bc

Flavor of Love

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
HE
lighthearted
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Florentin ang dahilan kung bakit ang isang Rackie April ay naging picky at man-hater sa mahabang panahon. Wala siyang naging boyfriend dahil mabilis ma-turn-off kahit pa nakapila ang kaniyang mga suitor.

Ngunit sadya talagang mapaglaro ang tadhana upang muling magkrus ang kanilang mga landas makalipas ang halos sampung taon.

Magmula ng araw na 'yon, sunod-sunod na ang mga pagkakataon. Naging regular customer pa nila ang binata sa kanilang restaurant kaya naman panay was ang ginawa ni Rackie sa kaniya.

Ano kaya ang dahilan at napapadalas ang kain ni Florentin sa kanilang restaurant? Hindi nga kaya niya ito naalala gaya na lang ng ginagawa ni Rackie na pagpapanggap sa tuwing makikita ang binata? O sadyang there is something sa mga pagkain sa restaurant that Florentin couldn't forget dahil para sa kaniya that is the Flavor of Love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Rackie April POV "Excuse me, Sir. Wala na pong bakanteng lamesa. If you like po, p'wede kang magpa-reserve na lang for later. Tiyak naman po na may aalis na sa kanila maya-maya." Harang ko sa lalaking kapapasok lamang sa aming restaurant. Mukha itong kagalang-galang sa suot na itim na suit at puting long-sleeve sa loob. Kahit mainit sa labas ay hindi ko maamoy na pawisan. Napakabango pa nga nito pero parang pamilyar ang gamit nitong mamahaling pabango. May kataasan siya kumpara sa height ko. Halos hanggang dibdib lang ako ng ginoo sa height kong five feet and two inches. Tumingala ako upang sipatin kung sino, at laking-gulat ko na lamang nang makilala ito. Nabura ang matamis na ngiti sa aking mga labi ngunit naisip kong muli siyang ngitian. Mas minabuti kong magpanggap na hindi siya kilala nang sa ganoon ay umalis na ito. Busy kami sa dami ng mga tao sa restaurant nang araw na iyon at napakaaga pa para masira ang araw ko ng isang tulad niya. "I didn't expect this place would be this crowded today. Sana pala nagpa-reserved na lang ako bago nagpunta. Gusto ko pa naman dito ulit mag-lunch dahil sa sarap ng mga pagkain," sagot nito sa akin. Sumilay ang mga mapuputi't pantay-pantay nitong mga ngipin nang siya'y ngumiti. Nakakasilaw kung tutuusin. Sabagay, marami naman siyang pera dahil sa yaman nila, kahit araw-arawin niya pang ipa-bleach ang ngitin niya ay walang problema. Kaso sayang ang kaniyang magandang ngipin kung ihahampas ko sa kaniya ang dala kong tray. Nanggigigil talaga kasi ako sa impakto. Sa dami naman kasi ng restaurant sa Makati ay sa restaurant pa talaga namin siya nagpupunta samantalang malayo na ito sa kompanya nila. Jusko! Ngiti pa lamang nito ay busog na ang mga higad na kababaihan pero pasens'yahan kami, hindi na uubra sa akin ang charm ng kumag. Sa ilang ulit niyang gumagawi sa restaurant, sinadya ko siyang iwasan. Nagtatago ako sa office kapag nariyan siya ngunit sadyang kailangan ako nang araw na 'yon para mag-istima ng mga tao. Hindi ko rin naman inaasahan na magpupunta ito dahil araw na ng Sabado. "Yes, sir. It happened there was an ongoing event nearby kaya rito ang punta nila. If you like po, you can take out food na lang para hindi naman po masayang ang pagpunta ninyo," magalang kong alok. Dinidiin ang pagsabi ng po dahil sa agwat ng edad namin na halos sampung taon, dapat lang ginagalang ang mga nakatatanda. Pero mukhang hindi yata binigyan nito ng pansin iyon. Gusto ko na siyang mag-disappear sa harapan ko nang mga sandaling 'yon. Gusto ko na siyang sipain palabas. I want him to leave. Nakakaasiwa ang pagmumukha niya. Lalo pa kung ngumiti. Parang hindi ako nakikilala ng kumag. Sabagay, kilala naman siyang playboy noonpaman. Kung sino-sinong mga babae na ang dumaan sa buhay niya para maalala kung sino ako na taga-deliver lang ng cookies at bento lunch sa locker niya kahit dalawang building pa ang pagitan ng Elementary at College building sa University noon. Nagsisinungaling pa ako sa step-mom ko na ibinigay ko sa isang kaibigan na kawawa sa school dahil minsan wala siyang lunch na dala para sa kaniya. Hindi ko alam bakit sa murang edad ko na pito noon ay magkakagusto ako sa kaniya. Puppy love raw sabi ng best friend ko nang sa kalaunan naging hate at gusto ko na lang siyang ipalapa sa aso. Sadyang ganoon lang siguro maglaro ang tadhana. Nang muling mag-krus ang landas namin, nasa isang coffee shop siya nang makipagkita kami ng step-mom ko sa isang kilalang matchmaker. May kasama siyang magandang babae. Parang model sa ganda ng mukha at hubog ng katawan. Pasok na pasok sa tipo ng walangjo na Florentin noonpaman. Nang dahil sa kaniya naging man-hater ako. I reached the age of 28 nang hindi pa nagkakaroon ng boyfriend. Ewan ko ba, feeling ko napakapihikan ko. Madali rin akong mawalan ng gana lalo pa't matindi akong mag-observe ng mga behavior ng mga tao. Katiting na mali na makita ko, I considered them red flags agad. Kahit na sandamakpak pa sila ng appeal, kagwapuhan, yaman at may magandang career. Walang sibli ang mga 'to. Gaya na lang ng kaharap ko. Nakakasuya ang presensiya. G'wapo nga, mayaman, makisig, mala-adonis, mukhang yummy— Shit! Ano ba naman self? We hate this old man kaya kumalma ka. Nakalimutan mo na yata na itinatapon lang niya sa basurahan ang mga bento meals na gawa ng mabait mong step-mom dahil baka raw may lason o kaya gayuma. "Ma'am, we have a problem po." Medyo nagitla ako nang may mangalabit sa likod ko sabay ng pagsasalita nito. Narinig ko lang halos ang salitang problema ay naalarma na agad ako. I excused myself at iniwan na ang nakakainis na nilalang. Sumama ako sa kitchen manager upang alamin kung ano ang problemang tinutukoy niya. Abala ang lahat. Dinig na dinig sa labas ng kitchen ang mga utensils at ang tunog na nililikha ng mga wok at sandok na gamit ng mga chef sa loob. "We're out of seafood po. Iyong carrots and cabbages din po paubos na. Sa meats po, iyong beef, tatlong servings na lang po ang kaya for steak," anunsyo nito. Nasapo ko na lamang ang noo ko. I needed to think of where to get supplies in just a few hours. Mali rin naman namin dahil hindi kami aware na may event na magaganap. "Have you tried calling our suppliers if they can deliver today?" "I already did, Ma'am. Hindi na raw po p'wedeng mag-harvest ng lobsters ngayon dahil hindi pa sapat ang sukat for the market. About the vegetables sa Benguet, today raw po ang harvest day nila, but it would take so much time bago makarating sa location natin." "Can you ask anyone to go to the nearest market para bumili? Or if you have a contact sa palengke that we can ask?" Natataranta na kami pareho. "Wala po e," malungkot nitong sagot. "Wait, I will call Mom. Baka sakali lang," saad ko ng maalala ang mabait kong stepmother. I dialed her number on my phone. It was ringing pero walang sumagot. "Oh gosh! Nasa Zumba nga pala siya today." Muntik ko ng makalimutan. Hanggang alas onse ang zumba session nila ng mga kaibigan niya at may trenta minutos pa bago sila mag-break. "We don't have a choice, but to approach the customers and tell them to exchange their or—" "Hi! I'm very sorry for eavesdropping, but maybe I can help." Somebody interrupted us. Halos sabay kaming napalingon si Katya sa nagsalita at hindi ko maiwasang hindi itaas ang aking kilay ng makita kung sino.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
99.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
23.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
162.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook