Kabanata 2

1577 Words
*Eight months earlier "Lilith!" Malakas na tawag ng matabang babae sa dumaan. Napahinto naman ito sa paghakbang at nilingon ang tumawag. Ang landlady niya pala. Nasa gitna ito ng kumpulan ng ka-edad niya at nakapamewang pa habang nakatayo sa pinakagitna dahil siya ang spokeperson nila. Kitang-kita ito dahil siya ang pinakamalaki sa mga taong naroon. Kinawayan siya ng Ginang upang lumapit sa kanila. Hindi pa man bumubuka ang bibig ng Ginang ay alam na niya ang gusto nitong sabihin o tanungin ngunit mabuting nang lapitan niya ito upang humingi muna ng despensa dahil wala pa siyang pera, nadelay nanaman kasi ang sahod nila at hindi niya alam kung kailan niya makukuha. Ilang hakbang pa ang bago siya makalapit sa Ginang ngunit nagsalita na agad ito. Mukhang galit at naiirita base na rin sa tono ng boses nito. "Wala ka pa rin bang maihuhulog sa renta mo Lilith? Dalawang buwan na ang utang mo sa'kin." Pabalang na tanong ng Ginang walang pakialam kung may iba pang tao sa paligid at kung pinagtitinginan na ba sila. Dahil nasa gitna ng kumpulan ang Ginang ay marami agad ang nakarinig. Nag-umpisa nang magbulungan ang mga naroon at halu-halong mga emosyon ang mababasa sa mukha nila. May naawa at nakikisimpatya at mayroon namang nasa side ng Ginang at kung anu-anong panghuhusga ang nadinig niya. Napayuko na lamang si Lilith dahil sa labis na hiya. Hilig talaga ng landlady magpahiya ng mga tao at wala itong pakialam kung masasakit ba siya. "Pasensiya na po, wala pa po kasi ang sahod namin. Hindi lang naman po ako, lahat po kami kahit itanong niyo pa po sa anak ni Tita Helen." Magalang at mahina nitong sagot kahit hiyang-hiya sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ang tinutukoy niyang anak ni Helen ay ang katrabaho niyang si Marites. Pareho sila ng pabrikang pinapasukan at higit dalawang linggo ng nadelay ang sahod nila. Nangako naman ang kanilang amo na maibibigay na nang linggong iyon, ngunit wala pang kasiguruhan dahil pinaghihintay pa sila ng ilan pang araw dahil hindi pa raw naayos ang kanilang payroll. Biglang natameme ang Landlady nang may maalala. "Aba'y pasalamat ka nakausap ko kanina si Helen at iyan din ang pinag-usapan namin kaya maniniwala ako sa rason mo ngayon." Tugon ng Ginang at humina na ang boses sa pagkakataong iyon. "Pasensiya na po ulit, magbabayad po ako agad kapag naibigay na po nila ang sahod ko." Hindi nitong muli ng paumanhin at nagawa na niyang maiangat ang ulo't harapin ito. Bakas pa rin ang inis nito sa kanya, hindi naman niya masisisi ang Landlandy dahil ilang beses na rin naman siyang nangakong magbabayad ngunit wala siyang naibibigay sa araw na pinangako niya. Tatlong taon na rin naman siya sa lugar na iyon at nagbabayad naman siya agad kapag may pera siya, madalas nga lang delay dahil delay magpasweldo ang pabrikang pinapasukan niya ngayon. Umalis na siya sa lugar na iyon at dinig niya pa rin ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid tungkol sa kanya. Nag-umpisa nanaman silang pag-usapan ang buhay niya at hindi na bago sa kanya iyon, ilang beses naman na ring naikwento sa kanila ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Ulila na siya at lumaki sa pangangalaga ng kanyang Tiyahin niyang si Rebecca. Parehong namatay sa sakit sa baga ang nanay at tatay dahil sa paninigarilyo. Naipasa rin ang sakit sa kanya noon. Kinuha siya ng DSWD at pansamantalang inalagaan ngunit dahil sa karamdaman ay kinailangan nitong mag-isang magpagaling sa ospital na tanging mga Nars lamang ang tumitingin-tingin sa kanya. Nahanap nila ang kapatid ng kanyang ama sa probinsiya ngunit hindi siya tinaggap ng mga ito nang malaman ang sakit niya. Natatakot na mahawa sila at mga mga anak ng maliliit pa, ganoon din ang ibang kamag-anak niya na nandiri sa kanya. Naghanap ng ibang kamag-anak ang awtoridad at nahanap nila ang kanyang tita Rebecca na nasa Japan, nag-iisang kapatid na babae ng kanyang ina. Nagtatrabaho ito roon at nakapag-asawa na rin ng hapon. Nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pamangkin ay agad siyang nagpadala ng tulong upang mapagamot ang pamangkin. Kinausap niya ang ibang kamag-anak na alagaan ito dahil masyado pa itong bata upang mag-isang asikasuhin ang sarili. Anim na taong gulang pa lamang kasi siya noon. May isang kamag-anak na pumayag na bantayan ito ngunit ang perang pinapadala nila para sa kanya ay kinukuha nila lahat. Kahit mga gamot niya ay nagkukulang kaya hindi siya agad gumaling. Sa mura niyang edad at mahinang pangangatawan ay inaalila pa siya ng mga ito. Pinagagawa ng mga gawaing bahay kahit mayroon siyang karamdaman hanggang sa may isang nagmabuting loob na tawagan si Rebecca sa Japan upang iparating sa kanya ang mas lalong lumalalang kondisyon ng pamangkin. Umuwi ito at kinuha siya. Pinagamot at inalagaan mabuti, nang dahil sa tagal na pamamalagi nito sa Pilipinas upang alagaan siya'y nagkaroon nagproblema ng relasyon ng kanyang Tita sa asawa nito hanggang sa nagdesisyon siyang makipaghiwalay. Silang dalawa na ang magkasama simula noon. Pinag-aral siya nito hanggang kolehiyo at binigyan ng magandang buhay. Kaya lang ay nagkasakit ang kanyang Tiyahin at nahinto siya sa pag-aaral. Sinikap niyang ibalik sa Tiyahin ang kabutihan nito sa kanya. Inalagaan niya ito hanggang sa pinakahuling araw nito sa mundo. Nang mamatay ay pilit kinuha ng kanilang kamag-anak sa kanya ang mga naiwang ari-arian ng Tiyahin. Maging ang bahay na naipundar nito noong nagtrabaho sa Japan. Ang tanging naiwan kay Lilith ay ang limang pirasong mga vase na mahal na mahal ng kanyang Tiyahin na hindi niya hinayaang kunin nila. Umalis siya sa lugar na iyon at nakipagsapalaran sa Olongapo. Hanggang sa mapadpad siya sa Subic at doon na namalagi ng ilang taon at nagtrabaho. Maayos naman sa lugar na iyon , kaya lang ay masyadong maingay at hindi siya makatulog dahil flywood lang ang harang ng bawat kwarto at dinig ng lahat ng ingay mula sa kabilang silid. Namamahalan na rin siya sa renta dahil wala na siyang kahati sa pagbabayad na dati ay hati sila ng kanyang katrabaho na doon tumutuloy sa silid na inuupahan niya. Mabait naman ang landlady niya kapag consistent ang bayad ng renta, nagtaon lang sigurong badtrip siya at si Lilith ang namataang pagbuntunan. Mukhang may meeting pa naman sila kanina, kasama niya ang mga ka-zumba niya. Balita ni Lilith ilang araw na silang hindi nakakapag-zumba dahil ginagamit ang plaza kaya nagpameeting sila upang maghanap ng ibang lugar na pansamantala nilang magagamit. Para nga makabayad at may panggastos sa araw-araw ay pinasok na niya ang dalawang trabaho. Pang-gabi at umaga. Gusto niyang mabayaran agad ang utang sa renta at sa tindahang inutangan niya ng mga kailangan niya. Sa umaga'y sa pabrika siya ng sabon at sa gabi nama'y sumasideline siyang tagadeliver ng mga pagkain gamit ang bisikletang nabili niya lang sa halagang tatlong daan sa sa junkshop sa kanilang lugar. Maraming sira ngunit siya na ang nagpaayos. Pinalagyan niya ng bakal na basket sa harap at likod upang paglagyan ng mga idedeliver na pagkain. Libre na ang hapunan kaya wala siyang problema sa kakainin sa gabi. Sa umaga na lang siya nagluluto ng agahan pati na rin ang baon niya sa tanghali. Mas makakatipid kasi kapag sariling luto kesa bumili. Napakamahal pa naman ng bilihin sa kantina ng pabrika nila at kung ipapalista niya naman ay tiyak na wala siyang maaasahang sweldo dahil agad nilang iaawas iyon sa sahod niya. Nakalagpas na siya sa kumpulan ngunit may mga tao siyang nadaanan na siya pa rin ang topic ng mga ito. Hindi na lamang niya pinansin dahil mapapaaway lamang siya kung papatulan niya ang mga iyon. Nang makarating sa inuupahan ay saka niya lang kinuha ang susi sa loob ng kanyang sling bag. Kinakandado niya ang pinto kahit sinususian ang doorknob. Uso kasi ang nakawan sa lugar nila. Pinapasok ang mga apartment na walang tao at kukunin lahat ang pwede nilang pakinabangan. Ang iba pa namang kapitbahay niya'y walang pakialam sa isa't-isa. Magaling lang sila sa tsimisan at paninira ng mga kapitbahay. Natatakot siyang mawala ang pinakaiingatan niyang naiwang koleksyon ng kanyang Tita Rebecca. Marami na ngang nagkainteres bilhin ngunit ayaw niya dahil mahal na mahal iyon ng kanyang tiyahin noong nabubuhay pa at tiyak magagalit ito kapag ibinenta niya sa kung sino. Kahit ilang beses na ring sumagi sa isip niya na maisasalba siya ng mga vase sa kanyang mga pagkakautang ay hindi niya pa rin nagawang galawin ang mga kayamanan ng Tiyahin niya. Pagbukas niya ng pinto ay iyon ang una niyang tinignan. Sinigurong kompleto at walang kulang. Limang piraso lang naman iyon at matapos silipin sa maliit na bakanteng silid ay muli niyang sinara at dumiretso na sa banyo upang makapaligo at makaidlip sandali dahil papasok pa siya sa isa niyang trabahong panggabi. Sinaksakan ng earphones ang magkabilang tainga at nagpatugtog ng mga love songs upang hindi magambala ng ingay ng kanyang mga kapitbahay. Isa't kalahating oras rin ang naitulog niya bago tumunog ang alarm sa kanyang cellphone. May dalawampung minuto pa siyang natitira upang makapag-ayos bago pumunta sa kainan na malapit lang sa kanila ngunit bago bumangon ay blanko muna siyang tumingin sa kisame at tinanong ang sarili. Para kanino ba siya nabubuhay? Limang taon, limang taon na rin siyang lumalaban sa buhay. Ilang beses na rin niyang sinubukang magmahal at nasaktan dahil sa paghahangad mahanap ang pakiramdaman na matagal na niyang hinahanap at ang moment kung kailan masasabi niyang iyon na iyon. Na iyon na ang pinakamainit na yakap na magdadama sa kanya na ligtas at di siya nag-iisa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD