Chantalle Amadeo Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na! "Chantalle, gising ka na ba?" Napamulat ako sa boses ni daddy. Kanina pa ako gising pero ayokong idilat ang mata ko lalo na't may nararamdaman akong tao sa tagiliran ko. Natatakot akong dumilat na baka ang kinatatakutan ko ang makita ko. "Dad!" Bumangon ako at niyakap siya sa unang pagkakataon matapos magyari ang lahat ng bagay na ito. Si daddy lang pala. "Ci, are you okay? May masakit ba? Nilalagnat ka na naman uli? Hinaplos niya ang buhok ko. "Bakit kasi nagbabad ka sa malamig na tubig kahapon? Nagkapulmonya ka tuloy." Humiwalay ako kay daddy at binigyan siya ng ngiti. "I'm fine now." Mas lalong nalungkot ang mukha niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Anak, wag mong kimkimin lahat. Pag may gumugulo sa isipan mo, sabihin mo