Chantalle Amadeo May mini victory party ang basketball namin. Tamang salo-salo lang sa isang restaurant. Ang nakakagulat lang, isinama nila kami ni Dillion sa party kasama pa ang ibang mga student media ng school namin. Ang masasabi ko lang, maingay! Nagkakagulo ang lahat sa pagkain, sa kaganapan kanina at sa akin? Gusto raw kasi nila akong maging firend. Tapos kung pwede raw ba ako maging muse nila at kung ano-ano pa. Si Dillion nasa tabi ko at nakikipagtalong wag daw akong kulitin. Para na raw ako sa student council. Basta, nakakapanibagong makita ang ganito karaming tao at talagang parang masaya silang nandito ako. Masarap sa pakiramdam maliban na lang sa nananahimik sa kabilang dulo ng mesa. Kung legal lang ang uminom sa harapan ng mga coaches at faculties baka nalasing na si Owen. I