"Do you think that's funny?" i asked her.
Kanina ko pa s'ya napapansin na tumatawa habang nakatingin sa isang babae na sa tingin ko ay scholar. She's laughing with her friends habang nakatingin sa babaeng ngayon ay hiyang hiya. Nang tumingin ako sa babaeng 'yun ay tahimik lang s'ya habang nakayuko. She's beautiful, yes, i admit. She's pathetic, kasi hindi man n'ya kayang ipag tanggol ang sarili n'ya.
Bakit ba may mga ganitong tao? Mahihina at walang confident sa sarili para maipag tanggol ang sarili? Ako? Hindi ako papayag na apak apakan nila. Ako mismo ang makalalaban nila.
Pero etong babaeng 'to? Ilang beses na ba na- bully? Hindi man kayang protektahan ang sarili.
Unlike, Ate Sai. She's brave and beautiful enough. She can protect herself. That's why i love her. SHe's great and strong.
She is now my sister in law and i am happy with that. I have newphews now. She is a great mother also. Kaya naman mahal na mahal ni Kuya 'to.
Tumingin ulit ako sa tatlong babae. They are looked pale and i don't know why. I'm just asking them.
Ganito ba ako nakakatakot? Nag tatanong pa lang biglang mamumutla? Wala naman dapat ikatakot dahil wala naman akong gagawin na masama sa kanila.
Nag tatanong lang ako sa kanila pero mukang takot na takot agad sila.
"What? Are you gonna ignore my question?" i asked them, again.
"Sweetie, what's happening?" tumingin ako kay Storm na ngayon ay kasama ang mga kaibigan na ka team n'ya din sa basketball.
Ngumiti ako dito habang nakatingin sa akin.
Inayos ko ang buhok ko at saka tumingin ulit sa tatlong babaeng nasa harapan ko.
"I'm just asking them. I think nambubully sila." he smiled at me na para bang proud.
Hindi ko alam bakit napapangiti ako sa reaksyon n'ya.
Kasi naman noon wala akong pakielam sa mga nabubully. Minsan nga tumutulong pa ko sa pang aaway pero dahil mabait si Storm? Ayun, sya na nasusunod hanggang sa nasanay ako. He teach me how to use my powers 'kuno'.
Parang tanga lang. Pag mayaman ka? May kapangyarihan ka that's why world is unfair because of those people na mukang pera at walang pake sa Justice System ng bansa.
"You think? You're not sure?" hindi pa 'to makapaniwala sa akin
I pointed that girl na nakayuko at mukang maiiyak na. "I see."
Lumapit s'ya sakin at pinadaus dos agad ang kanyang kamay sa bewang ko. Napatingin sila sa ginawa ni Storm sakin. "W-We're sorry." i rolled my eyes.
Sorry? Bakit sa akin? Bakit hindi sa babaeng sinasaktan nito.
"You should have say that to her, not me." tumango sila at saka humarap sa babaeng 'yun.
"I-I'm sorry."
Isa isa silang humarap dito para mang hingi ng tawad.
Tumalikod ako at saka pumunta sa upuan ko. I saw another Storm. He's with his friends, too. Nag tagpo ang aming mga tingin at saka ngumiti. Tumango lang ako at saka umupo sa upuan ko. Nandon parin ang mga gamit ko at sinimulan ko ng buklatin ang notes kong kanina ko pang binabasa.
"Have you eaten?" he asked.
Nanuot agad ang kanyang amoy sa ilong ko. Umupo s'ya sa tabi ko at saka nilihis ang tikas ng buhok ko. "Uuwi tayo ng sabay samin? O sa inyo?"
"I don't know. Kung ano maisipan ko." totoong sagot ko at saka tumingin sa kanya.
Malapad ang ngiti n'ya habang nakatingin sakin. Umirap ako sa kanya at saka n'ya hinilig ang ulo n'ya sakin. "Kumain ka na."
Hindi ko s'ya sinagot. Alam kong nakauwi na sila Mommy kanina at tatlong araw na din ako natutulog kela Storm. Pinapagalitan ako ni kuya pero wala naman syang magawa. Ate Sai is on my side. Mas nasusunod ito kesa sa kanya and she trust me so much.
Saka wala naman kaming ginagawang masama ni Storm pero kung umarte ng ganon wagas.
"Here, Storm."
Napatingin ako sa lalakeng kaibigan ni Storm. May dalawang styro itong nilapag sa harapan namin and i think those are my foods. Hindi ko 'yun pinansin at si Storm ang nag ayos non. Binuksan n'ya 'yon at saka inayos habang nag babasa ako.
"Come on, Sweetie. Hindi kita lulubayan hanggang di ka kumakain."
Hindi ko parin s'ya pinansin. Maya maya ay naramdaman ko na ang platic na spoon sa gilid ng labi ko. Iniwas ko ang muka ko pero hinawakan nya ang baba ko para lumingon sa kanya.
"Come on! You have to eat. Di sayo bagay ang sobrang payat!" i rolled my eyes at saka binuka ko ang bibig ko. "Good girl. May bibigay ako sa'yo mamaya."
Hindi ako nag salita. Lahat ng sinusubo n'ya sakin ay tinatanggap ko hanggang sa matapos kami kumain. Sinarado ko ang notes ko saka uminom ng tubig na binigay n'ya na alam kong ininunam na n'ya.
Nang matapos kaming kumain ay namahinga lang ako sandali. "Sweetie..."
"Hmmmm..."
"Nakauwi na pala mommy mo. Tinanong ka n'ya sakin." tumango lang ako sa kanya. "Sabihin ko daw kung samin ka matutulog o hindi."
"So? What did you say?" i asked him.
"Tatanungin pa kita."
"Kela mama at papa ako pupunta." sagot ko sa kanya.
"Can i sleep there, too?" tumango lang ako bilang sagot.
Kilala naman sya ng lahat ng pamilya ko. Nagalit pa nga si kuya kasi akala n'ya boyfriend ko. Tinawanan lang sya ni Storm at di sila makapaniwala na may kaibigan ako bukod sa kanila. Si Sakenah lang nakakaalam because she's my bestfriend. Sya unang nakakilala kay Storm before kuya. Sya din nakakaalam at saka si kuya tungkol sa kaibigan kong babaeng ginamit ako.
Dahil nga sa kating kati si Storm makilala ang mga pamilya ko ay sya na mismo pumunta sa mansyon. Hindi ko alam kung san sya nakakuha ng lakas ng loob para gawin 'yon. He's different. Kahit muntik na sya mabugbog ay tinawanan n'ya lang si Kuya at mga pinsan namin.
Mabuti na na lang hindi napuruhan. l
Kung di ko pa sabihin na kaibigan ko sya dahil hinahabol sya ng security namin papasok dahil bigla bigla na lang pumapasok. He also kissed my cheeks infront of them, s**t!
Inayos ko ang buhok ko at saka tumingin sa relo ko. Nakita kong mag sisimula na ang first period ko sa tanghali. Tumayo na ko at napatingin s'ya sakin. Kinuha ko ang bag ko at saka iniwan s'ya don ng walang paalam.
Dire diretso akong nag lalakad papunta sa subject ko at ng makarating ako don ay agad akong pumasok sa loob. Natahimik ang buong ka blockmate ko at saka umupo sa pangatlong row sa dulo kung nasan ang bintana.
"Sila ata ni Storm Callan."
"Baka. Simula Hs diba? Mag kasama sila. They are really sweet." rinig ko na bulungan pa nila.
"Yeah. May hatid sundo tapos kiss pa. Imposible ngang hindi sila."
Napabuntong hininga ako. Ilang beses na ba kaming pinag kakamalan na kami kahit hindi naman? Noong una naiinis ako pero hanggang sa masanay ako. Wala na kaming pinapansin ni Storm basta kami masaya.
Napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng mag ring ang phone ko sa gitna ng klase. Mabilis kong kinuha 'yon saka tumayo. Tumingin ako sa prof ko at saka ako napabuntong hininga ako.
"Can i take this call? It's mama?" dahan dahan itong tumango at dire diretso akong lumabas.
Wala din naman s'yang choice kung hindi sumunod. Isa ako sa anak na may ari kaya takot din tumanggi pero kailangan ko pa rin mag paalam dahil baka magalit si Storm.
Dami kong natutunan kay Storm.
"Ma..." salubong ko agad.
"I miss you. Hindi mo ba pupuntahan si mama dito?"
Napangiti na lang ako ng bigla. I love her so much. Kahit di n'ya kaming totoong apo, mahal na mahal n'ya talaga kami. Pantay ang turing n'ya samin, walang mataas, walang mababa. Tatanungin n'ya kami kung ano gusto namin.
"Ma, plano na po namin ni Storm na pumunta d'yan mamaya." nakangiting sagot ko. "Missed me?"
"Ofcourse! It's been week. Matanda na ko, kung pwede lang dito na lang kayo munang lahat hanggang sa mawala ako." natahimik ako dahil don.
"Ma... ano ba sinasabi mo jan?" medyo inis ang boses ko.
"Wala. Basta pumunta kayo dito ha? Pinapunta ko na din mga pinsan at kapatid mo." huminga ako ng malalim.
"I love you, Ma. See you later."
"I love you, too, brat."
Natawa ako ng mahina at saka pinatay ang tawag. Pumasok na ko sa loob ng room at dumiretso sa aking upuan. Nag simula na muling mag discuss ang prof ko at ng matapos ang klase ay agad ako lumabas.
Dire diretso ako paalis don. Tumingin ako sa relo ko at nakikita kong mag aalas tres na ng hapon. 8 to 3 lang kasi ang nasa Sched ko pareho kami ni Storm. Nilabas ko ang phone ko at nag dadalawang isip ako kung itetext ko ba s'ya o hindi. Kasi laging si Storm ang unang gagawa ng hakbang para saming dalawa.
Pinag pasyahan ko na lang pumunta sa bench na malapit sa parking lot kung san ako madalas. Binaba ko agad ang bag ko saka nilabas ko ang isang notes ko para mag basa. Pero maya maya lang ay may umupo sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang isang Storm Nicholas.
"Busy? Madalas ka ata mag basa." tumango lang ako sa kanya.
Hindi na s'ya nag salita. Sinarado ko na ang notes ko at saka tumingin sa mga estudyanteng nag lalakad sa harapan namin na nag iiwas ng tingin at iba pasulyap palang at nag bubulungan na. Nag kibit balikat ako sa kanila at saka inayos ko ang gamit ko.
"Kayo ba ni Storm Callan?" napatingin ako sa kanya. "Madalas kasi kayong usap usapan dito."
Nagulat ako sa tanong n'ya pero agad din ako umayos.
"Should i answer your question?" seryosong tanong ko.
Tinitigan n'ya ko saka dahan dahan syang tumango. "We're not together. We're bestfriends." tumitig s'ya sakin at saka tumango.
Iniwas ko ang tingin ko at saktong nakita ko si Storm Callan na nakakunot ang noo habang nakatingin sakin. Sinalubong ko ang tingin nito at lumipat ang tingin n'ya kay Storm Nicholas. Kinuha ko na ang gamit ko at akmang aalis ako ay hinawakan ni Storm Nicholas ang waist ko na kinagulat ko.
Tumingin ako sa kanya. "Can i date you?"
"W-What?" gulat na gulat ako dahil sa sinabi n'ya.
Bago pa to makasagot ay may malakas ng humila sakin sabay non ay tumama ang muka ko sa dibdib ni Storm. Bumaba agad ang kamay nito sa bewang ko at saka nag salita.
"You can't date her." seryoso at matigas na sabi nito.
"And why? She's not yours. You're just his bestfriend. So, what's wrong if i date her?"
Biglang kumalabog ang puso ko dahil don sabay non ang malakas na t***k ni Storm. Lalong lumalabas ang t***k nito. Hindi ko alam kung ano nang yayare pero gusto ko marinig ang sagot ni Storm. Ngayon lang ako nag karoon ng pake sa sasabihin n'ya.
"Because i said so."