Sa buhay ko pamilya ko lagi nakakasama ko, lumaki ako na sila ang nand'yan sa akin. Kahit kailan hindi ako nalalayo sa kanila pwera nalang kung kukunin ako ni Lolo or aayain ako ni Ate Angel sa mansion. Minsan sinasama ako ni Tian kung saan saan at ibabalik din kay Mommy. Umaalis man ako pero sa kanila pa rin ang uwi ko. Sila pa rin ang uuwian ko. Naalala ko noon kung saan saan ako dinadala ni Tian. Titikim kami nang bagong putahe na pag kain, pupunta sa mga bukas na Resto, mga bago sa paningin namin at kakain kami. Sa ibang mall dahil nakakasawa na sa puro na lang sa malapit sa amin. Sa mga park o iba pa. Marami akong gustong puntahan kasama s'ya. Minsan sasakay kami sa Helipad para makapag dagat kami at uuwi na lang sa hapon na tulog na tulog na ako. Kung ano gusto ko? Lagi n'ya