Kabanata 3

1034 Words
Matapos maghugas ng mga pinggan ang dalaga at punasan ang mesa. Naglinis na rin siya ng buong bahay dahil aalis siya, mabuti nang malinis ang bahay bago siya umalis. Kaagad siyang naligo at mukhang bihis na bihis. Sinilip niya ang silid ng kan’yang kapatid ngunit wala ito roon. Good timing para makaalis siya. Nakapagpaalam naman siya sa mommy niya bago ito umalis. Gusto niyang sunduin ang kaniyang lola. Nag-aalala na siya rito dahil wala pa ito hanggang ngayon. Lumabas siya ng bahay na parang may tinataguan ngunit ang ‘di niya alam ay nakamasid si Carter sa kan'ya. Wala siyang intens’yong ipagsabi na sinusundan niya ang dalaga, palagi niya itong binabantayan kahit saan pa ito magpunta. Napagdesisyunan n’yang hindi ipaalam sa dalaga ang ginagawa niya. “Hindi pa p’wede, hindi pa ngayon ang tamang panahon,” sabi ng binata. Batid niyang naguguluhan na si Amber at gagawa ito ng paraan para masagot lahat ng kaniyang mga katanungan. Alam ni Carter ang lahat simula pa lang. Nakaatas na sa kaniyang protektahan ang dalaga. At alam niya rin kung ano ang nangyayari sa lola niya at sa paligid nila kaya naman dapat niya itong bantayan. “Zeus, si Amber pakiusap protektahan mo siya.” isang tinig mula sa kawalan. Amber’s POV Pagod na pagod kong narating ang tulay papunta sa paanan ng bundok at ang tanging sinusundan ko lang ay ang naalala ko nang minsang sinama ako ni lola rito. Hapon na nang makarating ako. Sobrang tirik ang araw kanina. My goodness! Sobrang init. Tumingin ako sa paligid. Kanina ay marami pa akong nakakasalubong na mga tao pero ngayon mangilan-ngilan na lang. Nagpahinga ako sandali sa malaking bato at uminom ng tubig na dala ko. Napansin ko ang isang matandang babaeng may nakapatong na bilao sa kaniyang ulo at hawak-hawak na basket sa kaliwang kamay. Agad niya akong nakita at nilapitan ako nito. “Iha ano ang ginagawa mo rito? Naliligaw ka ba?” tanong nito sa garalgal na boses at sobrang paos dahil siguro sa katandaan nito. Mukhang mabait naman siya. Agad namang niyang ibinaba ang bilao at pinatong sa malapad na bato dahilan para makita ko ang laman nito. Banana cue, camote cue. Ang sarap! Pero ‘di naman ‘yon ang pinunta ko rito. Erase.. erasee.. umayos ka nga Amber. “Huwag po kayong mag-alala sa ‘kin, alam ko naman po kung saan ako pupunta,” s**o ko sa kaniya nang nakangiti kahit halatang hingal pa ako. Ngumiti siya. “Gan’yan din ang sinasabi ng ibang nakakasalubong ko pero 'di ko na sila nakitang bumalik pa. Kaya naman kung may balak kang tumuloy roon sa bundok pagtawid mo sa tulay na ‘yan, ‘wag na lang iha baka mapahamak ka,” uubo-ubong sabi niya sa akin at muling binalik sa ulo niya ang bilao at hawak na basket sa kaliwang kamay at iniwan akong nakatulala na iniisip kung totoo ang sinabi niya. “Pero po lola roon po galing si lola kailangan ko po siyang puntahan nag-aalala na ako eh,” pahabol kong sabi sa matanda ngunit nakalayo na siya at mukhang ‘di na niya ako narinig. Nakakapagtaka namang gan’on na agad kalayo ang nalakad niya gayo’ng sobrang tanda na niya. Binalik ko na lang ang tingin ko sa tulay at umayos ng tayo. Ano ba ang meron sa bundok na ‘yon? Gaano ba ‘yon kahiwaga? Hindi kaya alam ng matanda kung ano meron doon sa pupuntahan ko? Kaya ba pinagbabawalan niya ako? “Umuwi ka na habang maaga pa,” sambit ng isang boses. Agad ko namang nilingon ang pinanggalingan ng matanda ngunit wala akong nakita. Ako na lang ang tao rito sa may tulay. “Saan galing ang tinig na ‘yon?” Bigla kong naalala ang sinabi ng matanda dahilan para ako’y kabahan. Pinagsawalangbahala ko na lang ito at akmang pupunta na sa may tulay. “Pakiusap, Amber umuwi ka na, bumalik ka na,” Nagsitayuan ang balahibo ko nang marinig kong muli ang boses nito. Hindi ako magpapadala sa kan'ya. Kailangan kong puntahan ang lola ko. Naiiyak na ako sa takot pero nilakasan ko lang ang loob ko at nagpatuloy ako maglakad sa tulay. Medyo may kalumaan na ito, yari lang sa kahoy at umuuga-uga pa 'pag inaapakan. Nadagdagan ang takot ko nang umihip ang malakas na hangin, nakakapagtaka lang dahil mainit pa naman. “Amber makinig ka wala na ang taong sinadya mo rito. Wala na sila, kaya pakiusap umuwi ka na ‘wag ka na lang tumuloy,” Tinakpan ko na lang ang dalawa kong tenga para ‘di ko siya marinig. Naiinis na ako. Sino ba siya? Ba’t ba siya nakikialam, sana nagpakita muna siya. Desisyon ‘yon ah. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako, napapikit na lang ako. Umiling lang ako bilang sagot sa boses na naririnig ko. Dumilat ako at ‘di ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa boses na ‘yon. Saka ko lang napagtanto na nakarating na pala ako sa kabilang dulo ng tulay. Nilingon ko kung saan ako nanggaling. Halos wala na ako nakikitang mga dumadaan. “Pakiusap halika na’t umuwi na tayo,” rinig ko na naman. Ngunit kakaiba ang boses nito. Binalik ko ang tingin at doon ko nakita ang isang pamilyar na pigura ng lalaki na naglalakad palayo sa kinaroonan ko kaya naman ay hinabol ko ito. Hindi ko nakita ang mukha nito. “Parang-awa mo na, Amber lumayo ka sa kaniya, ‘wag kang magtiwala sa kaniya,” nangungusap na sabi ng tinig na kanina ko pa naririnig. Patuloy lang ang pagsunod ko sa lalaki nang bigla siyang huminto at naramdaman niya rin siguro ang paghinto ko. Napaatras ako bigla nang unti-unti itong humarap sa akin. Ngayon, mas lalo akong naguluhan, bakit siya nandito? Pero teka kahiwag niya lamang ‘to. Nalilito na ako, kamukhang-kamukha niya si Carter. Patuloy ako sa pag-atras ngunit natigilan ako nang bigla itong yumuko at lumuhod sa harapan ko. “Maligayang pagbabalik Hera,” sabi nito habang nakayuko pa rin at nakalagay ang kanang kamay sa kan'yang dibdib. Kasabay n’on ang pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin at paglitaw ng pamilyar na lalaki sa harap ko. “Hades…” ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD