Owen Orbiso "Physical injury? Sana pala pinatay ko na siya para murder na." "Owen," saway ni mama sa akin. Nandito ako ngayon kasama ang abugado namin pati na ang daddy ni Chan para ayusin ang lahat. Kanina kasi nang ipatawag ako dito sa presinto pinaalam ko na sa kanila na saka lang ako magsasalita pagnakaharap ko na ang abugado ko kaya pinatawagan nila sa akin ang dapat kong tawagan. Hindi na kagulat-gulat na nalaman ni mama. Sa totoo lang sa nangyari kanina paniguradong usap-usapan na ito sa WVU. Buti na lang hindi nila maipagpapatuloy ang kaso nila sa akin dahil kailangan muna niyang manalo laban sa kasong rape na isasampa ni Chantalle sa kaniya. Sigurado akong wala na siyang kawala doon. "Sa korte na lang tayo uli magkita-kita." Tumayo si Atty. Feliciano nakipagkamay sa investig