Sa lakas ng pagkakabunggo ni Pretzel sa nasalubong ay nawalan siya ng balanse't mabilis na napaupo sahig. Naramdaman niyang unang pagtama ng puwetan sa semento. "Oh Gosh! I'm so sorry!" Tili ng kanyang nakabungguan. Mabilis niyang nilapitan ang dalagang nakasalampak parin sa sahig at hawak ang parte ng katawan na nasaktan. Inabot ni Felicity ang kamay niya rito upang tulungang tumayo. Walang dalawang isip namang humawak ang dalaga sa kamay na inaabot sa kanya't bahagya itong hinila upang maitayo siya. Nadinig ni Felicity ang mahinang pag-aray nito nang makatayo na ito ng tuluyan. "May masakit ba? Dalhin kita sa doktor." Natatarantang tanong ni Felicity sa kanya nang makita niya itong hindi makatayo ng diretso. Mukhang hindi pa siya nakilala nito at parang wala siya sa sarili. Mugt