Owen Orbiso Buong araw talaga akong bad trip. Gusto ko na nga sapukin 'yung panot na professor sa harap ko. Ewan ko ba kung bakit niya ako pinag-iinitan nitong mga nakaraang linggo. "Get out of my class," Sabi niya. Willing naman akong lumabas. Pero bago ako tuluyang lumabas nilingon ko muna siya. Nakalimutan niya atang anak ako ng chairwoman ng WVU. Tsk! "Tapos na klase mo?" Nagulat naman ako nang biglang sumalubong sa paglabas ko si Mario. Ngayong nakita ko uli siya naalala ko 'yung training kaninang umaga. Pinagalitan ako ni coach kasi lagi na lang daw akong wala sa training. Ang parusa ko kanina, tumakbo ng isang oras sa loob ng gym tapos dribbling hanggang matapos ang morning practice. "Hindi, pinagti-tripan lang ako ni Prof. Adolfo." "Ikaw pa talaga ah. Sya nga pala, hinahanap