Third-person's POV Naiwang nakatulala at nakanganga ang dalawa sa biglaang pagsigaw at pag-walkout ni Pretzel. Ang bilis at bibigat ng bawat hakbang nito at halos bumaon sa buhangin ang mga paa. Hindi na niya nilingon ang dalawang naiwan sa bahay dahil naiinis siya ng sobra. Pakiramdam niya lahat na lang pinapakialaman ni Felix. Pati ang simple at maliit niyang bahay ay gusto niya pang baguhin. Pakiramdam niya rin nilait siya nito kanina nang sabihin nitong delikado ang bahay niya kapag naglindol. "Ano naman kung engineer siya!? Kailangan ba pati bahay ng may bahay pakialaman niya!?" Sigaw ni Pretzel habang nagmamartsa. Inis na inis talaga siya at nanggigigil kay Felix, gusto niyang balikan upang sagut-sagutin kaya lang mas minabuti na niya lang na lumayo dahil baka masapak niya at sa