Pretzel's POV Natulog sa may sahig si Felicity. Hindi na siya nag-inarte pa dahil iyon daw ang bilin ni Kuya niya. Huwag daw siyang tatabi sa'kin kahit na pilitin ko raw siya. Iyon ang sabi niya bago kami natulog ngunit nang madaling-araw na ay naalimpungatan ako dahil pinausog niya ako sa gilid dahil makikihiga raw siya. Masakit daw sa likod ang higaan niya. Huwag ko raw isipin na may gagawin siya sa'kin dahil habambuhay niya raw niyang pandidirihan sarili kapag nagkataon. Grabe lang ano? Bigla ko tuloy naisip kung sakaling siya ang kasama ko noong gabing iyon hindi ako mabubuntis at walang asungot na aaligid-aligid. Siguro tinulak niya ako at nabagok ulo ko sa sahig o di kaya naman ay nasapak niya ako. Haha. Sa laki niyang bakla baka nga. Naisip ko rin naman kung hindi nangyari iyon