bc

Hidden Desire Series #6 The Billionaire's Gem

book_age16+
1.5K
FOLLOW
10.2K
READ
billionaire
independent
confident
twisted
sweet
bxg
small town
enimies to lovers
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Isang bilyonaryo na minahan ang negosyo at isang aktibista na pagpoprotekta sa kalikasan ang trabaho. Lalaking mailap sa tao, ayaw ng ingay at mapag-isa ang laging gusto. Babaeng maingay, palaban, may matinding prinsipyo at handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng maraming tao.

Ano na lamang ang mangyayari kung magkakatagpo ang dalawang ito? Matinding bangayan at komprontasyon ito sigurado.

Dalawang taong may magkaibang mundo at ipinaglalabang prinsipyo. Isang kondisyon na may nakatago palang matinding kadahilanan ang sa mundo nilang ginagalawan ay makapagbabago.

Hindi ba't sa lupa nahahanap ang kayamanan? Bakit ang isa sa kanila ay hindi sa lupa makikita ang matagal na niyang hangad na kayamanan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Giovanni's Point of View "Mukhang hindi sila titigil, ilang araw na silang pabalik-balik dito," Puna ni Amir na may bahid nang pag-aalala sa kaniyang boses habang tinatanaw ang mga tao di kalayuan sa saradong bintana ng sasakyan. "Hayaan mo na sila. Mauubos din ang mga pera ng mga iyan sa kapipiyansa. Ilang beses na ba silang naglabas-masok sa kulungan ngayong linggo? Have you noticed their numbers are increasing as days passes? Just wait and see, none will come back here again and my business will strart smoothly," may ngisi kong sagot habang pinapanood ang mga tao na di alintana ang malakas na buhos ng ulan habang isinisigaw ang kanilang ipinaglalaban. I paid so much para sa minahang ito. Hindi ko aaksayahin ang malaking halagang iyon para lang sa mga taong iyan na balang-araw naman ay papakinabangan din ang mga mineral na mahuhukay sa kanilang kabundukan. Paano ko ba sila mapapaalis? Baka pera lang ang kailangan ng mga ito ngunit kung iyon nga ay dapat ko munang hintayin na magipit na sila para wala silang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang kapalit ng pananahimik nila at paghinto nila sa panggugulo rito. Ramdam ko ang awa sa boses ni Amir sa tuwing mapupuna niya ang mga nag-ra-rally. Nabili ko na ang malaking parte ng bundok kaya wala silang karapatang pahintuin ang anumang gusto kong gawin dahil akin na ito ngayon, nabili ko na. Kung tutuusin nga sila ang dapat na umalis, trespassing sila at wala silang permit na mag-rally. Ako ba ang lumalabag sa batas? Hindi naman. Kaya wala silang karapatan na pahintuin ang mga tauhan ko sa kani-kanilang mga trabaho dahil lang sa takot nila sa puwedeng mangyari sa kanilang lugar sa hinaharap. Kaya walang progress sa lugar nila dahil mas narami ang satsat kesa sa gawa at kuntento na sila sa payak na buhay kahit mayroon pa silang ikauunlad. Besides, this mountain is mine already. I paid and I have all to documents to proof. Kaya may karapatan akong gawin ang nais ko. Hindi na lang sila mag-rally sa harap ng munisipyo niya. Ang mayor naman nila ang siyang nag-alok mismo sa akin na kanilang bundok na lamang ang bilhin ko dahil kailangan nila ng malaking pondo. Advance na nga ang binayad ko sa buwis para lamang dito at sa palagay ko'y hindi alam ng mga ito kung sino ang totoong may sungay rito. Tumataas ang dugo ko sa mga ito. Matitigas ang ulo. "Let's go home. We're just stressing ourselves here," matabang kong utos sa driver at agad naman nitong sinunod. Ini-start na nito ang sasakyan at mabilis na nilagpasan ang mga taong nakikibaka kahit may malakas na ulan. "Nag-aaksaya lang sila ng pagod at mga laway sa kakasigaw, mali sila ng lugar na pinuntahan," bulong ko sarili nang makalayo na kami ng tuluyan. "Mister Mayor texted, parating na raw ang request mong mga pulis," wika ni Amir habang binabasa ang mensaheng kararating lang sa kaniyang. "Good," akin namang sagot. ***** Alessia's Point of View "Alessia umuwi ka na! Walang mangyayari sa ginagawa ninyo! Magkakasakit ka lang!" Masakit sa tainga ang boses niyang kay lakas kaya naman inilayo ko sa ang hawak kong cellphone dahil masakit sa pandinig. Pilit niya akong pinauuwi. Iwan ko na lang daw ang mga kasama ko rito kung ayaw pa nilang umalis. Hindi naman pupwde iyon. "Uuwi rin ako Kuya, pero kapag napalabas na namin at nakausap personal ang dapat naming makausap," sagot ko naman kahit nanginginig na sa lamig sa silong ng maliit na tent na dala namin. Basang-basa na ako ng ulan at maputla na ang mga kamay pati labi dahil sa tagal na nakatayo't naghihintay sa labas ng bagong bukas na minahan. Ayaw kaming labasin ng sinasabi nilang may-ari. Naduduwag siguro harapin ang mga taong naririto. Sinisimulan na nila ang pagmimina kahit maulan at may nagbabadyang bagyo. Kapag nagkataong tumama sa lugar mismo namin ang malakas na bagyong parating ay tiyak na matatabunan ng mga putik at mga kabahayan sa paaanan ng bundok na ito, kasama na ang mga bukirin at ang malinis na ilog ay mapupuno ng putik. Hindi man lamang naiisip ng may-ari ang kaligtasan ng mga mamamayan at pati na rin ang mga tauhan niyang nasa loob ng minahan. Walang puso! Kaya dapat lang na mapasara ang minahan na ito. Hindi lamang kalikasan ang sinisira niya, pati mga buhay na rin ng mga tao ngayon at sa mga taon pang darating. "Alessia! Makinig ka naman sa akin!" Galit na si kuya. Nakaligtaan kong nasa kabilang linya pa pala siya at narito ako natulala na sa inis sa nakabili ng bundok na ito. Nasa loob lang ng ziplock ang cellphone ko kaya hindi nababasa at kahit medyo kulob na sa loob ay ang lakas pa rin at dinig na dinig ko ang bawat sigaw niya. "Uuwi rin ako pagkatapos namin dito," ulit ko lang ng sagot ko na medyo naiirita na rin dahil wala man lang magawa si kuya para sa problemang ito. "Hindi kayo matatapos d'yan sinasabi ko na sa iyo! Papunta na mga pulis diyan para hulihin kayo. Ilang beses ka na ba nakulong dahil sa kalulitan mo? Walang magagawa ang rally niyo sa kapangyarihan at pera ng mga nasa taas na kinakalaban niyo! Makinig ka naman sa akin! Umuwi ka na pakiusap naman," sermon niya at may halo ng ring pagmamakaawa. Ilang beses ko na ba narinig ang mga katagang iyon? Marami na. Pero hindi ako naniniwala na wala kaming magagawa para sa mga kababayan namin. Sinesermonan man ako ni Kuya pero alam kong nag-aalala lang siya at ramdam ko sa huling mga salitang binigkas niya. "Opo, uuwi na ko," pagsisinungaling ko na lang dahil wala pa akong balak umuwi talaga pero dahil sinabi niyang parating nanaman ang mga pulis at tiyak na may masasaktan nanaman sa mga kasamahan ko'y mabuti pang ipabukas na lamang namin ito. Pinutol ko na ang tawag at mabilis na nilapitan ang coordinator namin. Sinabi kong papunta na ang mga pulis upang huliin at paalisin kami kaya nang nagmadali na ang lahat sa paghahakot ng mga gamit. Bago sumakay at nilisan ang lugar ay muli kong tinanaw ang mataas na bakod na yero na siyang pinalibot nila sa bundok. "Giovanni Romanov, magkakaharap din tayo," matapang kong usal sa aking isipan. ***** Third-person's POV "Thanks for coming, Miss Hernandez!" magiliw na bati ni Giovanni sa dalagang kararating. Pinukulan siya nang masamang tingin ng kararating na dalaga ngunit hindi niya maitago ang kaniyang kaba. Tila naestatwa nang marinig muli ang boses ng binatang bilyonaryo na sa pangalawang pagkakataon niya pa lamang makakaharap. Nakaiilang ang paraan nito ng pagtitig sa kaniya. Nahuli niyang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang may kaunting ngisi sa kaniyang mga labi. Nakangisi si Giovanni dahil aalala niya ang ginawa nitong pageeskandalo at lihim siyang natatawa dahil sa nasaksihan niyang katapangan nito. "A-Ano bang kailangan mo sa akin at pinapunta mo ako rito?" diretsahan niyang tanong kahit naiilang at kita naman dahil siya pa ay nautal. Nahihiya rin siya dahil sa ginawa niyang noong isang araw ngunit kahit ganoon ay ayaw niyang ipakita na magpapatinag siya sa binata. "Why don't you take a sit first and let's discuss that while we enjoy the dinner that will be serve in a minute?" kaswal na usal ng binata at tumayo pa mula sa kaniyang kinauupuan upang ipahila ng silya si Alessia. Mas lalong tumalim ang tingin ang dalaga sa kaniya. Magkasalubong ang kilay at halos magkaabot na. Nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa binata na inabot mismo sa kaniya ng matandang kaniyang pinagkamalan na si Giovanni Romanov. Ang tunay ay kaharap na niya at niyayaya siyang saluhan siya sa hapunan. Natatakot at kinakabahan man ay kaniya nang pinaunlakan. Naupo siya sa silyang hinila nito at nang mailapat niya ang kaniyang puwetan ay saka lamang ito bumalik sa kaniyang kinauupuan. Sumenyas siya ay may isang lalaking lumabas mula sa dilim. May dala itong bote ng wine at sinalinan ang dalawang kopita na nasa lamesa. Agad umalis pagkatapos. Sumimsim ang binata sa kaniyang kopita at ang dalaga naman ay matamang nakatingin lang sa lalaking nasa kaniyang tapat lamang nakaupo. Kan'yang pinag-aaralan ang kilos nito dahil nahihiwagaan siya kung bakit siya inimbitahan ng binata sa lugar na iyon. Hindi na siya makatiis kaya tinanong niya ulit kung ano ba ang kailangan nito sa kaniya. Giovanni found her amusing dahil napaka-straightforward at kahit ramdam niya ang kaunting takot sa dalaga ay hindi naman ito nagpapatalo roon. "I have an offer for you," "Offer? Anong offer?" "Yes, an offer than I know you wouldn't say no." Confident na confident si Giovanni nang kaniyang sabihin ito. Napangisi si Alessia bigla dahil doon at nang sabihin na ni Giovanni ang offer na kaniyang tinutukoy ay halos malaglag ang panga niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook