bc

Golden-Winged Celestial (Celestial Warrior Book III)

book_age4+
172
FOLLOW
1K
READ
BE
kicking
mystery
superpower
like
intro-logo
Blurb

Bilang anak ng mag-asawang nagmula sa magkaibang angkan, inasahan na nina Lala at Raven ang kanilang mga magiging supling ay makikitaan ng higit sa isang kapangyarihan na mamamana nila sa kanilang dalawa, ngunit nang ipanganak ang kanilang panganay na anak, at siya ay umabot sa edad na dalawa, nagpakita siya ng kapangyarihan at kakayahan na hindi galing sa mga angkan ng kaniyang mga magulang.

Maliban dito, ikinagulat ng lahat, ang dalawang taong gulang na bata ay biglang na lamang nagbinata, nakapagsalita nang diretso at kung mag-isip ay gaya ng isang nasa eda dise siyente, at tinabuan siya ng isang pares ng ginintuang pakpak na gaya ng sa mga paruparo.

Bumalik sila sa pinanggalingan nilang mundo upang ilayo ang anak sa mga mata ng mga tao. Buong akala nila'y magiging ligtas ang kanilang anak doon ngunit mas naging lapitin pa ito ng panganib dahil sa taglay na kakaibang lakas at malakas na kapangyarihan na nakapang-akit kahit na ang mga nilalang na nasa kabila ng buhay.

Ano na lamang ang naghihintay kay Rio? Ano kaya ang pakay ng mga kaluluwang ito? At may paraan pa kaya upang maibalik siya sa dati?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Lala's Point of View "Sigurado ka ba rito?" tanong ko kay Raven habang sa akin habang karga-karga niya ang aming anak na si Rio na mahimbing na rin sa wakas na natutulog sa kaniyang bisig. Panay kasi ang kaniyang iyak na tila may iniinda sa kaniyang katawan. Tuwing sisiyasatin ko naman gamit ang kakayahan ko'y wala akong makitang mali sa kaniya. Naaawa na ako sa kaniya. Kahit mga doktor na tumingin sa kaniya'y wala ring masabi kung ano ang problema ng bata at panay na lamang ang iyak. Nakapagpasya na ako at sinang-ayunan na ng mga magulang ko. Ito na lamang kasi ang nakikita naming paraan para kay Rio. Si Raven ay may pag-aalinlangan pa. Ayaw niya kasing iwan ang mga pinaghirapan niya sa mundo ng mga mortal, ngunit para sa anak namin ay gagawin niya. Isang tango lang ang kaniyang sagot at iyon na ang pinakahuling tanong ko sa kaniya dahil aalis na kami. Hinatid kami ng mga magulang ko sa lugar kung nasaan ang portal. Hindi na namin isinama ang mga bata dahil baka mag-iiiyak lamang sila sa aming pag-alis. "Maingat kayo anak. Susunod kami kapag naayos na namin ang mga dapat ayusin dito," wika ng aking ama at hinalikan ako sa noo. "Opo, Pa. Mag-ingat din po kayo rito," sagot ko. Matapos mayakap ang bawat isa sa kanila ay hawak-kamay kaming tumawid ni Raven kasama ang aming anak sa portal at ilang sandali lamang ay nasa kabilang mundo na kami. Naroon si Tatay Eros at may galak kaming sinalubong. Siya lamang ang nakakaalam na babalik na kami sa Celestial World para na rin sa kaligtasan namin at ng aming Rio. Nasamyo ko ang kakaibang hangin sa kabilang mundo. Sariwang-sariwa kumpara sa hangin na malalanghap sa mundo ng mga tao. Doon na polluted na ang hangin ngayon at napakainit kapag araw dahil makalilimutan na nilang pangalagaan ang kanilang mundo. Maging sa Celestial World ay mayroon iyong epekto. Iyon nga lang, mas matindi ang sa mga tao. Dahil gabi na nang mga oras na iyon, walang nakakita sa amin. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa nakalipas na tatlong taon. Tunay ngang ipinagpatuloy ng nakaupong hari ang mga sinimulan ko noon. "Marami ng nagbago sa paligid hindi ba?" biglang tanong ni Tatay Eros nang mapansing palinga-linga ako at bahagyang napapangiti. "Opo, kumusta naman po ang hari?" "Mabuti naman siya. Mas maayos ngayon kaysa noong nag-umpisa. Alam mo naman, pakapa-kapa ka rin noong una," medyo natatawang saad niya. Agad kong naalala ang mga panahong iyon. Ang unang araw ko bilang isang Reyna ng isang malaking mundo ng napakaraming kakaibang nilalang. Mga panahon na madalas kaming mag-away ni Raven dahil napakatigas ng ulo ko't laging nagpapasaway. Napangiti na lamang ako ng maalala. Parang aso't pusa kami noon, ngunit ngayon ay magkasama na at halos hindi kami mapaghiwalay. Sino bang mag-aakala? Ang magkaaway noon, ngayon nagmamahalan na at nakabuo na ng supling. Totoo nga iyong the more you hate, the more you love. "Sino po ba ang makakalimot no'n? Ako na po yata ang pinaka-stress na kanang-kamay na nagdaang henerasyon," singit ni Raven sa aming usapan. "Hoy! Walang nagtatanong. Manahimik ka r'yan," suway ko sa kan'ya. "Bakit? Totoo naman," pilit niya. "Oo na, pero noon ding mga panahon na 'yon may lihim ka ng pagtingin sa'kin, hindi ba?" Pambawi ko naman. "Hala... tss." Naasar na siya sa lagay na 'yan. Tiyak akong namumula na ang mukha. May kadiliman kasi kaya hindi namin makita. Natawa na lamang si Tatay Eros sa pag-aasaran namin. Nakalimutan na nga naming kasama namin siya. "Hindi pa rin kayo nagbabagong dalawa," usal niya sabay bukas ng kandano ng isang mababang tarangkahan na nasa harap namin. Nakarating na pala kami nang hindi namamalayan. Nasa bahay kami na tinirhan ng mga magulang ko noon. Malaki para sa'min pero kung nandito na silang lahat ay maliit na ito. Gamit ang kapangyarihang taglay ni Tatay Eros ay nagkaroon ng liwanag sa loob ng bahay. Maalikabok pa ang loob dahil sa tagal na walang nakatira. May mga sapot ng malalaking gagamba na nagkalat sa kisame at mga kagamitan. "Mahal?" Pukaw ni Raven sa'kin. Agad naman akong kumilos at binuksan ang mga bintana. "Tagal ko ng hindi nagagamit 'to. Baka pumalya na ako ngayon," pagbibiro ko sa kanila, ngunit isang segundo lang ay nagawa ko nang alisin lahat ng alikabok at sapot sa paligid pati na rin ang mga gagamba. Sumama na lahat sa hangin at nilabas ko sa bintana. Ganoon din ang ginawa ko sa mga silid bago tuluyang pumasok sina Raven dala ang anak namin magpahanggang ngayon ay nahihimbing pa rin. "Mahusay ka pa rin sa paggamit ng kapangyarihan mo." Puri nito sa'kin at sinegundahan naman ni Tatay Eros. Nang masiguro niyang ayos na kami roon tatlo ay nagpaalam na siya. Babalik na lamang daw siya bukas ng maaga para dalhan kami ng almusal. "Salamat po ulit, Tatay Eros," pasalamat ko bago siya umalis. Hinatid ko siya hanggang sa pinto. "Basta kayo," aniya nang nakangiti na mayroong kaunting pait dahil pag-aalala kay Rio. Hindi iyon nakawala sa mga mata ko. "Magiging maayos rin po ng lahat," usal ko kahit ako ay hindi ko alam kung oo. "Tama ka, tiwala lang." Mula naman sa kaniya. Naghanap ako ng mga kobre kama't mga unan pagbalik ko. Sabi ni Mama ay nakatabi sa aparador ang mga unan at nakabalot para hindi madumihan. Nang makita ko ay maayos na nakasalansan sa isang aparador ang mga ito pati na ang kobre kama't comforter. "Sa totoo lang, hindi ko nga alam na kaya ko pa rin makontrol ang kapangyarihan ko nang maayos," aking nasabi sa sarili na may pagkamangha. Bawal kasing gamitin ang mga kapangyarihan naming taglay sa mundo nang basta-basta. Isa pa'y iniwasan din namin dahil nais naming maging normal lang ang klase ng pamumuhay namin roon gaya kung paano nabubuhay ang mga mortal sa kanilang mundo. Inayos ko ang mahihigaan namin at nang matapos ay dahan-dahan niyang nilapag ang tulog pa ring anak namin. Lumapit ako kay Raven at hinawakan ang isang kamay niya habang pareho naming pinapanood si Rio na nahihimbing na. "Natatakot ako Raven," mahina kong sabi, ngunit sapat para marinig niya. Hinila niya ako palapit at mahigpit na niyakap. Nilapat niya ang kan'yang labi sa aking noo at mas hinigpitan niya pa ang kaniyang pagkakayapos sa akin. "Huwag kang matakot. Magkasama nating puprotektahan ang anak natin," malumanay sabi. Alam ko naman iyon pero ang ikinatatakot ko ay ang mga magiging reaksyon ng mga nasa paligid kapag nalaman nila ang kondisyon ni Rio. "Salamat, Raven at nandito ka mahal," usal ko habang nakayakap sa kaniya. Nakagagaan ng pakiramdam na ganitong yakap ko siya at yakap niya ako. May kaligtasan akong nararamdaman. Mas kampante ang puso ko na narito siya sa tabi at malaki ang pasasalamat ko na siya ang napangasawa ko. Walang kahit na katiting na pagsisisi. "Wala namang ibang makakatagal sa'yo kundi ako lang ano," biglang biro nito at dahil doon ay isang hampas sa dibdib niya ang ibinigay ko. Wala talaga sa oras kung magbiro. Pero alam ko naman na sinusubukan niya lang pagaanin ang loob ko kahit iyong biro niya ay below the belt na, pero may katototohanan naman iyon talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook