“Nice one!”
Rein winked at me.
Iniiwas ko ang tingin ko kay Landon. Pilit ko s’ya wag tignan dahil sa nakakahiya. Saka? Bakit s’ya nandito? Tapos pa ang Audition? Hindi pa naman ha? Kaya bakit nandito na s’ya?
“Bella! Tara dito!” tumingin ako kay Lea.
Agad ako pumunta doon at saka tinignan ‘yon. “Ikaw gusto nang isang brand na mag model sa mga damit nila para sa brochure.” ngumuso ako. “Ano? G ka? Hindi pa ba nasasabi sa’yo ni Pat?” umiling ako dito.
“G ako d’yan. Nakaayos na ba kontrata n’yan?” I asked her.
“Ewan ko lang kay Pat.”
Tumingin ako kay Pat na ngayon ay kinikilig habang kausap ang crush ko. Umirap ako dito, nakakainis! Hindi ako makalapit dito dahil sa nahihiya ako saka ang gwapo n’ya masyado. Para bang isang metro pa lang layo namin ay nanginginig na tuhod ko. Gano’n kalakas ang epekto n’ya sa akin.
“Bella! Tara dito!” agad napatingin sa akin si Landon dahil doon.
Agad akong tumakbo papunta sa loob ng dressing room dahil sa hiya ko. Nilock ko ‘to mula sa loob at saka kinuha ang damit ko kanina. Agad kong pinalitan ang suot ko, kinuha ko ang bag ko saka tumingin sa salamin. Hinubad ko ang heels na suot ko saka pinalitan ‘yon ng suot ko kanina.
Siguro uuwi na lang ako kaysa nandito ako dahil hanggang ngayon ay hiyang hiya ako. Lumabas ako nang dressing room at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Landon na mukhang nag hihintay sa labas.
“AHHHHHH!”
Mabilis ko s’yang nilagpasan pag katapos kong tumila. Agad akong tumakbo palabas at hindi pinansin ang tawag nila sa akin ni Pat. Sobrang hiyang hiya ako, hindi ko kaya harapin s’ya pag katapos ng ginawa ko.
Agad akong pumara nang taxi at agad sumakay. Tinakpan ko ang mukha ko at umiling iling lang ako at saka tumingin sa driver. Sinabi ko ang address ko dito. Tahimik lang ako sa loob ng Taxi. Nakauwi ako ay agad ko nakita si Bella na ngayon ay nag aaral na habang kaharap ang iPad n’ya.
“Ate Bella, why are you so early today? Wala ka nang gig?” she asked me.
“Yeah, Belle. Ikaw? Kumain ka na ba? Saka, oo nga pala? Anong oras pasok mo bukas?”
“Seven Am, Ate Bella. Ihahatid mo ba ako? Kasi wala ang Car ni daddy. Next week pa sila uuwi.” ngumiti ako dito. “Wala din akong allowance.”
“Don’t worry about it.”
Pumunta ako dito saka hinalikan ng madiin ang pisnge nito at saka umakyat ako sa taas. Agad kong hinubad ang suot ko at saka kumuha nang isang sando. Naka cyling naman ako kaya ayos lang. Nakita kong may missed calls sila Pat and Kiana.
From Kiana:
Gaga ka! Gusto ko makilala ni Sir. Landon, mukhang nakuha mo sa banat mo.
From Pat:
Malaki chance mo pumasok sa final screening, bakla! Mukhang nagustuhan ka ni Sir. Landon! Dream come true na!
Huminga ako nang malalim.
“Hindi ko alam ano sasabihin ko. Dapat ba ako matuwa kasi napansin n’ya ako or mahiya dahil napansin n’ya ako dahil sa sobrang kapal ng mukha ko.”
Agad kong binuksan ang fan page ko tungkol kay Landon. Sila ni Lailana ang profile picture nito, agad kong pinost ang nakuha kong picture kanina na naka- stolen.
Ako na lang tignan mo. - caption.
