bc

The Billionaire's Woman

book_age16+
93
FOLLOW
1K
READ
billionaire
friends to lovers
goodgirl
self-improved
CEO
twisted
bxg
others
first love
passionate
like
intro-logo
Blurb

How could yo stay with someone who has a bad reputation?

Landon Montemayor, the man who stole her heart using his eyes.

She was Landon's stalker and made him fall in love with her and made herself a Billionaire's woman.

But it is really a dangerous to be his woman?

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Bilisan mo letse ka! Magtago ka!” galit na bulong sa aking bestfriend na si Stella. “Sandali, girl! Hindi ka tatakbuhan n’yan---” “Hindi nga pero mawawala naman sa paningin ko!” inis na sabi ko at saka tumingin sa isang lugar kung nasaan si Landon. Landon Montemayor, he’s a famous billionaire while me? Isang model na palihim na sumusunod sa kan’ya. Alam ko sa sarili ko na hindi n’ya ako papatulan, alam ko sa sarili ko na hanggang tingin lang ako. Oo, tulad ko? Pangarap ko mapangasawa ng isang mayamang tulad n’ya para makaahon sa buhay. Pero hanggang pangarap lang ako. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko pero iba pa rin ang buhay reyna. ‘Yong pa-shopping -shopping na lang pag may time tapos maliligo ng gatas, kakain na masasarap na pagkain isang sabi mo lang. Lahat tayo may pangarap sa buhay at ‘yon ang pangarap ko sa buhay ko. Mapangasawa si Landon. “Gaga ka! May gig ka mamaya! Imbis na magpa-beauty rest ka pero eto ka?! Ini-stalk mo na naman ang pangarap mo!” I giggled. “Kaysa naman sa’ yo, ‘yong pangarap mo kasal na!” sinamaan n’ya ako nang tingin pero dumila lang ako dila. Months ago, kinasal muli si Lander kay Rylie. Isipin mo? Dalawang beses muli silang kinasal at umiiyak si Lander habang naghihintay sa altar! Kaya mas lalong nawalan nang pag-asa ang manok ko sa tabi ko dahil sa nakita n’ya kung gaano n’ya kamahal ‘to. Mahal na mahal ni Lander ang nag-iisang prinsesa sa Lopez. Tinaas ko ang camera ko at saka kinuhanan ‘to ng picture. Agad ako lumipat ng pwesto, wala s’yang gaanong bodyguards, unlike noon halos hindi ko na s’ya makita pero ngayon? Dalawa lang. Kaya masayang masaya ako. Eto naman ang supportive bestfriend ko na walang ginawa kung hindi sumunod sa akin para lang makuha ang gusto ko. Ang mommy at daddy ko ay nasa out of town, kung malalaman lang nila ginagawa ko? Siguro kinurot na ako ni Mommy sa singit sa sobrang obsessed ko kay Landon. Pero minsan supportive ‘to, kunyare n’ya lang n’ya ako papagalitan sa harap ni Daddy para mukhang hindi kunsitidor. Sabi nila? Pareho raw kami ugali ni mommy pero kamukha ko naman si daddy. Dalawa kami magkapatid, ako panganay. At bunso naman si Belle. Halos kambal nga daw kami kung tignan dahil walang pinagkaiba sa amin. Tapos laging tinutukso kasi sobrang mahal daw ni daddy si mommy kaya daw kamukha kami ni daddy. Tapos ngayon? Buntis pa si Mommy, isipin mo? Sa edad n’yang ‘yon? Nabuntis pa ni daddy! Nadale pa at nakakatuwa lang dahil may baby boy na kami sa bahay. Masayang masaya kami ni Belle. Malaki ang agwat namin ni Belle. Ako ay nasa twenty na still studying while Belle ay nasa Eleven na at Grade six. Grabe ang agwat naming dalawa. Si Mommy kasi noon binuntis ni Daddy kahit nag-aaral pa, sa ayaw n’ya malayo si Mommy ay pinikot n’ya ‘to kaya naman walang nagawa ang pamilya nila kung hindi hayaan. Basta mangako lang na bago sundan kailangan ay maayos na ang kalagayan at stable na din ang financially na sinunod naman ni Daddy and Mommy kaya naman ganito ang agwat namin. Mom is now forty three and daddy is forty four. Nakakatuwa lang kahit gan’yan ang edad nila ay nakikita ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa. “Stella!” Nakasimangot ‘to kung nasaan ako kanina at mukhang ayaw na ako sundan dahil sa pang-aasar ko. Kaya naman natawa ako nang mahina dito kaya pinalapit na ‘to sa akin. We are both studying pero ako lang ang nagmo-model sa aming dalawa at very supportive din s’ya sa akin kahit saan. Sa muling pagtapat ko kay Landon ng Camera ay nagulat ako dahil nakatingin s’ya sa akin. Agad akong nagtago at huminga nang malalim. Hindi ko alam bakit ang bilis ng tibok ng puso ko dahil doon. Hindi ko alam bakit? Nakatingin nga ba s’ya sa akin o hindi? Shit! Muli akong sumilip doon at nakahinga ako nang malalim. Siguro namamalikmata lang ako. “Oh? Bakit para kang nawalan nang kulay?” Stacey asked me. “Wala. Parang nakita ko kasi s’ya nakatingin sa akin but? Never mind. Namamalikmata lang ako, girl.” natawa ‘to sa akin. “Siguro tama na ‘to ‘no? Kailangan ko pa ayusin sarili ko para sa gig ko. Saka may pasok pa ako bukas.” Tumayo kaming dalawa at saka tinago sa bag ang mga kagamitan ko. “Ayokong pumasok. Ang dami kasing gawain pag-graduating.” “Sana all graduating.” pareho kaming natawa na dalawa. A head s’ya sa akin nang one year kaya nama third year ako habang s’ya ay fourth year na. The age of twenty one, kailangan n’yang tumakas sa magulang n’ya para lang makagala o makagawa ng gusto n’ya. She has a very strict parents, mabait naman. Ang kaso lang? Nag-iisang anak s’ya kaya gan’yan. Umasta kaming dalawa na para bang walang ginawa na kahit ano. Nakita pa namin si Landon na ngayon ay kasama na si Lailana, ang kanyang kapatid na akala namin ay anak n’ya. Oo, kaka-stalk ko ay halos alam ko na lahat sa kan’ya. Kahit paborito n’yang kulay, paboritong pagkain at lugar. May naging babae s’ya pero kahit isa ay wala s’yang sineryoso kaya mahirap din s’ya abutin. Hindi ko alam ano tipo n’yang babae. Gusto ko malaman kung ano tipo n’yang babae na pinakagusto kong alamin. “She’s familiar---” “Shut up, Lailana. Get inside, ayoko na kitang sunduin dito sa susunod.” Hindi ko sila tinignan at agad akong pumara nang taxi para makasakay kami. Pero bago ako pumasok ay sumulyap ako sa kan’ya at nakita kong nakatingin s’ya sa akin kaya naman agad ako nag-iwas nang tingin. Nag-init ang pisnge ko. Bakit pakiramdam ko talaga nakatingin s’ya sa akin? O baka namamalikmata na naman ako? Kailangan ko na siguro magpa-check up sa mga mata ko dahil kung ano-ano ang nakita ko. Umuwi na si Stella at gano’n din ako. Kailangan ko ngayon mag-ayos para sa aking gig. Sakto naman nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan na may hawak sa akin na si Patricia. Agad kong sinagot ‘to saka huminga ako nang malalim. “Gumayak ka na! Dahil may audition ka para sa bagong brand ng clothing! Ikaw ang gusto mag audition dito!” Kumunot ang noo ko. “Alam mo naman na ayoko nang mga sikat na brand---” “Kahit na si Landon ang isa sa mga judge na mamimili--” “Wait ha? Kita mo gumagayak ako ang istorbo mo, Pat!” Narinig ko ang tawanan nito sa kabilang linya kaya naman napanguso ako. Hindi ko na ‘to hinintay na magsalita pa at agad akong umayos. Kumuha ako ng isang dress na fitted sa akin na hanggang sa kalahating hita ko, kitang kita ang balikat ko dahil sa nipis ng straps nito. Hindi naman expose masyado ang cleavage ko kaya ayos na ‘to.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook