"Matagal pa ba 'yan?" Napairap ako dahil pang ilan tawag at tanong na 'to ni Storm. Start ng party ay Seven thirty pero andito pa rin kami sa girls room ng mga pinsan ko at inaayusan. May sari sarili kaming make up artist kaya hindi na hassle. Ngayon pa lang ako inaayusan dahil pinauna ko si Zireya at Zideya. Sa make up artist ko sila pinaayusan kesa mag hire pa kami ng iba. Sanay naman kaming lahat na nahuhuli. Nag i start ito kahit wala kami at 'yun ang kinaiinisan namin. Pero ayaw naman ni Papa na ma delay dahil lang sa amin. Kaya wala din naman kaming choice lahat. "You look so good Zireya. Mas maganda ka pa sa ate mo." hindi ako pinansin nito. "Thank you, Ate Rhaine." Nahihiyang sambit nito na kinatuwa. Sana lang nag anak pa sila mom and dad para naman may bunso kami. Nakakainis