Nang makapasok na kami sa loob ng silid ay nakita ko napakaraming mga makakapal na libro na nakasalansan maayos sa mga matataas na istante. May nakasabit na mga maliliit na chandelier sa kisame na nagbibigay ng liwanag sa silid. Kung iisipin para lang siyang library, kaya lang mas malaki at sosyalin kung titignan. Sinusundan pa rin namin si Mr. Darius at tahimik lang itong naglalakad. Naalala ko nga pala. Sinabi ni Tatay Eros kagaya din daw nila ako. So may posibilidad na may kapangyarihan din ako. Ganon ba yun? Kung kapangyarihan nga ang tawag dun. Hindi rin mawala sa isip ko na kahawig ko yung estatwa. Pwede kayang siya ang Mama ko? O magkadugo kami.Pero kung naging reyna siya noon, edi ang tanda naman na niya yata. At ang isa ko pa kanina pa iniisip ay kung sino ang kakausapin namin?