Chantalle Amadeo "You're going to win." Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Dillion. Pinapalakas niya ang loob ko. Lagi naman ata. Ngayon nandito siya kasi sinamahan niya akong magpasa ng candidacy for student council president. Bukod kay Verra, isa si Dillion sa mga kakilala ko dito sa university na medyo nakalapit ko. Ang problemanga lang sa kaniya, hindi niya ako matitigan ng matagal na para bang may tinatago siya sa akin o nahihiya siya. Pwede sigurong may tinatago pero ang mahiya mukhang malabo. Siya na ata ang pinaka-confident at matalinong taong nakilala ko. Siya talaga ang definition nang pagiging isang magaling na leader at alam niya 'yon sa sarili niya. Kanina magkatitigan lang kami, ngayon halos tumilapon na siya sa pagtulak sa kaniya ni... "Arden?" Napamaang ako sa kani