Hindi na, hindi na ako gaganti pa. Hahayaan ko na lang masaktan ako hanggang sa umamin s'ya sa akin. Hahayaan ko na lang sila maging masaya kahit ako ang nahihirapan. Hahayaan ko silang pareho, para wala silang masabi sa akin. Dahil wala akong choice sa lahat ng bagay. Dahil ang kailangan ko na lang gawin ay tanggapin ang sakit, ang kasinungaling at panloloko nila sa akin. Hanggang doon na lang ang lahat. Pumasok na ko sa loob ng mansion. Humikab na ko at aakyat sana ako pero may narinig akong sasakyan na paparating. Pumunta ako sa pinto, and i was right. Tian came home. Hindi ako nagtagal doon, mabilis ako umakyat at pumasok sa kwarto namin. Dumiretso ako sa cr para maligo. Maya maya lang ay narinig ko bumukas ang pinto nang kwarto namin. "Baby girl." Hindi ako sumagot. Ano ka