Florentin's Point of View
"I'm sorry, but I still have to assist my people. Ipapahanda ko pa rin ang lunch mo, Sir, but before that, let me take you to the office first."
Nabura ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang pagtanggi niya sa hiling ko. It felt like I got a slap on the face, but I tried to understand the current situation.
Totoo naman na she needed to assist her staffs dahil sa dami ng mga tao nang araw na 'yon. Punong-puno ang mga lamesa at marami ang nakapilila sa harapan ng counter to order and takeout.
I couldn't blame them. Masarap naman talaga ang mga pagkain at sa ilang ulit kong pagbalik roon ay hindi nag-iiba ang lasa. Para bang lahat nasa tamang sukat which was what I like, but there were something sa timpla na pamilyar sa akin lalo na 'yong Adobong Puti na nasa menu nila.
Yeah, Adobong Puti because walang toyo. I don't like the taste of soy sauce in my food kaya nagustuhan ko. Para ngang I already tasted that recipe before but I don't remember kung saan at kung sino ang luto. I tried asking our cook at home na ipagluto ako ng ganoon one time sa bahay pero hindi nila makuha ang timpla at ang cook namin na si Aling Lorna ay ang nakagisnan ko ng cook namin mula pa noon so I confirmed na hindi sa bahay.
Isa pang dahilan, there was something about her that I couldn't understand why I found so attractive. Ayaw ni Felicity na ibigay ang information ng kliyente niya dahil labag iyon sa patakaran ng agency niya kaya ako na ang gumawa ng paraan...pero paano nga ba ako umabot sa sitwasyon na 'to?
A weeks ago...
"S-Sir, your father called. He wanted you to meet an important client as soon as possible," anunsyo ng nauutal na si Pedro habang nakatayo sa harapan ng desk ko.
Plakadong-plakado na naman ang pagkakasuklay ng buhok nitong inubos na yata ang isang bote ng styling gel. Parang buhok ni Dr. Jose Rizal ang pagkakaayos. Panay na naman ang taas niya ng malaki niyang salamin na may makapal na lente.
Ewan ba rito. Hindi ko alam kung nabibigatan ba siya sa salamin o ano. Kasi ako parang oo.
Inalok ko na nga na magpa-lasik para hindi na siya nagsasalamin. Nakakairita kung tutuusin sa tuwing itinataas niya dahil napupunta sa dulo ng ilong niya. Nagmumukha tuloy matanda sa ayos ng loko samantalang mas matanda pa ako sa kaniya.
He was 33 and I am 39, turning 40 in two months. Yes, I know! Tumatanda na pero wala pang asawa! Alam ko na 'yan. Halos araw-araw akong kinukulit ng tatay ko tungkol sa bagay na 'yan kaya 'wag na ninyong ipaalala dahil wala rin naman kayong mapapala.
"And why so sudden? Sino ba ang dapat kong puntahan doon at mukhang hindi p'wedeng ipasabukas? May iba pang appointment today morning/hindi ba? You can't just move those without informing them beforehand." I told him while removing the coat I was wearing.
"Naisaayos ko na po ang mga 'yon, Sir. Inatras ko lang po nang kaunti ayon sa oras na gusto nila at wala naman pong naging problema," sagot nito. Nahinto ako sa pagtatanggal ng coat at napalingon sa kaniya. I saw how much he feared me lalo na kapag tungkol mga kliyente.
"Alright. May magagawa pa ba ako?" Hindi ko na tuluyang inalis ang coat na suot ko. "Give me the details," dugtong ko habang inaayos ang coat at necktie na bahagyang nagulo.
I drove to the place after getting everything I need to know about the client.
"Alcantara's Building," basa ko sa malaking mga letra na nasa taas ng front door ng sampung talampakang gusali.
That building was a rental place for small and big business na nangangaillangan ng mga extra office para sa mga empleyado nila. May mga unit na for residensial but iilan lang dahil mahal ang renta.
So if the person I would be meeting had a unit or an office sa gusaling 'yon, for sure na mapera. My destination was on the seventh floor. I used an elevator nang mapabilis ang pag-akyat.
I kept getting stares from people around na para bang ngayon lang nakakita ng g'wapo. Dahil mga babae karamihan, I made sure to give them my sweetest smile. Iyon bang ngiti na kahit magkape sila sila ng dark e hindi na nila kakailanganin pang mag-asukal.
Hindi ko rin naman sila masisisi dahil likas na agaw-pansin ang aking tikas, kagwapuhan at karisma sa mga kababaihan. I like the attentions I was getting dahil nakaka-boost ng self-confidence.
At my age and how I look, hindi mahirap para sa akin to aid my needs dahil ako na ang nilalapitan ng mga babae. Playboy na kung playboy sa tingin nila, ngunit mga kababaihan naman ang nagkakandaugaga at pumipila.
'I'm not the kind that would chase a woman. I like it when they chase and beg for my attention.'
Ngunit kahit na ganoon, hindi ako ang klase na basta na lamang papat*ng sa kung sino-sino. Kinikilala ko muna ang mga ito at tinitiyak na wala siyang makukuhang nakahahawang sakit mula sa mga ito at para makasiguro, I always bring protection.
Mahirap na. Kailangan natin ng armas sa tuwing sasabak sa gera. Wala rin naman akong plano na ikalat ang gandang lahi ko basta-basta.
Ding!
Bumukas na ang elevator. I gave a sweet smile sa tatlong kababaihan na nagbabanguhan na nakasabay ko bago sila iniwan. Napailing na lang ako nang may marinig na tumili sa loob bago tuluyang sumara ang pinto.
"Left door, sa dulo," sambit ko at naglakad patungo roon. Tinahak niya ang pasilyo hanggang sa makarating sa pinakadulo.
"Seryoso ba 'to?" Hindi ko alam kung matatawa o maiinis nang mapagtanto ko kung saan ako inutusan ng ama ko.
"C.A.M.A.? Nice name! I like being in my bed too," puri ko sa abbreviation ng nakapaskil na karatula sa dingding. It stands for Cupid's Arrow Matchmaking Agency at pagmamay-ari ng isang anak ng isang mayaman na pamilya na si Felicity Martincu.
I heard they have a daugther back then at dalawang anak na lalaki. Their family has a huge Engineering Firm while our's is a Real Estate. Quite a match dahil. We were in selling properties habang sila naman ay sa pagtatayo ng mga bahay at gusali.
But that won't erase my doubt kung bakit sa matchmaking agency ako pinapunta at hindi sa kompanya ng pamilya nila.
'Felicity sounds cute to me. I wonder if the owner was too. Something I would find out.' These were the thoughts sa utak ko when I knocked the door.
Isang babae ang nagbukas ng pinto. Hindi ko alam kung siya na ang pakay ko, but base on her features, hindi siya mukhang galing sa pamilya ng mga Martincu. They have a foreign blood at mukhang purong Filipina ang humarap sa akin.
"Mr. Generoso?" tanong ng babae.
"Yes, ako nga." mabilis kong sagot at binuksan niya na nang tuluyan ang pinto para sa akin.
"Pasok na po kayo sa opisina ni Boss," turan ng babae at itinuro ang opisinang kaniyang tinutukoy.
Dumiretso na ako after leaving her with a thank you at pagpasok ko, parang gusto ko na lang umalis agad dahil hindi ang babaeng inaasahan ko ang makikita ko sa loob.