Iritang irita pa rin ako. Hindi ko alam
paano n'ya nagagawa 'to sa 'kin. Gindi na dapat pa ako nakakaramdam ng kahit ano sa kan'ya pero ano 'to? kayang kaya n'ya ako inisin, pikunin. Ayoko makipag talo sa kan'ya sa mga bagay bagay, gusto kong umiwas sa kan'ya pero ito mismo ang gumagawa nang paraan para mag kita kami.
Hindi ba n'ya naalala ang sinabi ko noon? Sa video cal, skype? parang wala lang. Parang wala lang sa kan'ya lahat. Para bang walang nakaraan kung umasta s'ya o wala naman talaga para sa kan'ya? Ako
lang talaga nag- iisip.
"Kung ayaw mo naiinis? Sumunod ka na lang sa akin." hindi ko s'ya pinansin. Tumingin lang ako sa daan, wala akong oras para makipag- usap sa kan'ya. Wala akong oras para sa mga sasabihin n'ya.
Kung wala lang sa kan'ya ang lahat? Edi fine! I should act like that, too.
Wala din dapat akong pakielam kahit saan, wala din dapat akong pakielam sa kan'ya. Hindi ko na dapat iniisip pa ang nakaraan, dahil ang nakaraan ay nakaraan na.
I remember Airel, when i first na i-open ko about first love ko, si Tian.
"You are too young for that and for sure? Gano'n nasa isip n'ya na baka mawawala din dahil bata ka pa talaga." natawa ako nang mahina sa kan'ya.
"Bakit? Sila ba ang nakakaramdam? Hindi naman ha!" sagot ko dito pero tinitigan n'ya lang ako. "Saka, hayaan mo na! Nakalimutan ko na 'yon. Bakit kasi pinilit mo pa akong ikwento 'e!" natawa s'ya nang mahina.
"Girl, wag nga kami. Lana, ilang taon tayo mag kasama. Ilang taon na mag kaibigan pero ako ang hindi mo maloloko. You are still in to him." tinaasan ko s'ya nang kilay. "Ano ba itsura n'yan? Gwapo ba! I am so curious! Tapos seven years pa ang tanda sa 'yo!"
"Panget lang---"
"Mamatay---"
"Pake mo?!"
Natawa lang s'ya kaya natawa din ako. Hindi ko maipakita mukha n'ya, gusto ko kalimutan ang bawat detalye nang kan'yang mukha pero hindi ko alam paano ko kakalimutan. Para bang nakakatatak na sa akin, ang bawat detalye, lahat lahat.
"Lana, mag jowa ka pa nang mag jowa baka sakaling makalimutan mo!" advice n'ya pa.
Akala n'ya siguro madali lahat.
Lahat naman ginawa ko ha? Lahat naman pero nanatili pa rin ako dito. Gustong gusto pa rin s'ya sa lahat ng pagkakataon. Umaasa ako baka makalimutan ko lahat pati ang sakit.
"Andito ako! Magjo- jowa tayo nang marami!"
At least, i have her, right? Masaya ako sa pamilya ko sa kanilang lahat kahit wala s'ya.
Napabuntong hininga ako sa mga naalala ko. At nandito ako ngayon, sa loob ng kotse n'ya. Pakiramdam ko sobrang bagal n'ya mag- drive. Sinasad'ya n'ya ba? Ayoko s'ya kausapin kaya hayaan ko na lang.
Sa buong byahe ay hindi ako ang salita. Hindi din naman s'ya nag salita. Naalala ko tuloy na naman sinabi n'ya na walang nag bago sa 'kin. Hindi ako naniniwala na hindi ako nag bago, alam kong malaki ang nag bago sa 'kin. Alam na alam ko.
Wala naman s'ya sa buong taon na 'yon kaya bakit ko s'ya papakinggan? Tama ako 'di ba? Wala na s'ya.
Ekis, pero hindi ex.
"Hmmm. Tahimik." hindi ko s'ya pinansin.
Manigas ka. Hindi kita papansinin kahit ano mang yari. Sanay ako na wala ka kaya tatratuhin din kita na parang wala ka. Para masaya, para maging okay ao. Naka move on na ako, wala na dapat pa.
Tama.
Hanggang sa makarating kami ng LM. Hindi ko na hinintay na pag buksan n'ya ko, hindi ko na din hinayaan na ihatid n'ya ko. Syempre, bakit ba ako papahatid? Sino s'ya? Hindi n'ya kailangan at kailangan kong lagyan nabg karatula na bawal na matandang binata dito pero naisip ko na may matandang binata kaming investor baka mag- pulled out bigla at mapatay ako nila Kuya at Daddy.
Tuloy tuloy ako sa pag pasok ko sa loob at kahit isa ay wala akong pinansin.
Tulad ng dati, pag pumupunta ako dito. Wala ako dapat pansinin sa kanila dahil nandito sila para mag trabaho para sa sarili nila.
Maraming freelance model dito, hindi kalakihan ang mga bayad sa kanila at ang karamihan ay may potential pang sumikat.
Kaso lang talaga karamihan tatanga tanga. Puro paganda ang alam, sabagay? Ganda naman talaga labanan dito. Pero mga mahihina ang ulo.
Pumasok ako sa Elevator, wala ni isang sumabay sa akin. Well, ano ba aasahan nila? Ako 'to. Ayokong may kasabay na hindi ko kilala, ang gusto ko lang ay malalapit sa 'kin.
Wala akong kaibigan dito dahil sapat na sa akin ang nga kaibigan ko. Hindi ko sila kailangan, kahit sino sa kanila. Pag kasi kaibigan sila kailangan tulungan sila i-angat. Parang gago lang? Doon ba nasusukat ang pag kakaibigan? Edi dapat nag zip line sila, mga tanga. Para makita naman nila sarili nilang umangat. Panandalian nga lang.
Tuloy tuloy ang elevator sa pag taas hanggang makarating ako sa floor ko.
Ayoko talaga mag trabaho dito pero wala akong choice! Nakakainis talaga si Kuya Angelo! Gusto ko makita si Kuya Lander para naman may kakampi ako. Gusto ko ba umiyak, si Kuya Lander lang talaga nakakaintindi sa akin.
Sa pag bukas ko ay gulat na napatingin sa 'kin ang lalake.
Oo na, ako na maganda! Ako naman talaga ang maganda! Sa bunsong anak ni Lyricko, ako lang!
Tinaasan ko s'ya ng kilay. Agad napalitan ang kanyang gulat ng ngisi. Napairap ako at saka lumabas ng elevator para pumasok sa opisina ko.
Kakairta mga ngisi nang mga gago! Naging fling mo lang kung ipag malaki akala mo nanalo sa lotto! Mga tanga talaga mga tao ngayon, nakakainis!
Isa s'ya sa naging fling ko, kaya siguro pamilyar s'ya. Hindi ko na matandaan kung sino sino lalaki ang mga nahahalikan ko pero nasisiguro na lahat sila ay galing sa magagandang pamilya.
Hindi naman kasi ako namimili nang hindi pasok sa standards ko! Ayoko din nang masyadong old, panget lang! Dapat medyo angat lang sa akin nang kaonti. Gano'n, kaso nakakainis kasi mga immature! Fling mo pero kung umasta akala mo jowa ko na hahay!
Nang makapasok ako sa opisina ay agad ako naupo ng maayos. Pumasok si Kuya Jin, ang secretary ni Kuya Angelo na ngayon ay magiging secretary ko.
Hay, buti pa si Kuya Jin! Gwapo na mabait pa, kaso hindi ko type. Kung type ko lang s'ya baka sineryosi ko na s'ya. Mabait kasi at responsable sa pamilya. Bread winner nga, sabi nila.
"Ma'am, may meeting po kayo mamayang eight thirty am and may meeting din kayo sa Funtabella and Lunch meeting with Christian Alvarez Jr."
Nagulat ako sa huling sinabi n'ya kaya agad kong inagaw ang sched ko.
Tangina na!
"What the f**k! Bakit may lunch meeting ako sa lalaking 'yun?!" naiinis na tanong ko dito.
Pero napakamot lang s'ya nang ulo. Ano pa ba aasahan ko? Sumusunod lang s'ya sa utos at ayaw n'ya mawalan nang trabaho.
"S'ya ang nag sabi, wala na kong magagawa." napairap ako sa kanya.
Para bang wala na s'yang magagawa pa doon. Nakakainis naman talaga! Umiiwas nga ako pero eto naman gumagawa nang way para mag kita kami at ano ba talaga ang gusto n'ya?
"Sino boss mo?" agad na tanong ko dito.
"Si Sir. Angelo, ma'am." agad ko kinuha ang ballpen ko na akmang ibabato ko sa kanya pero agad itong nakalabas. Huminga ako ng malalim
Bwisit na Jin na 'yan. Wala man sa akin ang loyalty, nasa matandang binata din!
These pas few months sobrang tahimik n'ya, hindi man n'ya ko kinausap tapos eto?! What the f**k?
Gago! Gago! Pero gago si Tian! Si Christian Alvarez Jr. Sarap n'yang bugbugi !
I need drinks tonight.
Agad ko tinext sa viber ang dalawang babae.
Let's wasted, tonight.
Binaba ko ang cellphone ko at nag hintay ng text. Nang nagvibrate ito ay agad kong kinuha.
"I'm in!"- Airel
"Can't. :(((" -Annabelle
Wala na ko magagawa kay Annabelle dahil for sure nag aayos na 'yan for her bar exam. Kaya siguro kami na lang dalawa ni Airel.
I am not fair if masaya ako kung si Airel lang. I am not plastic but si Airel talaga favorite ko. Kaibigan ko sila pero hindi ako pantay sa kanila, pero pareho ko naman sila tutulungan kung may problema.
"Fetch me Airel, later. @six pm."
Hindi ko na hinintay ang reply nito ay bahagyang nag ayos dahil malapit na mag simula ang meeting.
Grrr! Meeting! Meeting!
My mom's plan for me is go to London and pursue my dreams and actually, i don't know what my dreams. I want to be like her, like ate Angel, but i feel like this degree is not for me. I want to try something.
Pero sana pala tinangga ko para makalayo sa kan'ya, para man lang di na s'ya makita pero wala na akong magagawa at nandito na ako.
Hindi ko na mababago pa ang lahat. Hanggang dito na lang talaga at wala na akong magagawa pa.
When i was kid, Tian knows what i want and i need. He knows how to handle.
But everything has changed when he left.
Hindi ko makalimutan ang araw na nag makaawa ako na wag n'ya ako iwan. I was crying and begging but he chose to left me and i can't do anything to ease my pain.
I feel like kailangan kong ibaling ang sarili ko sa iba, na kailangan kong umakto na isang dalaga hindi 'yun tulad ng pag akto ko pag nand'yan s'ya.
I thought i was fine. It was fine to be baby but no.
Dahil kailangan ko pala mag grow at imulat ang mga mata ko sa totoong mundo. Dahil umikot lang ako kay Tian, at nakalimutan ko ang totoong mundo.
May kung ano na naman sa dibdib ko ang gumuhit. Napahawak ako dito at huminga ng malalim. Hindi ko na dapat iniisip ang nang yari noon, dahil ang mahalaga ay ang ngayon.
Ang ngayon...
Nandito na s'ya at wala na dapat pa..
"Ma'am..." binaba ko ang hawak ko saka tumango kay Kuya Jin.
Dinala ko ang bag ko saka lumabas ng opisina. Andyan na si Jin noong nag sisimula pa lang si Kuya, Jin is my kuya bestfriend sa Star University at sobrang close sila. Mapag kakatiwalaan. Kaya din siguro kampante ang kuya Angelo na hindi pumasok minsan dahil sa kanya.
Nakakatuwa lang, ang saya ko para sa kanila. Nakahanap kami lahat ng totoong kaibigan na hindi kami nagawang saktan. Dapat maging masaya kami nila Kuya.
Lalo na't buntis si Ate Riella ngayon. Masyadong maselan daw ang pag bubuntis nito kaya hindi na umaalis si Kuya Angelo sa tabi nito.
Nakakatuwa dahil lahat ng kapatid ko ay masunurin sa asawa. Understanding silang lahat kahit saan, nakakatuwa dahil kung sino ang una nila? 'Yon din ang huli.
Ako lang ata maraming experience sa lahat. Grabe ang utak ko, daig ko pa mga kapatid ko.