Lala's POV Ilang minuto na silang naglalaban pero wala pang sumusuko. Nagkaharap na rin ang ilan pang miyembro at ngayon ay nagtutungali na. Halatang walang gustong magpatalo sakanila. Kahit bakas na sa mga mukha ang labis na pagkapagod. Nabigla kaming lahat ng may isang malaking bolang apoy na pinalabas ang kalaban nila Jane at pinatama sa kanila. Nagawang makailag ni Jane ng makatakbo siya agad, ngunit napuruhan naman ang kasama niya. May kaunting daplis din si Jane sa braso na kinagulat ni Louie kaya siya napatayo sa kinuupuan. Hinila naman siya paupo ulit ni Exsur at pinahinahon. Kung sino naman sigurong magkapatid ang mapapasabak sa ganyang labanan hindi ka ba magaalala lalo nat nakita mo kung panu siya nasugat. Nagpatuloy naman ang laban at ngayon ay panay ang takbo at tago ni