Nang mapagod kami ay nag paalam na kami kela daddy na pupunta sa table. Halos yumakap na ito sakin habang nag lalakad kami. Imbis na mahiya ako ay natawa na lang ako sa sobrang clingy na 'to. Hindi kasi sya pinapasok kahapon at kanina din dahil bawal daw kami mag kita. Napag tripan lang s'ya ng mga pinsan at kapatid ko. Awang awa ako dahil ang stay pa 'to sa Garden. Kaya tinawagan ko na lang s'ya na umuwi dahil mag kikita din kami. Pumayag ito kahit sobrang sama ng loob. Tawa ng tawa talaga ang mga gago kong pinsan at kapatid habang pinanonood si Storm na malungkot. Nakakabwisit. Lalo na si Kuya Raj. S'ya ang pasimuno ng lahat ng nang yayari kaya bakit gano'n si Storm. Umuwi na parang talunan. Akala mo ikakasal kami at bawal kami mag kita. Kahit si Mama at papa ay nakisakay sa pang