Lala's Point of View
Hindi ko alam kung anong oras na ba. Walang orasan na nasa loob ng bahay nila. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko mula pa kanina, malapit lang sa lugar kung saan naroon ang maliit na nilalang.
Gusto ko siyang hawakan, haplusin lang ang balahibo kagaya ng madalas kong ginagawa kapag nakakita ako ng pusa o aso, ngunit nangangamba akong baka bigla siyang mangagat o mangalmot biglaan. Baka may rabies pa ang nilalang at ikamatay ko pa ang kagat nito.
Mabuti na sigurong hindi na, kesa naman manganib pa ang buhay ko.
Natutulog lang naman ito at di alintana ang mga nasa paligid. Malusog ito't bilugan ang katawan. Balot ito sa makapal at katamtamang haba ng balahibo. Halatang naaalagaan at napapakain ng maayos. Malinis naman ang mga balahibo niyang madilaw na parang si pikachu at nakapikit ang napakarami nitong mata.
Hindi ko alam kung gaano katagal ko na siyang pinagmamasdan. Nakaupo lamang ako at walang magawa. Hindi man lang nagsasalita ang tao sa kusina. Mga huni ng ibon at mahinang paghilik ng maliit na nilalang lamg ang naririnig ko.
Nakakaboring talaga. Wala man lang radyo o telebisyon man lang na pwedeng magamit at mapanooran.
Naisipin ko bigla sina Mommy at Kuya.
Batid kong nagaalala na sila sa biglaan kong pagkawala. Malamang ay kahapon pa nagpapanik si Mommy at si kuya naman ang nagpapakalma sakanya at sinusubukan lamang itago lang ang kaba para ipakitang malakas siya sa harap ni Mommy lalo pa't ilang araw na akong nawawala.
Hindi ko alam kung bakit nandito ako sa lugar na ito. Hindi naman mukhang k********g dahil malaya akong nakakakilos. Pero baka kaya nila ako hinahayaan e dahil hindi ko kakayaning makabalik sa pinanggalingan ko.
Hindi ko alam ang daan at kung anong paraan. Ni hindi ko tiyak kung nasaan talaga ako.
Nasa kalagitnaan ako ang pag-iisip ng plano paano makakauwi nang may bigla akong makitang mapulang usok mula sa di kalayuan. Lumilipad ito ng mabilis at papunta sa direksyon kung nasaan ang kubo. Nataranta na lamang ako bigla nang maalala ang pulang usok na huli kong nakita bago ako magising sa lugar na ito.
Napatakbo na lamang ako papuntang kusina at nakita si Kuyang masungit na nagaayos ng mga kung anu-anong dahon sa mga lalagyan.
Agad akong nagtago sa likod niya at nagdasal na sana'y hindi ako nakita ng kung anumang bagay na parating.
Napahinto ito sa pagsisilid ng mga dahon sa garapong hawak at nagtatakang tumingin saakin.
" Kuya, nandito siya!"
Nakita kong kumunot ang noo niya at mukhang walang alam sa tinutukoy ko ngunit sabay kaming napatingin sa pinto nang marinig naming biglang gumawa ng ingay ang maliit na nilalang na naroon.
Malayang nakapasok ang mapulang usok sa loob at sa mismong harap namin ay unti-unti itong nagkaroon ng hugis.
Napasiksik ako sa likod ni kuyang masungit at para namang naiirita ito sa gingawa ko.
"Nandito ka na pala Raven." Boses ng isang lalaki na babago ko lamang nadinig.
Bahagya akong sumilip at nagulantang nang makita ang lalaki sa aming harapan.
"Gising ka na pala, halos dalawang araw ka rin natulog." Wika niya na laking gulat ko naman nang marinig.
Sandali! Dalawang araw? Kaya pala gutom na gutom ako paggising ko. Hala! Kaya pala.
"Kakarating ko lang din po." Sagot ni Kuya sungit sa kanya.
"Binibini, mukhang magkasundo na kayo ng aking pamangkin. Ha? Raven Green." Nakangiti niyang sabi sa'kin na may halong panunukso.
Green? As in Berde? Haha. Lumot. Napatingin siya saakin na akala mo ay nababasa niya ang nasa isip ko.
"White Camilla. Whiteheads." Ano daw? Bakit alam niya ang pangalan ko. Napadistansya naman akong bigla sa kanya.
"Teka lang kuyang Berde. Bakit alam mo pangalan ko? Sino ba talaga kayo? Nasaan ba ko?" Tanong ko sa kanila at napaatras na lamang sa gulat at sobrang pagtataka.
"Marami ka pang hindi alam tungkol sa sarili mo binibini. Alam kong alam mo na ampon ka lang. Ni minsan ba naisip mong hanapin o magtanong sa sarili mo kung sino ka talaga?" Diretsong tanong nito sa'kin. May tama naman siya. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magtanong kay Mommy kung may iba pa ba siyang alam tungkol sa pagkatao ko.
Pero Oo, madalas akong magtanong ngunit wala akong nakukuhang sapat na kasagutan. Madalas ay umiiwas si Mommy, hindi ko alam kung ano ang kinatatakutan niya ngunit ramdam kong meron.
Ngayon ko lang din napagtanto na may kulang pala sa pagkatao ko. May mga tanong sa isip ko na kailangan ng kasagutan. Na parang mga piraso ng bubuo saakin ngunit hindi ko alam kung saan hahanapin.
"Huwag kang magalala hindi kami masasamang tao. Kagaya ka rin namin. Alam kong marami kang tanong na gusto mong masagot. At alam ko kung saan at sino ang makakasagot ng mga yan." Wika niya sabay ngiti sa akin.
Matapos ang maikling paguusap at pagpapakilala niya'y , binigyan niya ako ng mga damit na pamalit at hindi ko alam kung saan niya nakuha. Sinabi niya sa'kin na sasamahan niya raw ako sa taong makakasagot ng mga katanungan ko at pupunta namin kung sinuman iyon.
May banyo pala sila ditong malinis. Simpleng paliguan na may mga tabing na kahoy. May toilet bowl din naman. Ang pinagtataka ko bakit hindi ko 'to nakita kanina.
Ang Ginoo kanina'y si Eros Red. Magtyuhin sila ni Kuyang Berde. Si Raven Green. Parang may something sa mga pangalan namin. Pero mamaya ko na ang uusisain. Maliligo muna ako. Diyan muna kayo.