Chapter 2

1248 Words
Rackie's Point of View "I can help you get supplies," saad ni Florentin habang nakangiti nang todo sa akin. Abot hanggang tainga ang ngiti habang labas ang mga mapuputi't pantay-pantay na mga ngipin animo'y modelo sa poster ng dental clinic. I blinked my eyes a few times hindi dahil nasisilaw ako sa ngipin niyang mapuputi. Iyon ay dahil hindi ako makapaniwala na nais niya kaming tulungan sa problemang mayroon kami. Isa pang dahilan, how he spoke and offer. Para bang nagbukas ang langit at ibinaba siya mula sa kalangitan. Isa siyang anghel nang araw na 'yon sa pananalita at sa nais na pagtulong pero nang ipaalala ng utak ko kung gaano ako ipinahiya ng gunggong noon sa mga kaibigan niya at itapon sa basurahan ang bento meal na ginawa ko para sa kaniya, napasinghap ako at mabilis na nag-iba ang itsura nito sa imahinasyon ko. Tinubuan na ng buntot at dalawang sungay. "Ma'am..." kalabit ni Katya sa akin nang bigla akong matigilan. I tried to soften my expression. Gusto kong malaman kung anong tulong ang kaya niyang inibigay o baka puro yabang lang. Kung hindi ko siya kilala na panay kahambugan noon, baka naramdaman ko agad ang sinseridad sa tulong na in-o-offer niya. "A-are you sure...sir? Nakakahiya naman pong makaabala," usal ko nang mahimasmasan na. "Yes, I'm sure," mabilis niyang sagot at kinindatan pa ako ng loko. Gusto ko siyang ngisian pero mukhang nagsasabi ito ng totoo at para patunayan, may idinial siyang numero sa kaniyang mamahaling brand ng cellphone at narinig kong tinawag niyang Pedro. Habang nag-uusap sila, hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Kay tagal na rin mula nang makita ko siya nang ganoon kalapit. Nagmukha na siyang matured. Sabagay, magkak'warenta na yata ang loko pero wala akong makitang suot na singsing sa kaniyang palasingsingan. Sabagay mukha naman talaga itong hindi nagseseryoso ng mga babae. Mabuti na lang talaga at nagawa ko siyang ma-uncrush noon. Sakit lang siguro ng ulo kapag nagkataon. He looked away at ibinulsa ang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa cellphone nito. Dumapo ang paningin ko sa kamay niyang nasa loob ng bulsa. May pagkahapit kasi ang suot niyang pang-ibaba at kitang-kita ang well-toned nitong mga hita at mas lalong lumitaw ang katambukan ng may katambukan na pwet niya. "Call Mr. Del Mundo to harvest lobsters and prawns. Ikuha niya rin ako ng crabs as soon as possible sa pond." Nahinto siya sa pagsasalita at pinukol ang mga mata sa akin. "Ilang kilo ba ang kailangan? P'wede na ba ang 100 kilos of 50 for each?" tanong nito sa akin. Kinalabit ako ni Katya. "Ma'am, hindi po magkakasya sa mga chest freezer natin ang ganoon karami. Puno pa po ang pinakamalaki ng mga seashells at isda at iilan lang po ang aquarium kung buhay pa pong darating ang mga 'yon." "Kaya nga..." sagot ko naman kay Katya at bumaling kay Florentin. "That's too much, Sir. 20 kilos each would be fine." Bahagya akong napakwenta ng halaga ng mga 'yon dahil hindi biro ang ganoon karami. Isama pa ang transportation. "Are you sure? Baka mamaya kulangin. If you need extra chest freezer, I can provide naman." Hindi ako masagot agad. May punto naman kasi siya. Baka magkulang nga sa dami ng mga tao na labas-pasok sa restaurant. May mga nag-takeout pa at nag-o-order online kaya dudang magkakasya ang estima ko." Napaisip ako. I need a quick answer dahil naghihintay siya. "50 each na ba?" Ayan na nga. Nagtanong na. Hindi makapaghintay. Nag-iisip pa nga ang tao. "I think that's more convenient for us now that we still don't have idea when will our supplier would deliver," sagot ko. Tumango siya at bumalik na sa kaniyang kausap. "I will send you the address." Nadinig kong sabi nito bago niya inilayo ang cellphone sa kaniyang tainga. He started typing on his phone and after a few seconds, calling another person. "Tell the men to go to all markets and buy available vegetables they could see. I need all those within 30 minutes and take those in this restaurant," anito na halos ikalaglag ng panga ko. Grabe ang ibinigay niyang oras sa inutusan niya. Hindi rin biro ang traffic papunta sa restaurant. Isama pa na may event kaya maraming sasakyan sa kalye. "Escuse me, but an hour would be fine. Okay lang na ma-late sila nang kaunti. We still have some ingredients pa naman inside." Hindi ko na natiis. Masyado naman kasi. Okay lang naman kahit hindi magmadali. "Don't worry, they will be fine," anito. I heard him whispered something, but he turned away at hindi ko nabasa sa mga labi niya kung ano 'yon, but I noticed something. He grinned na labis kong ipinagtaka kung bakit at para saan. I tried to erase that thought. Kailangan ko munang mag-focus sa problema ng restaurant. Kapag hindi nakaabot ang mga ingredients, tiyak napakaraming mga customers na naghihintay ang aalis kapag nalaman nilang wala kaming sapat na supply to cook all their orders. Sayang kung aalis sila. Hindi pa naman lagi na dinudumog kami ng mga tao. "Ma'am, magkano po kaya ang babayaran natin?" Muli akong kinalabit ni Katya. Mabuti na lang at ginawa niya at naitanong niya rin iyon dahil nawala na sa isip ko. May kausap ulit si Florentin sa kaniyang cellphone kaya hindi ko muna inistorbo ngunit nang matapos siya sa kaniyang kausap, he faced us again. "Don't mind it. It's on me." Bahagya akong nagulat. I didn't expect him to hear lalo na't halos pabulong lang sinabi ni Katya sa akin ang tungkol sa babayaran namin. Idadag pa na may kausap siya kanina. That guy was truly something. "Hindi naman po yata tama. Hindi biro ang halaga sa gulay pa lang, paano pa sa mga seafood...tapos nagpakuha ka pa ng helicopter to deliver the supplies to us. Ang mahal pa naman din ng fuel ngayon. We can pay, Sir," pagtanggi ko. Oo, nakarating sa tainga ko na ipapadala sa helicopter ang mga seafood para makarating nang mabilis. "I know. But I'm serious. It's on me. But to make you feel less obliged...baka it's okay na dito ako mag-lunch every day. I mean to reserve me a seat." That was too simple. Kaya naman naming maibigay ang pabor na 'yon. "At baka p'wede rin today. Okay na kung sa may island counter ako—" "No, my table sa office ko. You can use that table there." Halos sampalin ko ang sarili ko nang i-offer ko sa kaniya ang office ko knowing na may malaki pa itong atraso sa akin, but maybe it was best to set it aside. Just for that day dahil he saved our day. "Oh, great! Thank you!" bulalas niya at halos magningning ang mga mata. "Saka isa pa sana. Kung p'wede," habol nito na tila nahihiya. Napasulyap ako kay Katya. Medyo kinabahan ako sa gusto niyang hilingin. Hindi ko alam kung mapagbibigyan ko dahil baka mamaya hindi ko kayang gawin. Isa pa, kailangan din mag-ingat sa kaniya. Kilala pa naman womanizer ang loko noonpaman. "Naghihintay ng sagot, ma'am," bulong ni Katya sa akin. Kanina pa siya ganoon. Hiyang-hiya kay Florentin. Pinandilatan ko siya. Hindi ko pa alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Natatakot ako pero nandoon naman si Katya, kung anuman ang hilingin nito na hindi maganda dalawa kaming sisipa sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim bago siya nilingon. "Ano ho 'yon, Sir?" tanong ko at idiniin ang pagbigkas ng ho at Sir. "If its okay na sabayan mo na rin akong mag-lunch," nakangiting sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD