Chantalle Amadeo What the hell! Ano itong papel na ibinigay sa akin ni Owen? Halos hindi ko maibukas ang kamao ko dahil sa pag-uusisa ng mga kasama ko. Nakarating na kami sa SC room nasa kamay ko pa rin ito. "VP! Buksan mo na dali!" Tili ng isa sa mga babaeng member namin na patay na patay kay Owen. "Ano ba kayo! Wala lang 'to. Napagtripan lang ako ni Owen." Pagpapakalma ko sa kanila. "Pero hindi nanti-trip si Owen pag hindi mo siya ka-close. Ka-close mo ba siya, Ate?" Tanong naman ng isa. "Hindi kami close." Pagsisinungaling ko. "Kita n'yo namang parang nagdeclare siya ng war kanina sa campaign natin." "Kung ganoon, bakit ayaw mong buksan at ipakita sa amin ang nasa papel na ibinigay niya sa iyo?" Sabat ni Verra. "At kung hindi kayo close bakit Owen lang ang tawag mo sa kaniya?" Bw