Kakayanin ko ‘to. Para kay Landon, alam ko naman etong araw lang at sa gabing ‘yon makakasama ko si Landon at babalik ako sa pagiging stalker ko. Iinggitin ko nang bongga si Stella kasi hiindi n’ya naka-date si Lander? Ako makaka-date ko si Landon! Gagawin ko ang lahat para sa ngayon.
“Ikaw na!” tinulak ako ni Pat at lakas loob akong pumasok sa loob.
Para akong isang tunay na modelong humarap sa kanila kahit todo ang kaba ko. Tumingin ako kay Landon na para bang gulat sa nakita ako dito. Ngumiti ako nang matamis sa kanilang harapan.
“Your name, Miss?” Landon asked me.
Fucking s**t! Ang bilis ng t***k ng puso ko pero kailangan hindi nila mahalata na kinakabahan ako.
“Bella Salvador, twenty years old.” nakangiting sabi ko.
“You are still college student? Paano mo na pagsasabay ‘to?” Landon asked me.
Bakit puro s’ya ang nagtatanong? Kinakabahan ako gago! Wag puro ikaw, grabe ka, Love.
“Well, because I am amazing?” natawa sila sa sagot ko pero si Landon ay hindi, kaya kumunot ang kanyang noo. “Well, panganay ako sa amin. We are not rich pero hindi rin kami mahirap. Gusto ko lang makita ni mommy at daddy na kaya ko na tumayo sa sarili kong paa. I want to be best ate, too.” nakangiting sabi ko sa kanila.
“Magkano kinikita mo sa mga gig mo?”
Ganito ba tangungan dito? Bakit hindi tungkol sa mga clothing line or what? Nakakainis naman!
“Twenty to thirty, Love--Este Sir. Landon.”
Tangina! Napatitig sa akin ‘to at nakita ko ang multong ngiti sa kanyang labi kaya naman nag-init ang mga pisnge ko.
“Okay? Bakit ka namin pipiliin?”
Shit! Eto na!
“Well, Sir. Landon, look at my face…” ngumiti ako dito. “Hindi ba fit ‘to? Fit din para maging asawa mo!”
Napahinto ako dahil sa sinabi ko kahit ang mga tao sa loob ay natawa dahil sa sinabi ko. Gusto ko na lang tumakbo palayo, gusto ko na lang maglaho na parang bula dahil sa sinabi ko. Nakita ko ang mahinang tawa ni Landon dahil doon kaya huminga ako nang malalim.
“J-Just kidding, hehe.”
Napapikit ako dahil doon. Umayos ako nang tayo at muling nagsalita ‘to. “Patingin nga kung paano ka maglakad?”
Agad ako naglakad sa harapan nila na para bang isang pang-beauty queen. Umiikot-ikot ako at ginagaya ang lakad ni Catriona Gray. Ngumiti ako sa kanila at saka huminto.
Pumalakpak sila dahil doon kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. “Okay, exit now.”
Mabilis ako umalis doon na para bang may humahabol sa akin. Agad akong sumigaw dahil sa kakahiyan ko.
“Ano nangyayari sa’yo!” sigaw ni Pat sa akin at tumulo ang luha ko sa sobrang nakakahiya dahil napahiya ako sa harapan ng ultimate bebe ko! Nakakainis!
“Nakakahiya, Pat! Ayoko na! Alam kong hindi ako mapipili!” umiiyak na sabi ko rito sabay yakap sa kan’ya.
“Ano ba nangyayari?” Kiana asked me.
Agad ako inalalayan nang ibang kasamahan ko para umalis doon. Pumunta kami sa isang kwarto at naupo ako sa sofa habang umiiyak ako.
“Nakakahiya.”
“Bakit nga?” naiinis na tanong ni Kiana sa akin at saka tumingin sa kan’ya.
“K-Kasi tinanong nila ako kung bakit nila ako pipiliin.” tumitig sila sa akin. “Sabi ko ‘yung mukha ko ba na ‘to hindi fit? Fit din maging asawa mo!”
Natahimik sila habang nakatingin sa akin at bigla na lang sila humagalpak ng tawa. Lalo akong naiyak dahil doon.
“Hindi n’ya ako mapipili.”
“Alam namin. Pero at least, nakausap mo s’ya hindi ba?” tumango ako sa kanila at halatang pinalalakas loob ko.
“Tara na! May gig ka ngayon.”
Lamyang-lamya akong lumabas habang nakasunod dito. Si Brandon ay binati kami pero hindi ko s’ya binati pabalik. Narinig ko ang bulungan nila tungkol sa akin at natatawa sila. Kaya naman sinamaan ko silang lahat ng tingin.
Nakita ko ang Photographer ko na pinagmamasdan ako. Naging kaibigan ko rin s’ya at gusto n’ya ako lagi s'ya ang kumukuha ng picture sa akin. S'ya rin talaga ang Photographer ko.
Huminga ako nang malalim.
“Ayusin n’yo na ang prinsesa!” sigaw ni Pat kaya naman pumunta na sa akin ang mga make-up artist n’ya. “Hoy, babae! Umayos ka! Nakasasalay dito pera mo!” agad akong umupo nang maayos.
“Hindi ko alam kung may mukha pa ako maihaharap kay Landon.” totoong sabi ko.
“Hindi ka no’n maalala, bakla! Sa dami bang nag-audition o baka gumano’n din sila kay Sir. Landon.” sinamaan ko nang tingin si Kiana dahil doon.
Oo nga naman. Masakit pero baka nga hindi n’ya din ako maalala na ako ‘yong babaeng gusto s’ya mapangasawa. Saka hindi lang naman ako nangangarap na maging asawa s’ya ‘e.
Inayos na ako at saka tumayo. Pumasok kami sa dressing room at lamyang-lamya akong kumuha nang damit. Para ‘to sa bagong brochure at kailangan ko I-model ang ibang bags, mga hindi sikat na brand.
Huminga ako nang malalim at saka sinuot ang isang shorts na white at isang itim na sando.
Isang heels na itim sa paimbaba. Kitang kita ang maputing balakang ko at pusod ko. Agad akong pumwesto doon. Binigay nila sa akin ang isang bag.
“Okay! Smile ha? Wag mong dalin dito ang problema mo sa crush mo!” nagtawanan sila doon dahil dito.
Huminga ako nang malalim at saka pumwesto doon. Ngumiti ako dito habang naka-pose. Iba-iba pa, kung ano sabihin nang photographer ko ay gano’n ginagawa ko.
“Perfect!” sigaw ni Pat kaya naman umirap ako dito.
Pinalitan nila ang bag na dala ko. Umiikot ikot ako habang nakangiti, may iba’t ibang pose na gusto ko.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Landon na tahimik sa gilid habang nanonood sa akin.
“Ano ba, Bella! Umayos ka nga!”
Pero para akong walang narinig ng makita ko si Landon na nanatiling nakatingin sa akin.
“Putek kaya pala!”
Agad ako umalis doon at saka pumasok sa dressing room! Agad akong nagtago sa likod ng pinto. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sa lakas nang t***k ng puso ko.
Shit! Bakit s’ya nandito? Anong ginagawa n’ya dito?
“Bwisit kang babae ka! Labas ka d’yan!”
Huminga ako nang malalim. “N-Nand’yan pa ba?”
“Malamang. Nanonood s’ya sa mga nandito. Saka hindi mo ba alam na isa s’ya sa Board Director ng Agency na ‘to?”
Binuksan ko ang pinto nang dressing room saka tumingin sa kan’ya. “Seryoso ba?” he nodded.
“Nakakahiya talaga---”
Hinila ako nito papunta doon. Nakita ko s’ya doon sa isang laptop kung nasaan ang mga kuha ko.
Napakagat ako nang ilalim na labi at nilakasan ko ang loob ko pumunta. “Okay ka na?” Rein asked me, my photographer.
“Oo. Kaya ko siguro ‘to.”
Agad akong pumwesto at nilabas ko ang bag na hawak ko. Kahit na nand’yan s’ya ay kinaya kong gawin ang trabaho ko hanggang sa matapos ako.
Binigyan ako ni Kiana nang tubig at inubos ko ‘to. Tinapatan ako nang mini Fan nito habang may ngiting mapang-asar ‘to.