KABANATA 1

962 Words
Dito na ako nag-ayos dahil alam kong pinila na ako ni Pat sa audition. Mas maaga pa sa lahat ‘yan kaya kailangan ko din magdala. Hindi ko kinulot ang buhok ko. Pinanatili ko na straight ang dark coffee brown na buhok ko. Napangiti ako habang nakikita ko ang sarili ko sa alamin. I didn’t use any make up in my face. Maganda ako kahit wala akong make up, pantay ang kulay ng mukha ko sa leeg ko kaya ayos lang. Kinuha ko ang sling bag ko. Oo, hindi channel o mamahalin ang bag ko. Pero mahal naman ‘to sa Natasha, afford ko, oo. Pero ayoko magsayang ng pera at ako na bumubuhay sa sarili ko kahit nasa iisang bubuong kami ng parents ko. Lalo na’t may bago pa kaming kapatid na lalabas. “Belle!” malakas na tawag ko sa kapatid ko. Pumasok ako sa kwarto nito. Nakita ko ang kapatid ko na nakadapa sa kanyang kama habang hawak- hawak ang kanyang iPad. “Kumain ka na sa baba. May iniwan ako doon at saka mag-ayos ka na! Anong oras na.” “Oo na, Ate Bella!” naiinis na sagot nito. “Isusumbong kita sa kamukha mo---” “Kamukha mo din ‘yon!” Napangiti ako dahil sa sagot nito. Napailing ako kaya naman sinarado ko na ang pinto ng kwarto n’ya at saka bumaba ako sa maliit na hagdan namin. Tama lang naman ang bahay namin ‘e. May taas at baba, may isang kasambahay para sa amin. Tagalinis at tagaluto lang. Pwedeng stay in pwedeng stay out. May apat na kwarto sa itaas, isa kay Mom and dad, isa sa akin at kay Belle, at syempre ang isa ay bodega na mukhang gagawin na din kwarto dahil sa bagong baby namin. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. May sasakyan kami isa lang para kay Daddy kaya pa taxi-taxi na lang ako araw-araw basta naihahatid na maayos ang kapatid ko. Sa isang subdivision lang naman kami nakatira. Kaya hindi magulo, tama lang. May tambay din, may court o ano. Nagsimula na ako maglakad papuntang highway. “Ganda mo, Bella!” sigaw ng isang tambay doon na kakilala ko na med’yo close ko din dahil kami lang din naman magkakasama noong bata kami at naglalaro. ”Matagal ko na alam ‘yon, Biboy.” natatawang sagot ko dito. “Ipapara na kita ng taxi.” “Hindi na, ako na lang!” nakangiting sabi ko dito. Tuloy-tuloy ang lakad ko hanggang sa highway. Tinaas ko ang kamay ko at huminto ang isang taxi sa harapan ko. Agad ako sumakay sa likdo nito. “Walanghiya! Nakalimutan ko cellphone ko! Bahala na nga!” Sinabi ko ang agency ko kaya naman tahimik na lang ako sa likod ng Taxi. Kalahating oras bago ako makarating dito at sinalubong ako nang kasamahan ko. “Ang tagal mo! Malapit ka na!” Hinila ako ni Kiana. Napairap lang ako at saka nag lakad na kasunod nito. Alam nilang lahat gaano ko kagusto si Landon kaya naman gan’yan sila. Sobrang friendly ko at halos lahat na hawak ni Pat ay kilala ko saka nakakabiruan ko. Minsan nga sa Club A, sama sama kami umiinom pagkatapos ng trabaho. Ganito kami, basta ihahatid lang nila ako sa bahay dahil patay kami kay daddy pag hindi. Nakilala na din sila ni daddy dahil minsan na silang nakapunta sa bahay ko. Sa totoo lang, nag-iipon ako para sa gusto kong Condo. Gusto ko may maipundar sa sarili ko at hindi ko makukuha ‘yon sa simpleng gig ‘yon. Kinikita ko ay twenty five thousand minsan pag maganda ay umaabot ng thirty. Okay na ‘yon sa isang gig. Pero dahil ako bumubuhay sa sarili ko at masyado kong na-baby ang kapatid ko ay eto nangyayari. I will give her extra money to buy the things she wants. I want her to feel that I am the best ate. Kahit na ayaw ni daddy na nagwo-work ako ay hindi ako pumayag. He can provide all the things I want. Pero iba a rin pag sarili kong pera ang gamit ko. Ang sarap sa pakiramdam. “Ikaw talaga! Tara na nga dito!” Agad n’ya ako inuna sa pila at narinig ko ang mahihinang bulong ng mga nasa paligid dahil kararating ko lang ay ako na. May number na pinakat sa akin si Pat at natahimik ang mga ‘to. “See? Kanina pa s’ya dito. Tumae lang sa bahay nila.” “Talaga, Pat? Sa dami-dami naman nang palusot ‘yan pa?” natawa lang sa akin ‘to kaya naman umirap ako dito. Hindi ko alam bakit bigla akong kinabahan. “Ano ba gagawin ko?” “Hindi rin namin alam.” napapikit ako dahil doon. “Pero wala ka naman make up hindi ba? Gusto nila si fresh ang beauty! Saka maganda kahit walang make up.” Kinagat ko ang ilalim na labi ko. Siguro pagkakataon ko na din ‘to para makita si Landon sa malapitan. Wag na sana ako mag-inarte dahil para sa akin ‘to. Para makita ko s’ya sa malapitan. “Well, mayro’n pang prize pag napili kang face of their clothing line.” “A-Ano?” “Ikaw ang magiging date ni Landon sa isang Charity Event!” nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Feel ko ang pressured! Pero kailangan ko gawin ‘to, para sa akin. Eto na pagkakataon ko para makasama si Landon sa isang gabi. Isang gabi na kasama ko s’ya at suot ko ang isang magandang gown. Kailangan ko siguro gawin ‘to. “Girl, galingan mo! Dahil si Avah ay nag-audition din. Galingan mo dahil alam natin kung sino si Avah. Isa din s’ya sa pangarap makasama si Landon.” napatango ako dito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD