Chantalle Amadeo Iniiwasan nga talaga ako ni Owen. Buong araw ko siyang hindi nakita. Nagtataka talaga ako. Okay naman kami bago kami maghiwalay no'ng nasa bahay nila kami. Sa katunayan nga dapat kaming nag-uusap ngayon dahil sinabi niya sa mga parents namin na kami na. Urgh! Nakakainis siya. Habang naglalakad ako papauwi nakasalubong ko si Mario. Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko siya. Buti na lang siya ang unang pumansin. "Vice! Good afternoon. Tatanggapin mo na ba ang pagiging muse ng basketball team?" Nangisi ako sa tanong niya. "Good afternoon. At sa tingin ko mas mabuting si... Verra ang gawin n'yong muse. Tingin ko papayag 'yun." Mahilig kasi sa ganitong mga bagay si Verra. Mas matangkad siya kay Owen kaya naman mas talagang yumuko siya sa akin para magka-face to fa