Owen Orbiso "You owe me for this, Owen." Pagbabata sa kaniya ni Dr. Rodriguez Jr. sa akin. Pinilit ko kasi siyang wag sabihin ito sa parents ko, sa parents niya (na talagang ang family doctor namin at uncle ko), at sa parents ni Chan. "Got it. Hahanapan kita ng babaeng papasa sa taste mo." Kinindatan ko siya. "Tigilan mo ako." Nakangisi niyang sabi sabay mahina akong sinuntok sa balikat. Nagtawanan kami ngunit kagad namang napawi iyon nang makarinig kami ng sigaw. Boses ni Chantalle 'yon. Napatakbo kaagad kami kung nasaan siya natutulog. Naabutan naming pinapakalma siya ng isang nurse. "Doc, binigyan ko na po siya ng pangpakalma." Sabi ng nurse. "Arden! Wag! Tulungan mo ako! Arden! Arden!" Sigaw niya. Nakapikit siya marahil binabangungot. Tinatawag niya ang ex niya. Pahina nang pahi