Hindi ko alam kung paano ako nanapayag nito na kumain nang sabay. Nakakainis! Tapos panay pa ang halik sa akin kanina. Sasabihin bang masarap daw? I know! Sa Dami kong nahalikan?
"Alam ko? Sa dami ba naman nakatikim?" nakangiting sagot ko dito at nawala ang kan'yang ngiti.
One point for you, Lana.
"At sisiguraduhin kang hindi ka na mahahalikan nila." natawa ako nang mahina sa kan'ya.
"Hindi mo ako hawak, Tian. I can do anything and no one can stop me even you." madiin na sabi ko sa kan'ya at naunang lumabas sa elevator.
Nakangiti ako habang nag lalakad at pumasok na naman sa isipan ko na wala nga pala ako sasakyan! Napapikit ako at nakakainis lang ng sobra.
Huminga ako nang malalim. Hinila ako nito na kinagulat ko kaya nag dikit ang katawan namin.
"Ano ba?!" naiinis na bulong ko dito.
"Dito kasi daan."
Dahil sa tinginan nang mga tao ay wala na akong nagawa kung hindi sumama sa kan'ya. Pinasok n'ya ako sa loob ng kan'yang sasakyan. Huminga ako nang malalim kaya naupo na lang sa kan'yang sasakyan. Umikot 'to pakabili at agad nag drive.
Panay ang irap ko dito pero s'ya ay nakangisi lang.
"Tama na kakairap! Isa pa, hahalikan talaga kita!" inis na inis ko s'yang tinignan. Hindi ko s'ya gusto makasabay kumain pero nagugutom na ako. Hindi ako nakakain kanina nang maayos dahil nandoon s'ya at 'yon ang nakakairita.
"Grabe! Miss ko talaga mga irap mo at mga gan'yang tingin mo."
Talaga bang iniinis n'ya ako? Sa tingin n'ya ba natutuwa ako? Pero kung makikita n'ya akong naiinis ay baka mas lalo s'yang matuwa.
Hindi ko na lang s'ya pinansin. "Where do you want to eat?" he asked. "In our favorite resto?"
Wala akong oras para makipag usap sa kan'ya. Ang gusto ko ay umalis, kumain na para matapos na ang usapan namin para makalayo na ako sa kan'ya. Pero talagang mukhang hindi s'ya nauubusan nang salita. Hindi ko maintindihan at bakit kailangan n'ya pa lumapit sa akin.
Kaya naman nakarating kami doon ay nauna na akong bumaba. Mabilis din s'ya bumaba at hinabol n'ya ko.
"Reservation, sir, ma'am?"
"Yes, for Lana Alvarez." agad ko s'yang tinignan sa sobrang inis ko pero nakangiti s'ya.
"This way, sir."
Inis na inis ko s'yang tinignan. Pinag hila pa ako nito nang upuan at agad naupo. Huminga ako nang malalim. Gusto ko na matapos at konting tiis na lang.
Agad ako umorder. "Pakibilisan please. Gutom na ako." sagot ko sa kan'ya at mabilis din umorder si Tian.
Tahimik lang ako sa upuan at hindi ako tumingin.
"Hindi na ba gaganda mood mo sa akin?"
"Nagugutom ako. Wag mo ako kausapin." tumikhim 'to.
"Oo. Hindi ka dapat kausapin dahil nagiging tigre ka dahil sa gutom ka."
Gusto ko s'ya sigawan pero nanahimik na lang ako. Huminga ako nang malalim at saka pinakalma sarili ko.
Dumating na ang pag kain at agad ako nag simula.
Tahimik kaming dalawa ngayon na kumakain. Kahit ilang beses ko s'ya tanggihan na ayaw ko s'ya kasabay ay hindi n'ya ko pinakakawalan. Kaya eto ako? Tahimik na kumakain habang nag iisip kung paano s'ya tatakasan.
Kailangan ko makatakas sa gagong 'to. Panigurado pag katapos nito? Wala pa rin. Alam kong ipipilit n'ya na ihatid ako sa trabaho at paniguradong susunduin n'ya din ako mamaya.
Kung sakaling uuwi ako? Hindi ko na s'ya makikita '!9v
Wala din naman sinabi sa 'kin si Kuya Jin kung ano dapat gawin. Gusto ko ng umuwi, or kahit saan na lang mag punta basta wala si Tian.
Ayoko s'ya makasama, ayoko s'ya makita.
Naiirita ako hindi ko alam bakit mainit dugo ko sa kan'ya. Parang ayoko s'ya makita araw araw pero mukhang wala na akong nagagawa doon.
Kaya naman ng matapos kami kumain ay nag bayad na s'ya. Nilapit n'ya ang upuan n'ya sa 'kin na kinairap ko. Naramdaman ko naman ang kanyang kamay sa balikat ko.
Napapikit ako sa inis! Hindi ba talaga s'ya lulubay ? At ang hilig n'ya sa ganito.
Kanina ang mga halik n'ya. That was our real first kiss. Hindi ko aakalain na ganon kalakas ang epekto sa akin non. Parang sasabog ang puso ko habang sinasalubong ko ang kanyang mga halik. Halos hindi mo mapigilan ang sarili ko, hindi ko na kontrol ang sarili ko.
Gumanti ako sa kan'yang halik. Miss ko, sobrang miss na miss ko. Pero kailangan ko pigilan ang sarili ko. Hindi pwede ganito, baka mawala lang ulit ang binuo ko.
"Baby girl..." inalis ko ang kamay n'ya sa balikat ko.
"Pwede ba, Tian? Lumayo layo ka sa akin." imbis na lumayo s'ya at dumikit pa s'ya sa 'kin lalo.
Hindi ko alam ano ba talaga kailangan n'ya sa akin. Ano bang talaga kailangan n'ya ha?
"Bakit ba tulak ka ng tulak? Hindi ka ba napapagod?" umirap lang ako sa kanya.
Kaysa mag tagal kami sa gano'ng pwesto ay napagpasyahan ko na lang na tumayo at mag lakad palayo doon. Alam kong naman susunod s'ya.
Gan'yan naman s'ya. Mahilig mag paasa, mahilig mang iwan, mahilig gumawa nang move pero hindi naman kayang panindigan. Kaya dapat? Alam ko na gagawin ko. Dapat alam ko na kontrolin at alam ko na mang yayari sa akin kung sakaling mahulog pa ako sa kan'ya.
Agad ko naramdaman ang kanyang kamay sa bewang ko. Hinila n'ya ko para kas mapalapit sa kanya.
Ang daming magagandang ala ala kasama s'ya na gusto ko na lang ibaon sa limot. Hindi ko maintindihan bakit ang dali n'ya ko iwan noon kahit handa naman ako mag hintay sa kanya? Handa akong mag hintay kung kailan s'ya magkakaroon ng oras para sa 'kin?
Tian is my first love.
Kahit noon pa man, kahit ilang beses nila sabihin na puppy love 'yun ay alam ko sa sarili ko mahal ko talaga s'ya.
Pero ano? Hindi s'ya naniwala? Tapos babalik s'ya at ganito gagawin n'ya? Parang gago lang. Hindi ko alam anong problema n'ya sa akin.
He rejected me years ago and now!
Ewan ko, ang gulo.
Malapit lang sa isang mall ang kinainan namin. Kaya naman pumasok kami don, hindi para mag libot kung hindi para takasan s'ya. Pero paano?
Inalis ko ang kamay n'ya sa bewang ko. Pumasok ako sa watson para tumingin ng mga make ups, nakasunod lang ito sa 'kin.
"Tian, matagal ako dito. Doon ka muna sa gilid " he shooked his head.
Gusto ko na talaga s'yang takasan pero ayaw n'ya talagang lumayo sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi hayaan s'yang sumunod sa 'kin.
Lumabas ako sa watson na walang naibili.
"Wala ka bang nagustuhan?" he asked.
"May dala ba ko?" huminto kami pareho and he innocently stared me.
"Wala."
"Edi wala akong nagustuhan." i rolled my eyes.
Mabilis lakad kong sumakay sa escelator at syempre ayan na naman s'ya. Hawak hawak n'ya ang bewang ko hanggang makarating kami ng tuktok.
Inalis ko 'yon at saka nag lakad muli.
"Lana!" napatingin ako sa tumawag sa 'kin.
Hindi ko s'ya kilala pero familiar s'ya. Nagulat ako ng hinalikan ako nito sa pisnge ng nakalapit sa 'kin pero agad s'yang bumulagta sa isang suntok.
What the hell? Nakakagulat.
May lumapit sa aming bodyguards ko at security sa mall. Nilapitan nila ang lalaking walang malay. Nanlaki ang mata ko at saka ko lang napag tanto ang nang yari.
"TIAN!" sigaw ko sa kanya.
"What?!" naiinis na sagot n'ya sa 'kin. "Ialis n'yo dito 'yan." malamig na utos n'ya.
Ang mga mata n'yang galit at ang boses n'yang malamig. Hindi ko alam ano sasabihin ko, hindi ko alam ano gagawin ko.
Sinamaan ko s'ya ng tingin. Pero nang tumingin ito ay sa 'kin ay masama din.
Huminahon ako. Huminga ako nang malalim at saka nag salita.
"Nawalan na ko ng gana, uuwi na ko."
"Edi umuwi ka." nagulat ako sa sinagot nito sa 'kin.
May kung ano kumurot sa puso ko. "Fine."
Mabilis ko syang tinalikuran at nag lakad palayo sa kanya. Huminga ako ng malalim at di ko alam bakit ganito pakiramdam ko. Nararamdaman ko na lang ang luha sa gilid ng mga mata ko pero hindi ko 'to hinayaan tumulo.
Hindi pa rin nag babago lahat. Hindi man nag bago...
Hindi ko alam bakit bigla akong nasaktan, bakit parang ang babaw ko. Ang dali kong masaktan pag s'ya na. Naiinis ako sa kanya. Ayoko sa kanya.
Ilang taon na nakalipas, ang akala kong pupply love lang ay ganito pala. Masakit. Ilang taon na makalipas pero walang nag babago ang sakit. Bakit?
Bakit hindi nawala? Bakit sa tagal ng panahon ganito pa rin?
Lumapit sa 'kin ang bodyguard ko. "Ma'am may kotse po kaming dalawa." sumunod ako sa kanila.
Palihim kong pinunasan ang mga gilid ng mga mata ko. Nakarating kami sa likod ng mall ay nag hinintay ang sasakyan ng bodyguards ko. Agad ako sumakay ng huminto 'yun sa harapan ko.
Hindi dapat ako nagpapaepekto ng ganito. Hindi pwedeng puro ganito. Ayokong ganito ang kalakas ang epekto n'ya sakin. Hindi man nabawasan, bakit ganon?
Ang daya daya. Sinaktan n'ya ko noon tapos ganito pa rin nararamdaman ko sa kanya.
Bakit ganito? Bakit kailangan ko maramdaman ulit ang sakit na binaon ko na sa limot? Grabe. Hindi ako makapaniwala sa nang yayari.
Nakarating ako sa bahay ay agad ako sinalubong ni Stan and Misty. Agad ko sila hinalik halikan sa pisnge. Nag paalam ako mag papalit lang ako tapos makikipag laro sa kanila.
Sayang lang wala si Jr. dito and i heard babae ang anak nila. Ilang buwan na to pero hindi ko pa nakikita.
Isang pambahay na lang ang suot ko. Isang disney princess ang brand na suot kong damit at short. Parehong pink ito. Pinusod ko ang wavy hair ko na pa messy bun saka bumaba.
Kesa mag mukmok ako ay makikipag laro na lang ako sa mga pamangkin ko. Hindi worth it ang pag mumukmukan ko.
"Tita!" binuhat ko si Misty at bigat na bigat ako dito.
Stan is now seven years old and Misty is Five. Parehong pawis ang likuran nito kaya naman inupo ko sila pareho sa sofa saka pinunasan ang likod.
"Ano nilalaro ng dalawa kong pamangkin?" i asked them.
Ang cute cute talaga nila! Gusto ko talaga sila lagi nakikita.
"Habulan!" mabilis na sagot nila sa 'kin. "Sali ka, Tita." inirapan ko si Stan.