Felix's POV Muling kong nakita ang doktor na nakasabay ko kanina, mukhang galing sa kantina dahil sa dala nitong pagkain na nakalagay sa plato at tinakpan lang ng clean wrap. Papunta ito sa direksyon kung nasaan ako kaya naman pasimple akong tumalikod at kunwaring may tinetext sa aking cellphone hanggang sa lumagpas ito. Wala pa akong namataan na kamag-anak o sinumang malapit kay Pretzel sa ilang minuto kong paghihintay. Nag-aabang ng taong konektado kay Pretzel upang tunay kong makumpirma na naroon na nga ang dalaga at nakabalik na sa Maynila. Nilingon ko kung saan papunta ang doktor, akala ko ay didiretso ng lakad dahil may opisina sa pinakadulo ng pasilyo ngunit huminto ito, sa mismong ng silid kung saan nakaconfine ang kapangalan ni Pretzel. Kumatok siya, at maya-maya'y may nagbu