Chantalle Amadeo Kinabukasan maaga akong naggising para ihatid siya. I felt in debt of him. Lagi kasi siyang nandyan para sa akin tapos ako parang walang nagagawang tama para sa kaniya. Anyway, he asked me not to watch the game later. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya akong manuod ng mga game niya. At least sana kahit morale support lang magawa ko. "I'm not comfortable." Arte niya. "Basta! Sige na bumaba ka na." Maaga pa naman kaya sa tapat mismo ng gym ko siya hinatid. "Bahala ka na nga. Bye!" Bumaba siya ng kotse ko. Pinarada ko naman ang kotse ko sa parking area. Sa katunayan niyan hindi ko alam ang gagawin ko sa ganito kaagang oras. Sarado pa ang canteen o kaya library. Ayoko namang magkulong lang dito sa kotse kaya napag-isipan kong patagong manuod ng training nila Owen