Kabanata 2

856 Words
Ibinaling ko na lang ang atens'yon ko sa iba. Bumangon ako at kaagad na binuksan ang bintana sa kabilang gilid kung saan tanaw mo ang pagsikat ng araw. Ngunit medyo maulap at madilim pa, may nasisilayan pa akong mangilan-ngilang stars. Sa pagtitig sa mga ulap nakabuo ako ng imahe ng isang pamilya. Bigla akong napapikit nang maramdaman kong may luha na pumatak galing sa aking mga mata, agad ko rin itong pinunasan. Pagdilat ko ay siya namang paglaho ng imahe sa mga ulap. Imahinasyon. Napangiti ako. Mapait na ngiti. Hindi ko maintindihan bakit gan’on na lang ang lagi kong nakikita. Masaya naman ako sa pamilya mayroon ako. Kaya gan’on na lang ang pagtataka ko kung bakit nakakapanginip ako at nakakakita ng mga gan’ong bagay. Siguro kulang lang ako sa k'wento tungkol sa daddy ko. Sabi kasi ni mommy iniwan kami nito noong mga bata palang kami ng kapatid ko. Wala siyang binabanggit sa amin kung ano ang itsura niya, kung gaano s’ya katangkad at kung ano ang mga hilig niyang gawin noon. Basta kapag nababanggit namin ang tungkol sa kan'ya ay bigla na lang siyang tatahimik at iiwas ng tingin. Kaya naman kailanma’y ‘di na namin binabalak pang magtanong tungkol kay dad. Ang tanging sinasabi niya lang ay maghintay sa tamang panahon. …Ewan ko ba kay mudra kailan ba kasi ‘yon? Matanda na ako ‘no duh. Ngunit sigurado ako na may tinatago siya sa akin. Agad akong umayos ng tayo at tuluyang hinawi ang kurtina sa bintana upang makapasok ang sikat ng araw mamaya. Nagpalit ako ng damit at nagtali ng buhok. Sinulyapan ko pa sandali ang bintana na naiwan kong bukas at kung nasaan naroon si Carter kanina. Impusible namang panaginip din ‘yon. Sure akong sinara ko ‘yon kagabi bago ako natulog. Inalis ko na sa isipan ko ‘yon at kaagad na bumaba para mag-almusal. Agad akong dumeretso sa banyo. Naghilamos at nag-toothbrush, pahid ng kung ano-ano sa mukha. Para naman clear skin tayo beh. ‘Pag tapos n’on ay agad akong pumunta sa kusina at nadatnang naghahanda ng almusal si mommy. “Good morning my!” masayang bati ko sa kaniya. Agad akong umupo sa bakanteng upuan kung saan ako naka pwesto lagi. At tinukod ang mga braso sa lamesa at pa-cute na tinitingnan s'ya habang nagluluto. “Good morning ate aga mo magising ah, may kailangan kang gawin?” sabi niya habang 'di ako tinatapunan ng tingin at patuloy pa rin sa ginagawa. Linggo pala ngayon, wala akong pasok sa school. Si mommy kahit na tumatanda na, ang bata pa rin niyang tingnan, duda nga ako tinatanong ko siya kung ano gamit niyang pang skin care. Inggit ako eh kaloka, mas mukha pa nga s’yang dalaga sa akin. “Wala naman po, nagising lang ako nanaginip na naman ako eh,” sambit ko habang patuloy na ‘di gumagalaw sa gano’ng posisyon. “Kailan pala balik ni lola ‘my? Nagsabi ba siya uuwi siya ngayon?” “Wala pa siyang sinasabi, hindi pa rin tumatawag. Aalis din ako mamaya may pupuntahan lang,” mahinahong sabi niya sabay lapag ng niluto niyang omelette at hotdogs sa mesa. Ang ganda talaga ng mommy ko, kakaiba yung ganda niya at napakaputi pa niya. “Oh kumain ka na Amber,” dagdag niya at nginitian ako. Kasabay n’on ang pagdating ng kapatid ko, si Alonzo bagong gising. Pero mababakas mo sa mukha na may magandang lahi talaga ang pamilya namin. My goodness! Kaagad siyang umupo at tahimik na nagsimulang kumain, siguro bad mood ‘to baka talo na naman kagabi. Pero mabait ‘to wala lang sa mood 'pag bagong gising. Mas bata siya sa akin ng tatlong taon. Umayos na ako sa pagkakaupo akmang sasandok na ng kanin nang maramdaman ko ang isang pamilyar na presens’ya. Uh..oh. Not this time. No! Not again. Si Carter. Agad siyang napansin ni mommy, masaya niyang pinatuloy at inaya mag-almusal. Sanay na si mommy sa kan'ya kasi lagi ba naman nandito ‘yang mokong na ‘yan. Kaibigan din siya ni Alonzo. They’re schoolmates. Napatingin siya sa akin at kasabay n’on pinandilatan ko siya ng mata. Katapat ko siya, ngayon ko lang ulit nakita ang napakaamo niyang mukha. Sumeryoso ang mukha niya at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakakalula. Ang ganda ng mga mata niya. Sandali akong ‘di nakagalaw at nakatingin lang sa kaniya. Ngayon ko lang ito naramdaman…. “Patawarin mo ako.. kung sa tingin mo ay marami ako nagawang mali sa 'yo. Hindi mo ako mapipigilang protektahan ka… mahal na hera,” Heto na naman ang malungkot na pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit ko dapat maramdaman ‘yon. Naguguluhan ako gusto kong magtanong. Saan galing ‘yon? Guni-guni ko lang ba lahat ng ‘yon? Bakit parang ako lang ang nakarinig sa mga sinabi niya. Agad kong sinulyapan ang mga katabi ko ngunit wala namang kakaiba sa kanila. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pero ‘di parin maalis sa isip ko ang sinambit niyang ‘yon. Napatingin akong muli sa kan'ya at doon nagtama ulit ang aming mga mata. Carter.. bakit? Ano ba talaga ang nangyayari?.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD