Chapter 8

1875 Words
After that incindent. Naging mas sweet sakin ni Storm, hindi na namin pinag usapan ang gabing 'yon dahil alam namin pareho na baka mailang ako. Maybe i'm brat pero may pakiramdam din naman ako. Mas lalong n'ya ko binibigyan ng oras kesa sa pag aaral n'ya na minsan na naming pinag talunan. Para bang takot na takot s'ya na lumapit sa akin si Storm Nicholas. Hindi ko alam na ganito ang nararamdaman n'ya sa akin para matakot s'ya ng ganito. Kahit naman harap harapan ko na binasted si Stom Nicholas. Storm Nicholas is fine for me. He's great, hindi tulad ng mga pinsan ko noon na babaero. Seryoso sya sa pag aaral at seryoso s'ya maging isang Architect. Hindi kami nakapag usap since that time and i think it's okay naman 'yon. Dahil ayokong makita si Storm Callan na nag aalala at nasasaktan. Hindi ko kasi kaya na nag aalala ng gano'n sa akin si Storm. Takot lagi at kaya siguro wala din lumalapit sa akin dahil sa kan'ya. Kahit naman hindi ko alamin ay halata naman sa kan'ya. Pero ayos lang sa akin. Pero 'yung nararamdaman n'ya? Hindi ko alam ano sasabihin mo. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong sagot sa kan'ya. Hindi naman n'ya ako minamadali at para bang ayos lang sa kan'ya. December is near at nararamdaman ko na din ang malamig na simoy ng hangin. At konting buwan na lang ay uuwi na si Anjoe kasama ang kanyang mag ina. "NO! NO!" Napatingin ako sababa at di ko maiwasan mapangiti ng makita kong nag hahabulan sila Mommy kasama si Regan and Renj. Panay ang sigaw ni Renj ng No dahil sa natataya sya. Dahil nga mabagal syang tumakbo ay napapaupo na lang sya at umiiyak. Lalapit sa kanya ang kapatid nya at don nya matataya ito. Tusong bata. Bata pa lang pero alam na kung paano mag laro ng madumi. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri at saka nag lakad paalis don. Dumiretso ako papunta sa kwarto ko at agad binagsak ang katawan ko. Bigla naman bukas ang pinto na 'to at pumasok si daddy na nakaboxer at sando lang. "Wala kang gala?" "Wala po." tamad na sagot ko. Lumapit s'ya sakin at saka umupo sa kama ko. Nilihis nya ang mga tikas na buhok na humaharang sa muka ko. "Hmmm... I heard na binusted mo si Storm Nicholas?" Ngumuso ako dito. I heard pa? Kanino n'ya ba malalaman edi sa kapatid ko or kay Mommy kahit hindi naman n'ya nakita ang ginawa ko. Chismoso oa naman si Kuya pag dating sa akin. "Hmmm. Ewan ko." tumawa ito ng mahina. "Hindi ka pa ba handang mag karoon ng lalake sa buhay mo?" umirap ako at saka umupo. "Hindi ka pa nag kakaboy friend. Excited pa na manan kong makita kang umiiyak dahil sa isang lalake." Umirap lang ako kay daddy pero di ko parin mapigilan mapangiti. "Hindi naman siguro ako iiyak, Daddy. Ayokong umiyak dahil sa lalake no!" sagot ko sa kan'ya. "Hindi mo 'yan masasabi." nakangiting sagot n'ya sa akin. Alam ko naman ay hindi ko alam kung ano mang yayari sa akin sa pag dating ng araw na 'yun. Bumalik ako sa pag kahiga at sya naman ay hinalikan ako sa noo. "Labas na ko ha?" tango lamang ang naisagot ko sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dadating nga ba sa puntong iiyak ako para sa lalake. Hindi ko nakikita ang sarili ko na mabaliw. Oo, nandon ako ng umiyak si Raj, Si Simon, Si Davin, Si Anjoe. Nandon ako, nandon ako at nakita ko kung paano sila nabaliw ng sobra. Lalake sila pero umiiyak sila dahil sa babaeng minamahal nilang babae. Kahit anong sama o pagka babaero nila Kuya Simon at Kuya Davin ay nasasaktan din sila once na mag mahal sila. Hindi pa ko nag kakagusto sa isang lalake. I never been inlove. Crush, oo? Pero ang mainlove? Hindi pa. Pero dumating sa point na natatakot ako. Like Sai, she was great. Napakatapang n'yang babae at nilabanan ang lahat ng sakit. Naging malakas sya sa kabila ng lahat ng ginawa nya kuya at pinatawad na nya pa 'to. Ako? Hindi ko na siguro mapapatawad ang lalake kung ganon ang ginawa sakin. Pero s'ya nagawa n'ya dahil mahal na mahal n'ya si Kuya. Hindi s'ya nag dalawang isip na mag latawad dito. Dahil nga sa sobrang pag mamahal nila? Napapatawad nila ang mga taong nananakit sa kanila. Napadilat ako ng mata ng bumukas ang pinto. Nakita ko si Storm na nakangiti sakin. Sinarado n'ya ang pinto ng kwarto ko at pumunta sa kama ko. Inalis nya ang kanyang suot na tshirt at pantalon. Mabilis ko iniwas ang tingin ko at naramdaman kong sumampa na sya. Mabilis nya ko niyakap mula sa tagliran ko at hinalikan ang pisnge ko. Bahagya ko nilayo ang muka ko pero nilapit n'ya din ang kan'ya. "Hmmmm... Hindi mo ata ako inaaya mag shopping ngayon?" "Marami ng nabili si Kuya na damit for me. May binili din si daddy kaya di na ko muna mag aaya. Saka naawa na ko dahil nag mumuka ka ng body guard ko." natawa sya sa tenga ko na nag pa tindig ng balahibo ko. Napailing ako dito. May nararamdaman ako, pero hindi ko mapaliwanag. Nag sisimula ba ako makaramdam sa kan'ya. Lumapat ang kamay n'ya sa tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Hindi naman ako ganito noong mag tatabi kami matulog. Normal lang para sakin pero iba ngayon. Lahat ng galaw nya ay nag bibigay sakin ng ibang pakiramdam. Komportable ako pero iba kasi dating. Bumibilis t***k ng puso ko, ganon? "Wala ba kayong lakad ng mga kaibigan mo?" i asked him. I never met his friends pero ang alam ko kilala ako ng kaibigan nya pero kahit isang beses wala syang pinakilala sakin. Madalas nyang iwan ang kaibigan nya parang samahan ako. Mga nakangiti ito habang nakatingin sa amin na para bang may mga alam na hindi ko alam. Ayaw n'ya din ako pakilala sa kanila at naiinis s'ya. "Hindi ako sumama." Napatingin ako sa kanya at nag tama agad ang mga ilong namin. Nag katitigan kami at nilayo ko ng kaunti ang ulo ko saka nag salita. "Bakit?" umiling lang sya at dumapo ang kanyang kamay sa pisnge ko. Hinila nya ko papalapit sa kanya. Walang espasyo natira sa gitna namin. Sinubsob ko ang muka ko sa bandang leeg n'ya at pinatong naman n'ya ang kanyang binti sa hita ko. Amoy na amoy ko ngayon ang kanyang mabangong pabango na madalas kong hanapin. "Let's date?" aya n'ya sa akin. "Ayoko. Tinatamad nga ako umalis e." natawa ang sya ng mahina sakin. "Halata nga. Your mom told me na hinatiran ka lang ng breakfast mo dito dahil ayaw mong bumaba." Nilapat ko ang kamay ko sa kanyang braso at nagulat ako ng nagulat sya. Inangat ko ang mata ko at nakita ko ang pag lunok nya dahil sa simpleng hawak ko sa braso n'ya. Kaya naman agad ko inalis 'yon at saka na lang sinubsob ang muka ko sa kanyang dibdib. Nagulat din ako dahil sa malakas at mabilis na t***k ng puso nito. Hindi ko pinansin 'yon at mas lalo kong dinikit ang katawan ko sa kanya hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako dahil pakiramdam ko may gumuguhit sa muka ko. Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at bumukad sakin si Renj na tumutulo ang laway habang si Regan naman ay nag vivideo. Tumulo ang laway ni Renj sa pisnge ko kaya ngumiwi ako. "Yuck!" inis na sabi ko dito. Tumawa sila ng malakas at napaupo ako. Tumingin ako kay Storm na ngayon ay inaayos ang kwarto ko at hindi man pinigilan ang mga bata sa ginagawa sakin. Nakita ko din may hawak si Renj na pental pen kaya naman mabilis ako pumasok sa cr. Puro bilog na gulogulo ang guhit sa muka ko. Napairap na lang ako at sinimulan ko na mag hilamos hanggang sa matanggal 'to. Lumabas ako ng cr at saka pumunta sa mag kapatid na nilalaro na ni Storm. "Sabi ni daddy saka nila tito pag daw si Snow po ang nag salita totoo daw po. Sya din po nag sabi na si Tita Mistake po ang makakatuluyan ni Tito Anjoe na nag katotoo. Pati po si Tita Trice at Davin sinabi din po 'yun. Kaya for sure po kaya na po mag kakatuluyan ni Tita Rhaine kasi sinabi ni Snow." "Regan." bawal ko dito. Napatingin sila sakin. Bumaba si Regan sa kama at saka pumunta sakin. Mabilis ko syang binuhat at saka hinalikan sa pisnge. Pinunasan ko ang laway na tumutulo sa kanya at inupo sa kama. "Tita, alis tayo. Want ko mall." sigaw nito na kinatuwa ko sa kan'ya. "Mall!" sigaw ni Renj na tumatalon talon. "Okay, we're going mall!" masayang sabi ko kaya naman niyakap ako ng mahigpit ng dalawa. Tumingin ako kay Storm saka ngumiti. "Punta na kayo kay Tito Storm nyo. Pabihis kayo at ako mag hahanda na." Tumayo si Renj at pumunta kay Storm. Ako naman ay pumunta sa closet ko para mag hanap ng susuotin. Tinignan ko ang pwedeng suotin hanggang sa madapo ang mata ko sa isang Crop top sleeveless na may maong na jacket. Hinanap ko ang ripped jeans ko at saka lumabas ng closet para ipakita 'yun kay storm. Pero wala na sya sa kwarto ko. Nilapag ko na lang 'yon sa kama ko at pumasok sa cr. Sinimulan ko na agad maligo. Hindi naman ako mag tatagal dahil naligo na ko kanina. Nang matapos ako ay lumabas ako ng naka tapis lang ng tuwalya. Nakita ko ang tatlo na nakahanda na. Tumingin ako kay Storm na nakatitig sakin. Tumalikod ako at tinignan ang susuotin ko. Hindi naman pinalitan ni Storm 'yon so ibig sabihin ayos lang sa kanya na suotin ko to. Pumasok ako sa closet at don na ko nag bihis. Nang matapos ako mag ayos ay lumabas na ko. Sinuklay ko ng sinuklay ang buhok ko habang umuupo ako sa harapan ng salamin. Hawak hawak na ni Storm ang blower at suklay para patuyuin ang buhok ko. Habang nilalagyan ko ng light make up ang muka ko ay si Storm naman ay busy sa pag papatuyo ng buhok ko. Nang matapos ako at hinayaan ko ng basa 'yon. Binuhat na ni Storm si Renj at hinawakan ko naman si Regan na pormang porma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD