bc

Warmest Hug

book_age16+
1.8K
FOLLOW
9.2K
READ
family
independent
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
city
friendship
lonely
like
intro-logo
Blurb

Sa buhay, mayroon at mayroong mga pagkakataon na ipamumukha sa atin na mali ang kasabihang "blood is thicker than water" dahil minsan, kung sino pa ang hindi mo kilala at hindi mo kadugo, sila pa ang handang tumulong sa'yo nang walang kapalit na hinihintay.

Ito'y isang kwento tungkol sa isang dalaga na magpapatunay na mali ang kasabihan.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Gabi pa lamang ay nag-aabang na sa harap ng inuupahang apartment ni Lilith si Maverick, apartment iyon na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang at wala pang isang taon mula nang tirhan ng dalaga iyon. Walang kain at hindi pa natutulog. Kung ilang oras na siyang naroon ay hindi niya alam, alam niya lang ay umalis si Lilith nang walang paalam. Kung ilang araw na siyang wala ay hindi niya rin alam dahil ang kanyang inaasikaso ay ang kanilang mga biglaang bisita na wala namang naidulot na maganda simula nang dumating sila. Hindi niya matawagan ang cellphone nito at hindi rin nagrereply sa mga text na pinadala niya. Ilang beses siyang pinuntahan ng kapatid upang umuwi na muna at yayain kumain ngunit ayaw nito, nais niya raw maghintay dahil alam niyang babalik si Lilith anumang oras at gusto niyang salubungin ito sa kanyang pagbabalik. Batid naman ng ina ng binata na uuwi rin ang dalaga dahil nagpaalam ito sa kanya bago umalis ngunit ayaw makinig ng kanyang panganay na anak. Pader lang naman ang pagitan ng apartment ni Lilith at nang kanilang bahay, makikita naman niya ito kung sakaling bumalik na ngunit mas pinili niyang pumunta na lamang sa kabila at doon maghintay sa dalaga. Napakaraming bagay ang nangyari ng ilang araw lang. Ang kaguluhan sa bahay nila, pagkaospital ng kapatid niya at ang mga nalaman niyang katotohanan mula sa lolo niya ay parang sasabog na ang ulo niya, ngunit ang mas hindi niya kaya sa lahat ay ang magbago ng pakikitungo sa kaniya si Lilith bigla, dahil pala kay Priya. Inaantok na siya, ilang beses na rin niyang pinigil ang pagsara ng mga mata. Papasikat na rin ang araw ngunit wala pa ito. Naiinis na rin siya sa tagal nitong bumalik at balak na niyang magreport sa pulis at magpatulong na hanapin ito kapag hindi pa ito magpakita sa araw na iyon. Malamig rin ang hangin ngunit di niya alintana iyon. Nangangawit na ang likod niya at masakit na rin ang puwitan sa tagal na pagkakaupo sa sementong hagdan paakyat sa pinto ng apartment. Umakyat siya sa pinakamataas na baitang at umatras hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng pinto sa kan'yang likuran. Bahagyang napawi ang ngalay niya at maya-maya lang ay hindi na niya namalayan ang kusang pagpikit ng kan'yang mga mata. Mula sa veranda ng kanilang bahay sa kabila lamang ng apartment kung nasaan si Maverick ay pinapanood siya ng kapatid na si Janina. Kagigising lang nito at nakasuot pa ng ternong pajama, magulo ang buhok at hindi pa naghihilamos. Kagaya ng kan'yang kuya ay gusto niya ring makita ang kanyang ate Lilith sa kan'yang pagdating. Buong magdamag nang naroon ang kuya niya sa harap ng apartment nito naghihintay. Hindi niya man alam ang tunay na dahilan o anuman ang nangyari sa pagitan ng dalawa ay nalulungkot siyang makita ang kuya niya na naroon nakaupo at kagabi pa malungkot. Nanguha siya ng upuan sa kan'yang kuwarto at naupo sa gilid ng veranda. Nakahawak sa bakal na harang at nakalusot ang maliit nitong mukha sa espasyo ng kuwadradong mga bakal na pinagdugtong-dugtong at malungkot na nakatingin lang sa kanyang kuya na mukhang tulog pa habang nakaupo sa may hagdanan. Mula sa kan'yang kinauupuan ay nadinig niya ang pagbukas ng pinto sa silid ng kan'yang mga magulang. Sumilip sa kan'yang kwarto si Rowena upang batiin sana siya ngunit hindi siya nakita nito sa kama. Pumasok ito upang hanapin ang bunsong anak at natagpuan niya ito sa veranda na parang kawawang bata sa pagkakaupo nito na animo'y batang kinulong at di pinayagang lumabas ng bahay. "Good morning anak, anong ginagawa mo r'yan? Nakakaawa kang tignan mahal kong bunso." Bati niya rito at hinalikan ang ulo nito. "Good morning Mommy," Matamlay nitong bati sa ina nang hindi man lamang niya ito nililingon. Nagawi ang tingin ng Ginang kung saan ito nakatanaw at nakita niya ang panganay na anak na nakaupo sa hagdaan sa kabilang apartment. Nakahalukipkip ang mga braso at nakapikit ang mga mata habang nakaupo. Mas kaawa-awa itong tignan kesa sa kan'yang bunso. "Tignan mo ang ginawa mo sa mga anak ko Lilith," usal niya sa isip. Hindi naghapunan kagabi. Wala raw siyang gana ngunit ang makita ito sa ganoong kalagayan ay parang gusto niyang takbuhin ito at sunduin ng pamalo, pagalitan para umuwi lang sa kanilang bahay. Uuwi naman si Lilith, may pupuntahan lang na outing kasama ang kanyang mga kaklase. Mister niya ang nagsabi sa Ginang na huwag ipaalam sa anak at hayaan itong magpakalalaki at patunayan ang sarili sa dalaga. Napaka-supportive ng kan'yang asawa ngunit bilang ama'y gusto niyang matutunan ng anak na hindi lahat ng bagay ay makukuha niya sa mabilis at madaling paraan. Palibhasa'y ganyan rin ang ginawa ng ama ng kan'yang asawa noon, pinahirapan kasi ng Ginang na manligaw. "Hay naku Lilith, umuwi ka na nga," bulong niya sa hangin bago iniwan ang bunsong anak na binabantayan ang tulog niyang kuya mula sa veranda ng kanilang bahay. Bandang siyete pasado nang may nakita si Janina na pumaradang van sa harap ng apartment ng kanyang ate Lilith. May lumabas na lalaki mula sa driver's seat at binuksan ang pinto ng van sa likod. Bumukas din ang pinto sa side ng van at lumabas doon ang kanyang ate Lilith. Ibinaba ng lalaki ang isang maleta at isang supot. Tuwang-tuwa si Janina nang makita ito. Tumakbo siya palabas ng kan'yang kuwarto't patakbo ring bumaba ng hagdan. Pinuntahan ang kan'yang ina na nasa kusina upang ibalita na naroon na ang kan'yang ate Lilith, kararating lang. Tatakbo na sana siya palabas ng bahay upang pumunta sa kabila ngunit pinigilan siya ng kan'yang ina at sinabing mamaya na pumunta upang makapag-usap ang dalawa ng sila lang. Nahawakan niya ito ngunit nagpupumiglas at kumaripas ng takbo palabas. Samantala sa labas, "Thank you! Ingat kayo," paalam ni Lilith sa mga kaklase na nasa loob ng van. Umalis na ang sasakyan, bitbit ang bag niya at supot ng basang damit kagabi. Hindi pa rin nagbukas ang cellphone niya kahit nai-charge naman gamit ang charger ng isa niyang kaklase. Hindi niya alam kung bakit. Nakaligtaan niya kasing magdala ng charger dahil overnight lang naman sila at uuwi din maaga kinabukasan. Pagpasok niya sa gate ay nagulat siya sa taong nakita na nakaupo sa hagdan at mukhang nakatulog na. Hindi na niya naisara ang gate pagpasok dahil nataranta na siya nang makita si Mav na naroon sa loob. Una tanong saan dumaan. Nakita niya ang hagdang bakal na nakababa at naisip agad na baka roon sa rehas at ibinaba lang ang hagdan. Lumuhod siya sa tabi nito at tinapik-tapik ang pisngi. Mainit na ang balat nito dahil sa pagkabilad ng balat sa araw. Ang kintab na rin ng mukha nito dahil sa natural na langis na nilabas ng kanyang balat ngunit parang wala itong pakialam kahit mangitim si ilalim ng sikat ng araw. Nahihimbing ito habang nakaupo. Hindi alam ni Lilith kung bakit naroon ito. Nang umalis siya sa apartment nang hapon ay nasa opisina ang binata. Tahimik na sa kabilang bahay, noong dumating kasi ang lolo't lola ng binata ay may kasama itong isang magandang babae ay laging maingay sa kabila. Wala na kasi ni isa sa mga bisita ang naiwan. "Mav? Hoy Mav!? Gising!" Pukaw niya rito habang tinatapik ang pisngi. Nagitla si Mav sa gulat nang palakas nang palakas ang tapik sa pisngi niya. Nang dumilat ay mukha ng kan'yang kagabi pa hinihintay ang unang niyang nakita at imbes tumayo ay dumapo ang dalawa niyang malaking kamay sa maliit nitong mukha. Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito para makasigurong hindi siya nananaginip at nang umaray dahil sa pagkakabatak ng balat ay hinala naman niya ito palapit at kinulong sa mga bisig. "Where the heck did you go!?" Malakas na tanong nito sa kan'ya. Nakakabingi ngunit mas nakakabingi ang ritmo na naririnig ni Lilith mula sa loob ng dibdib nito habang nasasubsob ang kan'yang mukha sa malapad nitong dibdib. Halos masakal na siya sa higpit ng yakap nito, gusto man niya sagutin ang tanong ngunit hindi siya makagalaw, pati panga niya di niya maigalaw. Ang awkward ng posisyon nilang dalawa, gusto niyang hampasin ang braso nito para bitiwan siya ngunit pinipigilan siya ng kan'yang puso. Nakabilad silang dalawa sa araw at nakakulong siya sa mga bisig ng isang lalaking halos doble ang taas sa kan'ya. Halos mapisa na siya, pinagpapawisan na ngunit ayaw pa siyang bitawan nito. "mmhhithaww" di maintidihang wika niya at tinutulak ito palayo ngunit masyadong mahigpit ang yakap nito at malakas ang mga braso para sa maliit at payatot na kagaya niya. "Ate!!" Nadinig nilang sigaw mula sa gate pareho. Hindi man nila lingunin alam na nila kung sino. "Janina wait!" Malakas na tawag ng isa pang parating. Hinahabol ang batang babae na hindi na niya napigilang lumabas ng bahay matapos matanaw ang dumating kanina. Natakasan kasi nito ang kan'yang ina. Magkayakap pa ang dalawa nang madatnan ng bata. Mabilis itong lumapit sa dalawa at nakiyakap rin. "Madaya ka kuya, ako rin," usal pa nito at mahigpit na niyakap ang dalaga. Natawa na lang ang Ginang na nakayapak na hinabol ang anak. "Ma, sama ka na para di na lalayas 'tong babae na 'to," wika ni Maverick at pinalapit ang ina. "Hindi naman ako luma--" Naputol ang sasabihin niya dahil sa biglaaang paglapit ng Ginang sa kanila at nakiyakap rin. "'Wag ka maingay, usap tayo mamaya," bulong niya sa tainga ni Lilith at binigyan ng mabilis na kindat. "Si Daddy na lang kulang!" Tuwang-tuwang sigaw ni Janina. "Hayaan mo na Papa mo, tulog pa 'yun," sagot ng Ginang sa anak at natawa na lang silang apat. Clueless si Lilith sa kung anong meron, kung bakit naroon si Maverick sa naghihintay sa kaniya at kung anong dapat pag-usapan nila ng Mama ng binata. "Anong nangyayari?" tanong ni Lilith sa sarili. Humiwalay ng yakap ang Ginang maya-maya at hinila si Janina palayo upang makauwi na sila. Para na rin magkausap na ang dalawa roon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

My Long-Time Fiancee

read
218.1K
bc

Loving the Nation's Idol

read
5.3K
bc

Lucas Sebastian III - SPG

read
2.7M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
434.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
172.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook