bc

Edelweiss and the Four Kingdoms of Harmonia

book_age16+
390
FOLLOW
1.1K
READ
adventure
forbidden
reincarnation/transmigration
time-travel
royalty/noble
humorous
magical world
rebirth/reborn
special ability
model
like
intro-logo
Blurb

Paanong ang isang modelo ay kinailangang mamatay para muling mabuhay sa isang mundo na wala siyang alam kung saan? Lugar na ang mga tao ay kawagis niya at nagtataglay ng kondisyon na mula pagkabata ay naging dahilan ng kaniyang pamamalagi lamang sa loob ng kanilang bahay. Kondisyon na isang kapansanan para sa mga espesyalista na sa mundong kaniyang sunod na narating ay isang normal na bagay lamang. Sa mundong ito raw siya nabibilang at Edelweiss ang kaniyang ngalan.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Kumusta aking Edelweiss?” tanong ng isang magandang babae pagpasok pa lamang namin sa isang kubong nakakubli sa kakahuyan. Ang bata niyang tignan, samantalang ang sabi ni Adrian ay matanda na raw ang pupuntahan namin. “Sino po si Edelweiss?” usisa ng kasama kong binatilyo. Dadalawa lang naman kasi kami ni Adrian doon. Maliban na lang kung may iba siyang nakikita. “Ang kasama mo. Sino pa ba sa tingin mo? Hindi naman ikaw si Edelweiss hindi ba?” sarkastikong sagot ng babae. Nasupalpal si Adrian doon at hindi na nakasagot. "Kumusta pala si Alana?" dagdag ng babae habang nakabaling pa rin kay Adrian. "Sino naman po si Alana?" kunot noong usisa ni Adrian. Umaktong nagulat ang babae sa naging sagot sa kaniya. Maarteng napatakip ng bibig at napaatras sa pagkabigla. Acting lang halata. Pagkatapos kasi ay bigla itong tumawa. “Naku! Wala bang balita ang hari? Hindi ba naikukuwento sa iyo ng iyong ama ang tungkol sa kaniya?" tanong ni Solana kay Adrian habang panay ang galaw ng kamay na parang may hinahampas-hampas ang hangin. Kita sa kaniyang mukha ang pagtataka. Hindi ko naman kilala ang mga pangalang nabanggit niya at mukhang pati si Adrian ay gulong-gulo rin nang mga oras na iyon base sa ekspresyon sa kaniyang mukha. “Paumanhin po pero hindi ko talaga siya kilala,” ani Adrian at napayuko na lang dahil sa takot kung paano siya tignan ng babaeng ang pangalan daw ay Solana. Nakita ko ang ngisi sa labi ng babae at ako naman ang sunod niyang binalingan. Nabura ang ngiti sa mga labi niya at magiliw niya akong nilapitan. “Masaya akong makita kang muli Edelweiss," aniya habang palapit “Hindi po Edelweiss ang pangalan ko, James po," pagtatama ko. “Hindi ka si James, ikaw si Edelweiss,” kaniya namang sabi. “Hindi nga po, ako si James at hindi si Edelweiss,” ulit ko. Tinignan niya ‘ko nang masama at bilang nagtayuan ang mga balahibo ko. Titig na diretso sa mga mata at mukhang tagos sa kaluluwa. “Ikaw si Edelweiss, hindi ka si James!” pagalit niyang wika habang hindi inaalis ang matalim na titig sa akin. Ang kulit lang e, 'no? “Hindi na ho, Ako si Ja- “Manahimik!”sigaw niya sa mukha ko. Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sinaksakan niya ng tela ang bibig ko. Agad kong inalis nang may malasahang kakaiba at nang tignan ay halos mapasuka nang makitang basahan pala iyon at mukhang ipinunas sa kung saan-saan dahil sa kulay at sa mga mantsang natuyo na. Patakbo akong lumabas ng kubo at naghanap ng tubig. Narinig ko siyang malakas na tumatawa mula sa loob ngunit hindi ko na binigyan ng labis na pansin. Nakakita ako ng maliit na balon. Mukhang malinis naman ang tubig dahil malinaw iyon. Doon ako sumalok gamit ang dalawang kamay upang makapagmumog at maalis ang lasang hindi ko maintindihan. Meeeeee! Meeheeeee! Meeeee! Nadinig kong ingay mula sa aking tabi at nang lingunin, nakita ko ang apat na kambing na umiinom sa maliit na balon kung saan ako nanguha ng tubig na pinangmumog at muntik ko na rin mainom. Agad kong ibinuga ang tubig na nasa loob pa ng bibig ko. Nilapitan ako ni Adrian at inabutan ng sisidlang kawayan. Malinis daw ang laman ngunit hindi ko agad pinaniwalaan. Wala akong sinabi ngunit mukhang nahulaan niya naman at para mawala ang pagdududa ko, siya ang unang uminom sa sisidlan. Doon ko lang kinuha sa kamay niya at muling nagmumog gamit ang lamang nitong tubig. "Tapos na ba kayo riyan? Tinatawag na kayong dalawa ng aking maestra,” tanong ng babaeng sumalubong sa amin kanina at mukhang iritable sa aming presensya. Hindi agad kami nakasagot kaya nagpamewang ito sa harap namin. "Bilisan ninyo dahil baka hindi n'yo na malaman ang sagot sa ipinunta ninyo rito," mataray na sabi ng babaeng mukhang hindi nalalayo ang edad sa akin. "Dalian mo na." Siko ni Adrian sa akin. Pinanghilamos ko sa mukha ko ang natirang laman ng sisidlan at nang matapos ay pumasok kaming muli sa kubo at nadatnan ang naghihintay na si Solana. Seryoso ang mukha nito habang nakaupo sa isang silyang kahoy. Lumingon siya sa gawi namin at hinintay kaming makalapit bago nag-umpisang magkuwento ng mga nalalaman niya tungkol sa akin. Ako nga raw si Edelweiss at ako'y kaniyang pamangkin. Ikinuwento niya ang love story ng sinasabi niyang tunay ko raw mga magulang at nang umabot na siya sa kasalukuyan, isang katotohanan ang tumatak sa aking isipan at nawalan ng importansiya ang karamihan. Ang pagkamatay ko ay sinadya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
44.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
248.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook