Chapter 9

1893 Words
Mabilis kaming bumaba at pumunta sa kusina. Nakita ko si Ate Sak don kasama si kuya habang nag uusap sa harapan ni daddy. Tumingin sila samin at nauna na kaming lumapit kay kuya para halikan to sa pisnge at ganon din kay daddy. Ngumiti lang sakin si Ate Sai saka tumingin kay kuya. Alam ko naman na papayag sila kahit ano mang yari. Hindi naman kasi namin pababayaan ang kan'yang anak. Bakit ko naman pababayaan ang mga mata? Mahal na mahal ko ang mga pamangkin ko. "Mag iingat kayo ha?" tumango ako kay kuya. "Ikaw Storm? Wala kang iuuwi na kulang jan. Pwede mong dagdagan pero mag kulang? Hindi pwede." Tumawa si daddy at Ate Sai habang ako ay nakakunot ang noo. "Ano 'yon?" tumingin ako kay Storm na kagat kagat ang kanyang labi na mukang nag pipigil tumawa. Tumawa din ang dalawa habang ako ay nakakunot pa rin ang noo. Hindi ko maintindihan kaya naman umirap na lang ako at tumalikod don. Lalong lumabas ang tawa at narinig ko ang maingay na takbo ni Regan sabay hawak sa kamay ko. Nang makarating kami sa mall ay agad sumigaw ng malakas si Renj kaya agad tinakpan ni Storm ang bibig nito. Tumawa lang ito ng malakas ng maialis ni Storm ang kamay sa bibig nito kaya natawa na din kami. Nakakatuwa talaga ang mga batang 'to. "Play house!" Pumalakpak pa ito at saka nag lakad na kami papunta don. Tahimik akong nakatingin sa buong paligid habang hawak hawak ko si Regan. Napahinto muna ako sandali sa isang botique at papasok sana ako pero agad ako hinila ni Regan. "Tita naman. We're going there!" turo nya sa playhouse at tumingin ako kay Storm. "Sama muna kayo kay Tito Storm nyo. May titignan lang ako, ha?" bumusangot ito kaya naman bahagya ako natawa. "Sige na. Susunod ako sandali. Alagaan mo si Renj ha?" tumango nalang ito bilang nya. Tumingin ako kay Storm at lumapit sa kanya para bigyan ng halik sa pisnge. "Ibaba ko na lang muna ang mga bata don tapos pupun---" "Kaya ko na dito. Ako na lang pupunta sa inyo." agad na putol ko dito. Pero mukang ayaw n'ya. Bakit ba ayaw na ayaw n'ya ako nawawala sa paningin n'ya? Wala naman akong gagawin na iba ha? "Mahigpit naman ang s---" "Storm." Napabuntong hininga ito at mabilis ako hinalikan sa noo. Pinauna nila ako pumasok bago sila umalis. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil halatang takot s'ya sa akin at sumuko na lang bigla. Pumunta agad ako sa isang dress na itim na may white na guhit sa gilid. Hanggang ilalim ng tuhod to at para lang ito sa pambahay. "Bagay sa'yo yan." napatingin ako sa gilid ko at bahagya pang nagulat ng makita ko si Storm Nicholas. Simula kasi nang yare ang gabing 'yon ay di na nya talaga ako kinausap. Kahit mag kasalubong kami ay di nya ko tinitignan kaya naman nakakagulat talagang pinansin n'ya ko. Kinuha nya ang isang kulay pula at saka tinapat sakin. "I like this color. Ang ganda ng kutis mo at mas mangingibabaw ang kinis mo kung puro dark ang sinusuot mo." napatango ako. "Pink is better." sagot ko sa kanya at ngumiti s'ya sakin. Walang tatalo sa Pink na kulay. Light punk, Old rose or many more. "Girly stuffs." umirap ako sa kanya at ngumiti na lang din. "Yeah. Nasanay na kasi." sagot ko pa. "Saka normal lang naman sa babae magustuhan ang ganong kulay." sagot ko pa dito. "Sabagay." kinuha ko 'yung napili n'ya sakin at saka pumunta pa ko sa iba. Nakasunod lang sya sa likod ko habang nag iikot sa botique. "Here." Napahinto ako at saka may kinuha syang dress na light pink na nagustuhan ko. "May taste ka pala mamili ha." tumawa sya ng mahina. "Madalas ko kasi samahan dito si mommy sa botique n'ya." kumunot ang noo ko. "Botique ni Mommy 'to. At madalas din ako mamili ng regalo sa mga babae kong pinsan." napatango ako. Hindi ko maiwasan humanga sa kan'ya. I like those men who likes to pick a dress for their women, like mom, sister, cousins or whatever. "Cool." natawa sya ng mahina. "Si kuya kasi madalas ko kasama sa shopping. Pag talaga nag aya ako agad sya susunod kasi mahal na mahal n'ya daw ako. Pero pag pinsan ko? Wala. Mga tumatakas pa 'yan." natatawa ako sa mga naalala ko pag inaaya ko sila Kuya Davin minsan naman sila Kuya Simon. "Nandito ako. Pwede mong gawing taga bit bit." umiling ako. "Sweetie, nakalimutan mo 'yung card k---" Napatingin agad ako kay Storm na seryosong nakatingin ngayon samin. Hawak hawak ni Storm Nicholas ang isang light pink na dress. Lumayo ako ng kaunti kay Storm Nicholas at agad ito umayos ng tayo. "S-Storm." Hindi ko alam kung bakit ako guilty and i want to explain agad agad kahit wala naman kami ginagawa. Lumapit ako sa kanya pero ang mga mata nya ay na kay Storm Nicholas pa rin. Hinawakan ko na ang braso nito kaya naman nalipat ang tingin n'ya sakin. "Kaya ba nag paiwan ka dito kasi mag kikita kayo?" mapait na sabi nya. Hindi agad ako nakapag salita. Tumingin ako sa muka nya. Nakaguhit don ang sakit at di ko alam pero pati ako nasasaktan. "S-Storm..." mahinang tawag ko dito. "You dating him behind my back?" mabilis ako umiling. "N-No." "Then, bakit sya nandito kasama mo?!" napalakas ang boses n'ya na nag bigay sakin ng takot. Sakit at galit ang nakaguhit sa muka n'ya. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako dahil don. Mas lalo akong nasaktan ng bigla syang tumalikod sakin at iniwan ako mag isa. Nanginginig ang katawan ko sabay non ang pag iinit ng sulok ng mga mata ko. "Rhaine." Hindi ko pinansin si Storm Nicholas. Binitiwan ko ang dress na hawak ko at saka lumabas don. Tuloy tuloy ako nag lakad hanggang sa makapunta ako ng play house. Nandon sya pero may kausap syang dalawang babae na mukang kinikilig. Nakita ko ang pag angat ng labi n'ya habang kausap ang dalawang 'yon. "Tita Rhaine!" malalas na sigaw ng mga mata sa pangalan ko. Ang sakit pala. Napalingon s'ya sakin dahil sa malakas na tawag nila Renj at Regan. Pero agad sya nag iwas ng tingin at muli binaling ang mata sa dalawang babaeng kausap nya. Huminga ako ng malalim at napairap lang. Hindi dapat ganito. Mali, hindi dapat. Kung ayaw nya ko pansinin? Edi huwag. Bahala sya. Lumapit ako kela Regan na may hawak ng pag kain. Hinalikan ko silang pareho sa labi at ngumiti ng makatotohanan. "Tita tita! Let's play there?" Pumunta ako sa entrance. "Pwede ko ba samahan ang dalawa kong pamangkin?" turo ko sa dalawang bata. "Tita make it faster!" sigaw ni Regan. Kaya naman pumasok ako. Buti na lang wala akong dalag bag. Nilabas ko ang cellphone ko at nikunan ang dalawa na nag tatalon. "Say cheese!" "I don't like cheese!" sabay nilang sabi kaya natawa ako. "Renj loves chocolate! Choco choco!" Tinago ko ang cellphone ko at binuhat si Renj. Pinang gigilan ko ang pisnge nito at nag lakad kami sa swing at inupo ko sya. Kinabit ko ang seatblet na nandon at saka tinulak ito ng mahina. "Lakas tita!" Pinipigilan ko ang sarili kong mapatingin sa pwesto ni Storm. Hindi ko alam kung may kausap pa sya o wala pero umaakto ako ng walang pakielam. Wala akong ginagawang masamang maaring makasakit sa kanya. Kung ayaw nya marinig ang side ko? Wala na kong magagawa. Kahit masakit sakin na nakikita syang nasasaktan. Sana hinayaan nya muna ako mag explain. Nang magutom na ang mga bata ay saka ko sya tinignan. Iba naman ngayon ang kausap n'ya. Binuhat ko na si Renj at si Regan naman ay humawak na sa kamay ko. Ako na din nag bayad sa mga bata at saka pumunta sa kanya na ngayon ay nakikipag usap parin sa mga babae. "Nagugutom na ang mga bata." biglang sabi ko dito. Hindi ko alam bakit naiinis ako. Nag seselos ba ako? No. I am not. Hindi dapat ako mag selos. Napatingin sila sakin. Tumaas ang kilay ng isang babae at tinignan ako mula ulo hanggang pa. Tinaasan ko s'ya ng kilay at saka umirap sya sakin. Kaya napairap nalang din ako sa kanya. "Jabibi!" Sumama si Renj kay Storm. "Jabibi na! Renj wants jabibi!" nakangiting aya ng pamangkin ko dito. "So? Later?" napatingin ako sa babae at kumunot ang noo ko. "Sure. See you later." nakangiting tugon ni Storm dito. Hindi ko alam kung bakit nag iinit ang dugo ko sa kanila. Pero pinigilan ko ang sarili ko na sumabat bangkus ngumiti ako sa kanila. May date yata silang dalawa mamaya. So? Dapat di ako mangielam. Pero bakit ganon? Gusto ko sabihin sa kanya na wag nalang pumunta pero walang lumalabas sa bibig ko? Dapat diba hayaan ko sya para mag ka girlfriend sya? Hindi naman totoo kasi sinabi nya sakin noong gabing 'yon. He likes me, really? Sinungaling. If ever na mag karoon s'ya ng girlfriend ay mag hahanap na din ako ng boyfriend. "Let's go, Regan." Nauna na kaming umalis don. "Sige, text kita later." May kung ano tumutusok sa kaliwang dibdib ko pero binaliwala ko. Nag pahila ako kay Regan papunta sa jollibee at agad kaming pumila na dalawa. "Tita maraming fries po. Saka bili din tayo sundae for Snow and Shaw saka sa other counsins ko." tumango ako sa kanya at hinalikan ang noo n'ya. "Ako na jan. Mag hanap na kayo ng upuan." tumingin ako kay Storm saka tumango na lang. Kinuha ko sa kanya si Renj at saka nag hanap na kami ng upuan. Doon ko napili sa upuan parang sofa. Inumupo ko si Regan sa mesa si Renj naman ay tumayo sa sofa saka pinunasan ang laway ng kapatid nya. Hinalikan n'ya ito sa pisnge. "Tita di ka seselos kanina sa girl na kasama ni tito Storm?" napatingin ako kay Regan sa sinabi nya. "May date sila later. Di ka seselos?" natawa ako ng mahina at di pinakita na naapektuhan ako. "Nope. Ba't ako mag seselos?" Saka selos ba ang tawag sa nararamdaman ko? Hindi ko alam kung selos ba 'to o ano. Naiinis at naiirita ako sa kanila at may konting sakit sa dibdib pero di ko naman pinapansin. Selos ba ang ganitong pakiramdam? "Kasi gusto mo sya." umiling ako dito ay bahagyang natawa para lang makita nito na wala lang sa akin 'yun. "Hay nako, Regan. Manahimik ka na lang, okay?" "Ehh, di ka talaga nag seselos?" "Alam mo kasi. Kung gusto n'ya makipag date? Labas na ko don. I will support him. Kung ano gusto n'ya dapat suportahan ko sya." bumusangot 'to sakin. "Pero sabi ni Snow nanaginip daw sya na ikakasal kayo! Ngayon pa lang mag kakamali si Snow, Tita!" nagulat ako sa pag sigaw nya. "Lahat ng kinukwento sakin ni Snow nagiging totoo!" "Regan, enough." natahimik ito. "Umupo ka na ng maayos." Umupo nga ito at tumingin ako kay Renj na ngayon ay naiiyak. "Hindi galit si Tita, okay?" tumango 'to sakin at niyakap ako. "Tito Storm! Here!" Napatingin na kami kay Storm na may hawak hawak na tray na may take out. Tumingin sya sakin pero agad din sya nag iwas ng tingin. Binuhat ko na si Renj paalis sa mesa at umupo na ko. Umupo sya sa tapat ko at saka binaba ang pag kaing 'yon. "Take out sa mga bata 'di ba? Sa mag pipinsan?" "Yup po." sagot ni Regan dito. Pinunasan ko ang laway ni Renj na tumutulo saka binuhat sa paupo sa mesa. "Tito may date ka later?" nagulat ako sa tanong ni Regan at nag panggap ng wala akong pake sa pinag uusapan nila. "Yup." "Ahhhhhhh. Di ba gusto mo si tita ba't nag de date ka ng ibang girl." tumingin ako kay Regan saka nito tinikom ang bibig at dumukdok. Mukang alam n'ya ang dapat n'yang gawin. Sinabi ko sa kan'ya na wag na wag s'ya mangingielam sa mga matatanda. At dapat hayaan n'ya ang mga 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD