Kabanata 7

945 Words
Lala's POV Naglalakad kami patungo sa gubat at kasama ko si Tatay Eros. Gusto niya daw Tatay itawag ko sa kanya. Siya nagsabi na tatay itawag ko sakanya kaya wag na kayo magtanong. Hehe. Nahawa na ako ng kasungitan ni Boy Berde. Wag kayo maingay. Naiwan na si Kuyang Berde dun sa kubo dahil magpapahinga pa daw siya at hindi naman daw siya kailangan sa pupuntahan namin. Malayu-layo na rin ang nalalakad namin at hindi ko alam kung ilang minuto na ba kami naglalakad dahil medyo masakit na ang mga binti ko. Maya-maya lang ay huminto bigla si Tatay Eros. "Nandito na tayo." Anunsyo niya at napahinto ako agad sa paglalakad. Nasa gitna na yata kami ng kagubatan at wala akong kaalam-alam kung saan na ba kami. Nilingon ko siya at nabasa niya naman ang nais kong itanong base sa ekpresyon ng aking mukha. "Tumingin ka sa taas." Utos niya at tumingala nga ako. "OMG!" Nabigla na lamang ako nang makitang may malaking nakalutang na bato sa himpapawid. Isang napakalaking tipak ng bato ang lumulutang sa taas namin. Bigla akong natakot. Mukha kasing babasag ito anumang oras saamin. "Diyan tayo pupumunta?" Saad niya. "Po? Paano po tayo aakyat dyan." Tanong ko na bakas sa boses ang pagtataka't pagaalinlangan. Natawa ito sa itsura ko. Batid kong namumutla na ako't handa ng tumakbo't iwan na lamang siya roon. "Huwag kang matakot. Madali lang 'yan. Kumapit ka lang sa mga braso ko." Sagot niya't iniangat ng bahagya inilapit sa'kin. Tinignan ko muna siya't nagisip. Nagdadalawang-isip kung makikinig, sasama o aayaw na lamang ngunit dahil sa kagustuhan kong masagot ang mga katanungan sa isip ko'y sinunod ko ang sinabi niya. Humawak ako sa braso niya ngunit di maalis ang pangamba sa dibdib ko. Lalo pa nang unti-unti na kaming nabalutan ng pulang usok hanggang sa maglaho na sa paningin ko ang paligid. Pakiramdam ko gumaan ang katawan ko na parang sing gaan ng hangin. Na parang nalulusaw at humahalo sa hangin. Napapikit na lamang ako ng mata dahil sa biglang pagkahilo. Nang imulat ko itong muli ay nasa ibang lugar na kami. Nasa harap kami ngayon ng napakalaking bahay. "Bahay? Hindi na 'to bahay!" Bulalas ko sa isipan. Isang palasyo ang tumambad sa harap ko at nasa mismong pinto kami nito. Sa sobrang pagkamangha yung hilo ko kanina ay para nalang biglang naglaho. Napakaganda ng paligid. May mga kakaiba at naggagandahang halaman. Mga ibat-ibang uri ng ibon at paru-paro na lumilipad sa paligid. May mga tao rin sa paligid na abala sa kanilang mga ginagawa. Pero ang nagpamangha sa akin ng husto ay ang dalawang babae sa di kalayuan. Binubunot nung isang babae yung mga natuyo at patay ng halaman. Pagkatapos ay may lumabas ba berdeng usok sa palad nito't ang patay at kulay brown na halaman ay nagkabuhay muli. May mga sumibol na bagong dahon at namukadkad ang mga bulaklak. Ang isang babae nama'y kakaiba din ang ginawa. Mula sa kamay niya'y lumabas ang asul na usok. Mula sa usok ay naging tubig ito't siyang naging pandilig niya sa nga halaman. Dahil sa pagmamasid ko sa paligid. Hindi ko na namalayan na wala na si Tatay Eros sa tabi ko. Lumingon-lingon ako at mula sa kinatatayuan ay natanaw ko siyang may kausap na isang lalaki. Lumingon siya sa gawi ko at kumaway. Lumapit naman ako sa kanila at nginitian ako ng kausap niyang lalaki. Mukhang magkasing edad lang sila ni Tatay Eros pero may kakaiba sa pagtitig niya sa akin. Nang makalapit na ako ng husto ay pinakilala ako ni Tatay Eros sa kanya. "Camilla, siya ng pala si Darius. Darius Gray" Aniya. "Hello po." Pagbati ko sa lalaki. "Kinagagalak kitang makilala Camilla." Ganti naman nito sa akin. "Nandito ba siya?" Tanong ni Tatay Eros sa Ginoo. "Oo, kanina niya pa kayo hinihintay. Sumunod kayo sa'kin." Yaya niya. Sumunod naman kami ni Tatay Eros at pumasok sa pinaka entrada ng palasyong iyon. Kung namangha ako sa labas kanina at mas nakakabilib naman ang mga naglalakihang estatwa sa loob. "Yang mga estatwang yan, sila ang mga nagdaang mga Hari dito sa mundong ito." Wika ni Tatay Eros habang naglalakad kami. Pinagmamasdan din niya ang mga naglalakihang estatwa isa-isang pinangalanan ang bawat madadaanan namin. At sa lahat ng estatwang naroon ay isa ang bukod tangi. Sabi niya kanina'y mga Hari ngunit may nagiisang babae sa hilera ng mga magigiting na kalalakihan. Napansin ni Tatay Eros kung saan ako nakatingin ng magawi kami sa pinakahuling estatwa ng magandang babae. Kahit pa isa lamang iyong bato ay para itong may buhay kung iyong titignan ng mabuti. "Yan naman ang estatwa ng kauna unahang Reyna rito. Mas kilala siya sa pangalang Aprodite. Dahil sa taglay niyang kagandahan, talino at kahusayan sa pakikipaglaban, ngunit ang tunay niyang pangalan ay Maria White." Paliwanag ni Tatay Eros. White? Parang may something talaga. "Alam mo bang may hawig kayo?. Tanong niya. Tinignan ko naman maigi ang estatwa. At tama nga siya. Pareho kami ng hugis ng mukha. Pati ilong ganun din ang akin. Maliit na hindi katangusan. " Pumasok na daw kayo." Tawag ni Ginoong Darius sa'min mula sa pinto ng isang silid. Hindi ko namalayan na pumasok siya kanina. Dahil siguro sa pagmamasid ko sa mga estatwa ay nawala na rin ang atensyon ko sa kanya. "Maria White. Parang may kakaiba sa pangalan niya. Hindi lang iyon, parang kilala ko siya at nagkita na kami noon." Bulong ko sa sarili ko. "Camilla!" Tawag sa'kin ni Tatay Eros habang hinihintay ako sa bukana ng nakabukas na pinto. "Opo." Sagot ko naman at sumunod na sa kanila. Walang kaalam-alam kung anong silid ba ang aming pinasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD