Third-Person's Point of View
Nalukot ang mukha ni Florentin nang mapagtanto na hindi isang babae ang matchmaker. Lalo na nang marinig niya itong magsalita. Ang matinis nitong boses na inipit na inipit ang tunog ay parang nagpasakit ng kaniyang tainga.
"Have a seat, Mr. Generoso," alok sa kaniya nito sa isa sa mga upuan na nasa harapan ng desk ng matchmaker.
Humakbang na siya papasok sa loob at naupo. Nang malapit na siya ay doon niya naobserbahan ang mukha ng binabaeng matchmaker.
Mahaba ang buhok na naka-ponytail. Kulay blonde at makapal ang kaniyang kolorete sa mukha lalo na ang lipstick nitong mapula. Hindi maiwasang hindi mapangisi ni Florentin nang dumapo ang kaniyang paningin sa false eyelashes nito.
Kulang na lang ay lumipad siya sa tuwing kukurap ang kaniyang mga mata sa haba ng mga iyon.
"You don't seem to be confused why you are here," usal ng matchmaker na umagaw sa atensyon ni Florentin.
Isinandal ni Florentin ang kaniyang likod sa upuan bago sumagot. "To tell you the truth, I was skeptical the moment I saw the signboard outside your office, but I already have a clue why I'm here and I'm certain I'm not here for business."
"Well, to be honest with you, you're here for my service at tama ka, hindi ka naparito para alukin ako ng mga naglalakihang properties o para bumili sa akin ng malaking lupa to develop just like what you mostly do kaya naman kung interesado kang marinig kung ano ang maitutulong ko sa'yo, then let's proceed," mahabang sagot ni matchmaker na halos hindi huminga masabi lamang ang mga dapat sabihin.
"It will be a waste of time kung aalis na agad ko at kapag nalaman ng ama ko na hindi ko pinagbigyan ang gusto niya, tiyak na paliliguan na naman ako ng sermon pag-uwi ko mamaya sa bahay."
Nagpakawala ng pagak na tawa ang matchmaker nang marinig ang kaniyang sinabi. "Narinig ko na ang linya na 'yan. Maraming beses mula sa mga naging kliyente ko pero believe me, they are all happy now with the outcome after giving me their time." May pagmamayabang na turan ng matchmaker sa binata.
"Well, I heard you're famous for this field. Naging bukang-bibig ka na rin ng mga kilala kong business people. I just didn't know that you're not a—" nahinto siya at pinasadahan ito ng tingin. Nagdadalawang-isip kung dapat niya bang sabihin ngunit ang matchmaker na ang nagpatuloy.
"Yeah...I'm a gay. I'm not ashamed of that and I'm happy to help Cupid fix his failing job."
"I don't intend to offend, but to be known...you're quite that famous," saad ni Florentin upang mailayo ang paksa.
"I'm not that famous...Slight lang siguro," pagtanggi ng matchmaker na sinabayan ng pag-ipit ng mga hibla ng mahabang buhok na humarang sa kaniyang mukha sa likod ng kaniyang tainga. "Enough of this praises! Mabuti pang magsimula na tayo for what you came for here and to starts my name is Felicity Martincu and I am the founder of the first-ever matchmaking agency here in the Philippines!" Umayos na rin siya ng upo sabay dekwatro.
"Sa tingin ko naman kilala mo na 'ko, but I don't want to be rude. I'm Florentin Generoso, son of the great Don Florencio Francisco Generoso of the Generoso Real Estate Empire. My net worth is worth a billion—"
"Yeah, yeah! We're not here to brag about our worth, I know you're a rich son of a bish. May kahambungan ka rin pala kaya ka single. I should put that to my notes," sarkastikong awat ni Felicity sa kaniya habang nakataas ang kilay.
Napakadiretsahan nito kung magsalita at imbes na mainsulto ay natawa pa nga si Florentin dito, making him realized the matchmaker was not the typical gay person he usually encounter.
Naghalungkat na ito ng kaniyang mga records. "I have these files. You can scan them one by one and set aside those that caught your attentions. After that, I will set a day for you to meet them so we can proceed to the next step after," paliwanag ni Felicity habang inaabot ang mga folder na kinuha.
Sinunod naman ni Florentin ang sinabi niya. Binasa niya ang kaunting detalye at tinitigan ang mga litrato na naka-attached sa bawat pahina.
Nasa labing-apat na folder din sumatotal ang lahat ng iyon at wala ni isa sa kanila ang nakanakaw ng atensyon ng binata. They all have similarities. All women were from the rich families. Either anak o apo ng isang na business tycoon or isang politiko.
Lahat magaganda at magaganda ang katawan, but he was not in the mood that day to spot who would be the best among them. Karamihan lumaki na may ginintuang kutsara sa bibig gaya niya. May mga magagamdang propesyon pero walang kaagaw-agaw pansin sa kanila.
Ibinalik niya sa desk ang mga folder nang natapos. Kinunutan siya ng noo ng matchmaker dahil dito. "Are you sure? Kahit isa?" tanong ni Felicity.
"Yes, none of them," matabang nitong sagot.
"You're unbelievable," usal ni Felicity at itinabi muna ang mga folder bago nanguha ng notepad.
"Tell me...what are your typical kind of girl, your interests from physical looks, type of mindset and personality," ani Felicity habang isinusulat ang pangalan ni Florentin sa bandang itaas ng notepad upang hindi niya makalimutan kung kanino ang mga iyon.
"I want a woman na hindi demanding sa mga bagay-bagay. Hindi isyu sa kaniya ang mga makakita na may palingkis-lingkis na ibang babae sa akin. Hindi magagalit kung magpunta ako sa club para magparty habang napapalibutan ng naggagandahang dilag. I could have freedom to do what I want—
"Oh, gosh! Stop it!" Napahampas na lamang si Felicity sa lamesa sa mga narinig.
"Why? What's wrong?" May pag-aalinlangang tanong ni Florentin nang nakangisi.
"You! There is something wrong with you. Napaka-insensitive ng mga interest mo. Sa dami ko ng nakaharap ng kliyente. Oh my God! Kahit iyong mga napilitan lang na harapin ako, napakadisente ng mga sagot nila sa tanong ko, but you! Oh my Gosh talaga!" Napapaypay na lamang si Felicity ng sarili gamit ang mga kamay.
Tila ba tataas ang dugo niya sa kaharap nq binata. Para sa kaniya, hindi pa ito handa para lumagay sa tahimik gaya ng karamihan sa mga natulungan niya. Sa tingin pa niya, hindi matchmaker ang kailangan nito kundi isang doctor sa utak.
"I'm only answering your question. Ano'ng mali sa mga sinabi ko?"
"All of it!" malakas na sagot ni Felicity. Tumayo muna siya. Mukhang kailangan niya ng malamig na tubig.
Iniwan niya muna sa loob ng kaniyang opisina ang binata at nagtungo sa kanilang maliit na silid kung saan naroon ang isang ref na puno ng refreshment at snacks. Kumuha siya ng bottled water at uminom muna bago bumalik.
Ramdam niyang mahihirapan siya sa isang gaya ni Florentin ngunit naroon ang pakiramdam na na-cha-challenge siya sa maaring mangyari.
Bago pa makarating sa pinto na iniwanan niyang bukas, nakarinig siya ang pag-ring ng cellphone na hindi pamilyar ang tunog. Tumagal lamang ng ilang segundo.
Sa kaniyang pagpasok, nakita niyang nakalapat ang cellphone ni Florentin sa kaniyang kaliwang tainga. Nakaupo pa rin sa silya kung saan niya ito iniwan. Hindi muna siya pumasok. May kutob siyang si Don Florencio ang nasa kabilang linya at nakikibalita. Hinayaan niya muna ang dalawa na mag-usap at habang naroon nakatayo, kitang-kita ni Felicity kung paano hindi makasagot si Florentin habang nagsasalita ang kaniyang ama.
"Mukhang sinesermunan nanaman yata. Mabuti nga!," bulong niya habang natatawa.