hatid ng atmospera. Ibang-iba maging ang hangin. Agad kong kinapa ang katawan ko kung kompleto pa ba o kung wala akong damit kagaya ng mga nasa telenobela. Kinabahan tuloy ako bigla nang maisip ang ganoong mga tagpo sa palabas. Kumpleto naman ang suot kong damit at dalawa pa ang aking binti't mga braso. Wala ring parte ng katawan ko ang masakit bukod sa ulo kong hilong-hilo. Sinubukan kong hanapin ang cellphone ko na kadalasan ay nasa aking bulsa lamang, nagbabakasali lang na may magamit para matawagan ko si mommy o si kuya ngunit sa kamalasan, wala akong nakapang kahit anong bagay. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari bago ako mawalan ng malay. Ang naalala ko ay palabas ako ng aming bahay, nang may makita akong usok na papalapit at sa isang iglap ay nandilim ang aking paningin matapos ipatong ng isang lalaki ang kaniyang kamay sa aking ulo. Iyon ang huli kong naaalala. Sa itsura ng lugar ay para akong nasa habay bakasyunan. Tipikal na kubo nga lang ang bahay ngunit maaliwalas naman. Pati mga dekorasyon ay natagpuan kong kakaiba. Ang hinihigaan kong papag ay sinapinan lang ng makapal na tela. Malambot sa malambot ngunit alam kong hindi foam ang nasa loob. May kakaibang amoy ito kapag gumagalaw ako na parang bulak at mga dahon na iba ang halimuyak kapag nagalaw. Iba rin ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko nasa ligtas akong lugar ngunit may takot na bahid. May nagsasabi sa parte ng isip ko na 'wag akong matakot, ang isang bahagi naman ay sinasabing mag-ingat. Sinubukan kong bumangon, ngunit napabalik rin sa pagkakahiga. Hindi lang ang ulo ko ang mabigat, pati buo kong katawan kapag binubuhat ay kay hirap. Para bang wala akong kahit anong lakas at kapag pinilit kong makatayo ay matutumba na lang ako agad. Ngunit hindi naman pupuwedeng doon na lamang ako. Paano na lang kung nasa panganob pala ako?  Sinikap kong makaupo. Sa pinto lang ang tingin at kahit parang nanghihina ay sinubukan kong abutin. Halos gapangiin ko na at muntik pa akong madapa. Kumapit ako sa pinto at doon bumalanse. Sinubukan kong buksan at laking gulat ko nang mapihit ko nang tuluyan ang busol. Buong akala ko'y kinulong nila ako at wala silang balak na ako'y patakasin. Bubuksan ko na sana ngunit may narinig akong kaluskos mula sa labas dahilan para muli kong isara ang pinto at halos ttumalon pabalik kung saan ako kanina nakahiga. Dala ang kaunting kaba at pagtataka ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid. Naghahanap ng puwedeng magamit na armas o kaya ay lubid. Hindi ko alam para saan ang lubid ngunit bigla ko na lang naisip. Wala alin man sa dalawang iyon ang nakita ko dahil ang tumambad sa akin ay ang mga pagkain na nakapatong sa lamesa sa may malapit. Mainit-init pa ito dahil nagpapawis ang takip nang aking masilip. Naramdaman ko ang pagrereklamo ng tiyan ko kaya bahagya kong sinilip ang nakatakip na pagkain. Sopas iyon at may kasamang kalahating hiwa ng tinapay na katamtaman ang laki. May kasama ring isang basong gatas na halatang fresh at hindi powder na tinimpla lang na ayaw na ayaw ko sa lahat. Di ko na naisip na baka may lason ang mga iyon dahil na rin sa gutom. Sayang naman ang grasya kung itapon. Nang nakakain na ko ay bahagya kong binuksan ang pinto at sumilip sa labas. Mukhang maliit lang tong bahay na ito. Mula kasi dito kita mo na ang buong sala at kusina. May isa pang pinto sa katabi nitong pinto. Lumabas na ako ng tuluyan para tignan kung may ibang tao at mukhang wala naman dahil ang tahimik ng paligid. Ginala ko ang buong bahay pero wala akong nakita ni isang tao. Nakapagtataka dahil may narinig akong kaluskos kanina. Pero may iba pa akong ibang pakay hanapin. "Maghahanap muna ako ng banyo." Kailangan ko na talaga. Chineck ko yung pintong nakita ko kanina at sa kasamaang palad sarado. Kaya napagdesisyunan kong maghanap sa labas. Namangha ako sa ganda ng paligid. Berdeng-berde ito, maraming puno ang iba pa nga may mga bunga. Dinig na dinig din ang mga huni ng mga ibon. "Para akong nasa isang paraiso na sa panahon ngayon ay makikita na lang sa mga edited na pelikula. "Baka meron naman silang portable CR dito ano." Kagaya ng mga nasa resort. Kaya sinimulan ko ng maghanap. Nalibot ko na ang paligid ng bahay pero wala akong nakitang CR. "Naiihi na talaga ako." Pwede naman siguro sa tabi na lang. Marami namang mga d**o sa paligid kung sakaling may tao hindi niya ako makikita. Para na akkng timang na kinakausap ang sarili dito. Nakakita ako ng magandang spot sa di kalayuan. Nagmadali ako pumunta sa mga damuhan. At sa wakas. Ibinaba ang dapat ibaba, pumwesto at alam niyo na. Kinikilig pa. "Thank God." Patapos na ako ng may narinig akong kumakaluskos sa di kalayuan. At palapit sa aking kinaroroonan. "Baka may wolf dito?, wild bore? O kaya ahas. Jusku po ayaw ko pa pong mamatay." Nagmadali na akong itaas ang underwear ko at pants. Pero pagtayo ko may nakatayong lalaki sa harap ko. "Wahhh!" Sigaw ko. Napansin kong nakatingin siya sa baba. Sa hawak kong pants. "Bastos!" Sigaw ko sa kanya. Walang anu-ano tumalikod na siya at naglakad palayo. Inayos ko na din ang pants ko. " Walang modo! Hindi man lang nagsorry." Pero teka. Baka alam niya kung nasan ako at panu ako makakauwi. Kaya naman hinabol ko siya hindi pa naman siya gaanong nakakalayo.Sa tantya ko naman hindi nagkakalayo ang edad namin. Mas matangkad siya sakin siguro mga 6 footer 'to. Medyo matipuno at kayumanggi ang balat. "Hoy kuya!? Hindi ka man lang ba magsosorry? Tyaka saang lugar ba to? Alam mo ba kung pano makalabas sa gubat na to?... Kuya? Pls... Bago pa ko makita nung nagdala sakin dito." Sunod-sunod kung tanong sa kanya at pakiusap sa kanya. "Kuya! Pipi ka ba? Hindi ka ba nagsasalita?" Tanong ko ulit sa kanya. At sa wakas nilingon niya ako. "Una hindi ako magsosorry dahil wala naman akong kasalanan. Pangalawa, nandito ka sa Celestial Forest. Pangatlo, oo alam ko kung panu lumabas dito sa gubat, at yung tanong mong huli nasagot ko na rin. Sagot niya rin ng sunod-sunod. Matapos niyang sabihin yun ay naglakad siya ulit. At papunta siya sa bahay na pinanggalingan ko kanina. Dahil sa wala naman akong alam sa lugar na to. Sinundan ko na lang siya. At hindi na ko nagsalita. Nakakatakot din naman magtanong ang sungit nitong lalaking to. Pumasok siya sa loob ng bahay at inilapag sa lamesa ang mga dala niya. May dala pala siyang bag. Ngayon ko lang napansin. At mula sa bag sa lamesa may lumabas na pusa. Teka! Pusa ba yun bakit may pakpak ng paniki tapos andami nyang mata. Kulay dilaw pa. Tumingin yung pusa sakin at tumalon siya sa lamesa. Umakyat siya sa upuan sa tabi ko at humiga doon. Kumurap-kurap pa yung mga mata niya bago niya ipikit lahat. Creepy! Pero cute. Parang hybrid na pusa na nacross breed sa paniki at gagamba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD