Bago pa kami maipit sa traffic ay mabilis ding nakaaalis ang sasakyan niya. Hindi na ako magtataka kung mamaya o pagbaba namin ay may mga pulis nang nakasunod sa amin. "Race? What about Gerald? How do you get to know him?" Nawala na ang takot ko sa kung sinumang lalaki sa mall. Ang pinag-aalala ko ngayon ay ang galit sa mga mata niya. Mariin ang pagkakahawak niya sa manibela na tila ba may gagawin iyong masama sa kanya sa oras na bitawan. "No. How do you get to know him? Why is he doing this?" Malalim siyang hamugot ng hininga bago ako sinulyapan. Pinakawalan niya ang manibela sa isang kamay at inabot ang kamay ko sa aking hita. "Martin recognized him as one of the guys who cornered you. He's working with Laderas. If your suitor has something to do with this—" "Hindi iyon gagawin ni Dre