Inulan agad ‘yon nang mga react or comments, may mga nag share at huminga ako nang malalim. Binuksan ko ang account ko. Hindi naman n’ya siguro malalaman ang account ko, right? Kasi nakakahiya dahil puro si Landon ang nandito sa timeline ko. Nakakahiya dahil kung ano ano pa naman caption ‘to.
Biglang may nag message sa sss page ko. Agad kong tinignan ‘yon at nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko si Landon. Agad kong tinignan ‘yon.
“Thank you for appreciating my looks by posting it. I would like to know you. What is your name?”
Nalaglag ang cellphone sa dibdib ko dahil sa nakita ko.
Totoo ba ‘to? Napansin n’ya ang post ko? Bagong post ko? Sa page ko? Nakita n’ya mismo ang page ko? Hindi ako makapaniwala kaya naman muli ko ‘tong binisita at nakita kong s’ya nga.
“Oh gosh!”
Agad ako nag reply.
Me: Bawal po, call me ganda na lang hihi.
Ngumuso ako sa reply ko.
Him: okay, ganda. :) You are stalking me, huh?
Nanlaki ang mga mata ko. Tangina! Hindi naman n’ya siguro ako kilala ‘no? Hindi naman siguro at saka? Paano n’ya ako makikilala? Hindi naman n’ya ako nakikita sa bawat stalk ko sa kan’ya. Hahaha! Bakit nga ba? Pero bakit kinakabahan ako?
Him: Hey, I want to know you. You always posting my pictures, some of them are latest. Like this.
He sent the latest post.
Kaninang umaga lang ‘yon. Kinabisado ko kasi sched n’ya, dahil nga nandoon si Lailana sa isang botique para mag sukat ng isang gown sa Charity Gala ay agad akong pumunta doon. Tapos eto? Nakakuha ako nang maraming anggulo at makikita mo sa cellphone ko ay lahat puro mukha n’ya. Mas gusto ko nakikita ang mukha n’ya kaysa sa mukha ko.
Him: Hey, busy?
Me: Not, really. I am helping my sister in her homework. You know? I am the best Ate.
Masayang reply ko.
Him: I am the best Kuya, too. Hindi kaya meant to be tayo.
Tangina! Totoo ba ‘to? Sinabi n’ya ba ‘to? Bwisit. Hindi ako makapaniwala. Binabanatan ako nang crush ko! Nakakainis! Binabanatan n’ya ako! Sarap mag pabanat sa kan’ya huhu.
Me: weg ke nemen genyen.
Natawa ako sa reply ko. Hindi naman n’ya kilala kung sino admin nitong page na ‘to. Kaya masaya na ako sa ganito. Kahit dito nakakapag usap kami at masaya akong kahit hindi n’ya kilala kung sino ako.
Bumukas ang pinto at nakita ko si Belle. Mahaba ang buhok nito habang hawak ang kan’yang iPad na pinag ipunan ko para maibigay sa kan’ya kaya naman sobrang saya ko na nabili ko ‘to. Gusto ko naman mag karoon nang Condo.
“Bakit, Belle?”
Binigay n’ya sa akin ang iPad ko at nanlaki ang mga mata ko. I saw my face, f*****g face! Oo, isang page ang post nito at naka- sponsor ‘to. Ang daming comments, reacts and shares. Tinignan ko ang comment nito ay puro magaganda at positive ang comments nito.
“May sss page ka ba, Ate?” agad ako umiling dito. “Someone posting your face. Eto ‘yong kaninang umaga.” napatingin ako doon.
Kasama ko si Stacey habang pasakay sa taxi. Seryoso ang mukha ko at naalala ko ‘to. Pinipigilan kong tumingin kay Landon dito saka imposible si Landon dahil alam kong hindi n’ya ‘to gagawin dahil ako lang naman patay na patay sa kan’ya.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad sinearch ang Fan page ko. Agad kong nilike ‘yon. As of now, may ten thousand likes ‘yon. Pero ang picture ko na nandoon ay umaabot ng fifty thousands reacts.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Sino naman ‘to?
‘What a wonderful morning‘ ang caption no’n kaya napangiti ako.
Maya maya ay sumabog din notif ko sa daming nag- aadd pero wala akong inaaccept kahit sino. Kaya naman hinayaan ko lang ‘to. Nahiga si Belle sa tabi ko, hinayaan ko sumabog ang Notification ko.
Dahil nga maaga ang pasok ko bukas ay nag pasya akong kumain sa labas kasama si Belle. S’ya pumili nang kakainan namin dahil nga pumasok na sa bank account ko ang bagong sweldo ko ay gusto ko kumain sa labas.
“Saan tayo kakain?”
“Ate Bella, pwede fast food tayo? Sa Greenwich?”
“Of course, anything my sister wants.”
She smiled at me sweetly. Pumunta ako sa malapit na mall at pumasok kami. Pareho kaming suot na dalawa, inayos ko ang mahabang buhok n’ya habang nasa entrance kami. Maraming tao dahil nga weekend.
Pumasok na kaming dalawa nang kapatid ko. Hinawakan ko ang kamay nito habang nag lalakad kaming dalawa. Napahinto s’ya sa isang Store kaya sinilip ko ‘yon.
“Do you want that?” I asked her.
“Expensive, Ate.” napangiti ako dito.
“Edi mag iipon ako.” nakangiting sabi ko dito.
“Talaga?” tumango ako dito saka hinaplos ang pisnge nito.
Pumasok kami sa loob at nakita kong limited edition lang ‘to. Kaya naman napatingin ako sa kapatid ko.
“Isa na lang s’ya.” malungkot na sabi n’ya.
Hindi ko tuloy alam ano gagawin ko. Isang gitara kasi ang gusto n’ya, med’yo mahal s’ya. Hindi pa nga ako tapos ng iPad n’ya na hulugan pero eto na naman? Hindi ko pa nasasabi sa kan’ya na hulugan lang ang iPad n’ya dahil ayoko naman mag- aalala s’ya saka kayang kaya ko naman bayaran na buo kaso nang hihinayang ako sa binibitawan kong pera.
“Hay nako, miss! Isa na lang ‘yan. Baka maubos pa ‘yan.” tumitig ako sa kapatid ko na malungkot na nakatingin dito.
“Hindi ba s’ya pwedeng installment?” agad umiling ang sales lady kaya naman napatitig ako sa kapatid ko.
“Hayaan na, Ate Bella. Siguro mayro’n pa naman sa ibang mall---”
“Kaming mall lang po ang kumuha nang ganito sa ibang bansa. Masyado po kasing mahal kaya kami lang talaga meron nito.”
“Mag kano ba ‘yan?” napatalon ako sa gulat dahil sa pag sasalita nito kaya napatingin ako doon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Landon na nakatingin sa gitara habang kasama si Lailana na nakangiti sa akin na para bang isa akong camera na kailangan laging nakangiti pag nakikita ako.
“Lailana!” agad lumapit kapatid ko dito at saka niyakap.
“Hala, kapatid mo s’ya?!” she asked my sister.
“Oo, s’ya kinukwento ko sa’yo. Si Ate Bella, ang the best Ate ko.” nakangiting sabi nang kapatid ko.
“Hello po! Ako po si Lailana, bunsong kapatid po ni Kuya Landon.”
“H-Hello?”
Eto na naman ang puso ko, sobrang bilis ng t***k. Hindi ko magawang tignan si Landon dahil doon. Iniiwas ko mapatingin sa kan’ya.
“Sir. Bibilin n’yo po?”
“Belle, do you want that?” Lailana asked her and my sister nodded like a good girl. “Kuya Daddy! Bilin mo na for her, please?” nanlaki ang mga mata ko.
Alam kong mayaman sila pero talaga gagastos sila para sa ibang tao. “Hala, hindi! Sir. Landon, wag! Bibilin ko naman talaga ‘yan para sa kapatid ko---”
“Then, it’s a gift for her. Nakapunta na s’ya sa bahay namin pero ayaw n’ya tumanggap kahit ano kay Lailana. Gusto ni Lailana na binibigyan ng regalo ang mga kaibigan n’ya.” nagulat ako dahil doon.