Raven's POV Sabay kaming napatakbo ni Josh kay Camilla. Naunahan ako ni Josh na lapitan siya. Kinalong niya ang ulo nito sa hita niya at pinulsuhan. "Nawalan lang siya ng malay." wika nito. Nilapitan ko naman si Alexander at pinulsuhan. Wala na akong makapa pa at senyales na may buhay ang isang 'to. Preho sila ni Camilla na may bahid ng dugo ang damit ngunit mas malala ang kay Alexander. Naging kulay pulang rosas na ang lupang pinagbagsakan niya at maging ang mga d**o na nasa paligid ay may mga talsik din ng dugo. "Tabi!" dinig kong sigaw ng isang nilalang na maliit. Alam niyo na kung sino. SInuri niya si Camilla na walang malay atbigla akong nilingon. "Nasaan si Night?" Tanong niyo sa akin. Naalala ko namang nasa loob pala siya ng bag ko. Binuksan ko ang bag para makasiguro at ayu