Nagpalit ako ng isang white high waist shorts at isang offshoulder na red. Nude lipstick ang ginamit ko at konting blush on. Kinulot ko ang dulo ng buhok ko. Bumukas ang pinto ng kwarto namin at doon pumasok si Tian. Nagtama agad ang tingin naming dalawa. "Baby girl." ngumiti lang ako ng tipid dito. "Gusto mo ihatid ko kayo?" he asked, smilingly. Ngumiti din ako parang wala lang. Saka tumitig ako sa kan'ya. Hirap na ako mag panggap pero kailangan ko. "No thanks. Umalis ka na lang." sagot ko sa kanya. Natapos ako sa pag-aayos ay tumayo na ko. Kinuha ko ang three inches heels ko. "Are you mad?" he asked. Galit? Wow, Tian. Nasasaktan ako. Hindi ako galit. Gusto ko tumawa. Tumingin ako sa kanya. "Mad? me?" tumawa ako ng malakas. "Why would i?" kitang kita ko ang pag-aalala sa kany